Kyle's P.O.V
3 months ago,
"Kyle!!!" Sigaw ng babaeng malaki ang tiyan. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa noo.
"Bakit mahal ko?" Malambing kong tanong sakanya.
Sinimangutan niya lang ako at ngumuso. "Maligo ka."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Mahal?!" Tinaasan niya ko ng kilay. "Kaliligo ko lang diba?" Sabi ko pa.
"Eh hindi ka naman ata naligo ng tama eh! Ulitin mo nga! Ang baho mo parin eh!" Halatang naiirita siya.
"Mahal naman. Naiintindihan kong buntis ka, pero paano kapag nagkasakit ako sa kakaligo ko dahil lang nababahuan ka saakin? Nung isang araw, pinaligo mo ko ng limang beses. Hindi kaya ikamatay ko na ang pagligo?" Napatahimik siya sa sinabi ko. "Mahal?" Nagulat ako nang suminghot siya. "Mahal..." Ayan na, emotional talaga 'tong buntis na 'to.
"Sorry mahal ko, sorry kung nababahuan ako sa'yo. Ayokong magkasakit ka. Paano nalang ako kapag nangyari 'yon? Sinong mag-aalaga saakin?" Umiiyak na siya at humihikbi habang nagsasalita.
Niyakap ko naman siya. "Mahal naman, wag ka nang umiyak! Alam mo namang hindi ako magpapakasakit para sa'yo no! Syempre, aalagaan kita! Ano pa't nangako akong palagi lang ako sa tabi mo diba? Wag ka nang umiyak please?" Hinalikan ko siya sa ulo.
"Tawagan mo nalang si Luis." Sabi niya habang nagpupunas ng luha. Sudden change of emotion nanaman! At ayan nanaman siya kay Luis!
"Nanaman?!" Napasimangot ako. "Ako nalang paglihian mo!" Napakamot ako sa ulo dahil sa asar. Nakakaasar naman talaga kasi eh! Palagi nalang si Luis! Minsan nga, niyayakap pa niya yun tapos minsan hinahalikan pa! Pabor pa tuloy sa lalaki!
"Sundin mo na nga lang ako! Tawagan mo na dali!" May kinakain pa siyang cake sa bibig niya habang sinasabi yan.
"Ayoko nga! Gabi na, tulog na yon." Yumakap ulit ako sakanya. Malay niyo magbago isip.
"Eh hindi! Pupunta yun! Gawin mo nalang kasi. Ayaw mong maligo eh. Papuntahin mo nalang si Luis." Pinagtulakan niya pa ako mga kaibigan.
"Oh eto na, maliligo na." Sabi ko at akmang huhubarin ang damit ko.
"Anong ginagawa mo?!" Sigaw niya.
"Maliligo?"
"Wag ka nang maligo!"
"Bakit? Mabango na ko?" Napangiti naman ako at akmang yayakapin siya ulit.
"Hindi. Mabaho ka parin pero okay lang. Basta, papunta na si Luis." Nginitian niya pa ako. Nang-aasar ata 'tong asawa ko eh!
"Bakit mo tinext?!" Tanong ko.
"Gusto ko eh!"
"Mahal naman," Magwa-walk out na sana ako nang may mag-doorbell.
"Si Luis yan!" Sigaw ni JM at naglakad pa papuntang pinto. "Luis!" Sigaw niya at niyakap ito.
Dahil sa paglilihi ni JM, nacontrol ko ang pagseselos ko. Buti nalang talaga buntis lang 'tong si JM dahil kung hindi, magtatampo at magpapasuyo talaga ako sakanya!
"Anong masakit sa'yo?" Bakas ang pag-aalala kay Luis. Napakunot naman ako ng noo. "May masakit sa'yo, mahal?" Tanong ko kay JM.
Nilagpasan niya lang ako habang hawak ang kamay ni Luis kaya nahatak niya si Luis. Nice, Kyle. Talk to the door.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...