Chapter 37: TOTALLY.ON.FIRE
JENINA's POV
"Saan ka galing?" Tanong ko pagdating ni Max dito sa bahay.
Ngumiti siya pero parang may mali.
"Nakipagkita ako kay Paolo sa Mall." Sabi niya kaya napalingon ako sakanya.
"Anong pinag-usapan niyo? Ayos ka lang ba?" Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa likod. Parang may mali talaga sa ngiti niya. Hindi maalis yung weird niyang ngiti.
"Wala. Nakikipagbalikan lang naman ako eh." Sabi niya at umakyat papunta sigurong kwarto niya.
Dahil nagloading pa saakin yung sinabi niya eh, natauhan nalang ako nang sinarado na niya yung pinto ng kwarto niya. Nakipagbalikan siya?! Anong nangyari?!
Sumunod ako sakanya. Buti nalang hindi naka-lock yung pinto.
"Anong sabi niya?" Tanong ko nang makapasok. Nagulat pa siya sa bigla kong pagpasok pero humiga nalang siya.
"Wala naman. Sabi niya hindi na raw pwede kasi... Engaged na siya. Hindi na raw pwede kasi... Mahal na niya ang fiancee niya." Kwento niya saakin na tila parang wala lang sakanya.
Agad akong tumabi sakanya at hinaplos ang buhok niya. "Okay lang kung umiyak ka. Nandito naman ako para i-comfort ka." Sabi ko sakanya at ngumiti.
"Ha. Ha. Ha." Sarcastic niyang tawa at biglang bumangon. "Bakit ako iiyak?" Nilingon niya ako. "Hindi na ako gagawa ng katangahan ulit, Ate. Hindi ko uubusin ang luha ko para sa isang lalaki. Dahil ako ang iniiyakan ng apat na lalaki." Ngumiti pa siya saakin kaya parang iba yung naramdaman ko. Kapatid ko siya. Alam ko o nararamdaman ko pag may binabalak siya.
"Akala ko ba titigil ka na? Nasaktan mo na sila diba? Inamin mo... na pinagsabay mo na sila... diba?" Tanong ko.
Umiling siya saakin. "Hindi pa yun tapos, Ate. Hindi pa. Dapat talaga tatapusin ko na, kung hindi lang nila... Kinalat ulit yung picture ko. Dapat nga, titigil na ako dahil akala ko yun na yung simula ng lahat. Dahil nga sa pagiging Ms. SIU ko.... Yung magandang pribilehiyo na yun saakin. Kaso... Hindi ko sila maintindihan. Bakit kailangan nilang gawin yun? Kaya naisip ko na baka isa sakanila ay natatandaan at nakilala na ako si JM kaya nagawa yun. Syempre hindi ako papatalo diba?" Nahiga ulit siya at pumikit.
"Kailan ka ba titigil?" Parang walang pag-asa kong tanong.
Nakapikit parin siya. "Kapag nakuntento na ko, syempre." Huminga siya ng malalim at iniunan ang kanyang kamay sa ulo. "At kapag naging miserable na sila."
"Titigil ka lang ba kapag may namatay na sa nagawa mo?" Napadilat siya sa tanong ko at tumingin saakin. "Paano kung... May madamay, paano kung may mawalan ng buhay? Wala kang magagawa, Max. Pagsisisihan mo lang yun."
Ilang beses ko na siyang kinokonsensya, pero parang hindi siya tinatablan. Ganun na nga talaga siya kagalit at sobrang dinamdam yung mga naranasan niya. Siguro nga, kung ako yung nasa sitwasyon niya, ganyan din ang ginagawa ko. Naaawa na talaga ako sa kapatid ko. Hindi ko na alam kung tama bang hayaan ko siya sa ginagawa niya o patigilin siya dahil sa huli, hindi imposible na magsisi siya.
"Wala akong magagawa kung ganun. Galit na galit ako, Ate. Nasaktan at patuloy na nasasaktan ako sa nangyayari sa buhay ko! Dahil yun sakanila. At kahit magsisi o masaktan ako balang araw, alam kong worth it yun. Alam kong makakarma ako pero paghahandaan ko yun. Basta ang mahalaga maghihiganti ako. Tinatanong mo ko kung magiging masaya ba ako sa desisyon kong 'to? Oo, Ate. Kapag nagdusa silang lahat... Sasaya ako." Kakaiba ang naramdaman ko sakanya. Hindi manlang siya umiyak. Hindi manlang namula ang mata niya.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...