Chapter 7.2: Operation, The Pride Athlete
3rd Person's P.O.V
"15-13, Winner Mr. Lawrence Go." Sabi ng Scorer.
"Oh yeah!" Sigaw ni Lawrence. "Can't beat me right?" Pang-aasar pa nito.
"Whatever, rence." Sabi ni Florence. Kuya niya.
"Whatever, rence." Pang-gaya naman nito.
(A/N; They both have Rence sa name. Florence and Lawrence)
"Talo ka talaga kuya Florence kay kuya Lawrence ko!" Sabat naman ng cute na batang nakapigtail pa na si Clarence, ang bunso nilang kapatid.
"Siya na! Di na nga niyan ako kinukuya, tapos kampi ka pa diyan?" Nagtampo-tampuhan naman si Florence.
"Kuya Florence! Dahil talo ka, ililibre mo ko ng cotton candy!" Masiglang sabi ni Clarence.
"Cotton candy? Baka masira yung teeth mo." Sabi ni Lawrence.
"Hindi yan, kuya! Magtu-toothbrush ako after. Please?"
"Sure. Si Florence naman magti-treat afterall." Tumawa si Lawrence.
"Bahala ka jan! Tara na nga, Clarence." Sabi naman ni Florence at hinawakan sa kamay si Clarence.
"Yehey!" Pumalakpak pa si Clarence at umalis na nga sila.
Napailing na lamang si Lawrence at inayos ang mga gamit nito sa tennis. Didiretso na sana siya sa shower room para maligo ng madaan siya sa kabilang court. Marami kasing nanonood dito.
"Oh pare! Ang galing niya! Akalain mo yun, tinalo ako? Kakaiba nga eh!" Sabi ng Staff nila Lawrence.
"Pati ikaw? Kinalaban? Paano nangyari yun?" Tanong ng isa pang Staff sa kapwa niya staff.
Psh, mga tsismoso talaga 'tong mga 'to, imbis na magtrabaho. Sabi ni Lawrence sa isip.
"Niyaya ako eh! Di ko matanggihan e! The customers are always right diba? Atsaka ang ganda ganda pa pre! Hindi mo talaga mahihindi-an." Sagot naman nito.
Nacurious si Lawrence sa pinag-uusapan ng mga Staffs nila.
"Excuse me, Who were you talking about?" Tanong niya sa mga staffs.
"S-Sir, P-pasensya na po."
"You didn't even answer my question. Who was the person you were talking about?" tanong nito muli.
"A-ah, Y-yung magandang babae po na bagong sali lang po dito sa club. A-ang G-galing po niya." Mautal-utal naman nitong sagot.
Napataas ng kilay si Lawrence. "Really? She's that good in playing?" Tanong pa nito.
"O-opo sir."
"Is she better than me?"
"Opo sir-- I mean h-hindi po! Mas magaling po kayo for sure!" Kabadong sagot ng staff.
"Can you get out of my face, and let me in!" Nagmake-way naman ang dalawang staffs.
"WOAH!" Sigaw ng mga nanunuod.
Saktong paglingon ni Lawrence ay nakita niya ang malakas na pagtira ng babaeng iyon.
"Once again, Ms. Max is the winner! Congrats." Sambit ng scorer at nagpalakpakan lahat.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...