Epilogue,
4 years later...
JM's P.O.V
"Eh kasi po Ate JM, mahal ko nga siya pero may mahal naman po siyang iba. Ano po ba ang dapat kong gawin? Hindi ko naman po pwedeng ipaglaban siya diba? Wala naman pong kami." Sabi saakin ng caller ko.
"Alam mo Mickey, walang masama kung ipaglalaban mo yung taong mahal mo. Ang masama nga lang ay ang aasa ka. Wala namang issue kung kayo ba o hindi eh. Are you still there? Hello?" Wala nang nagresponse sa kabilang linya.
"Well, mukhang naputol ang linya ni Mickey mga ka-watty. Pero Mickey... Kung nakikinig ka parin hanggang ngayon, isa lang ang mapapayo sa'yo ni Ate JM mo. Kung ang taong mahal mo ay may mahal nang iba, learn to let go. Mahirap, I know. Pero yun yung magpapakawala sa sakit. Hindi madali, Alam ko rin. Process nga ang moving on. At wag mong isipin na ang pag-momove on ay para lang sa mga magkakarelasyon."
"Okay. Si Mickey ang ating pangapat na caller sa gabing ito. Time check? It's already 11:11 in the evening! What's your 11:11 wish guys? Ang makatawag ba dito saaming station? Tawag na! Baka ikaw na ang maging last caller for this night! 011-22-34 just dial that number. As in now na!" Pagsabi ko pa lang ng numero ay inulan na ng ring ang lugar ko.
"Okay, here it is! Our last caller for this night! Magandang gabi sa'yo ka-watty! Ano ang iyong pangalan?" Masigla kong tanong sa huling caller.
"............"
"Hello, Anjan pa ba ang ating caller? Naririnig mo ba ako?"
"..............."
"Okay, mga ka-watty. Mukhang nawalan ng signal yung tumawag kaya bibigyan natin ng chance ang iba na tumawag u---" Naputol yung sasabihin ko dahil may nagsalita na sa kabilang linya.
"Hello? Wait, Hello?"
Natulala ako at nagtindigan lahat ng balahibo ko.
"Hello? Wag niyo munang ibaba... May sasabihin lang ako sa DJ."
Yung boses...
"5 years na rin pala ano? DJ ka na. Kamusta ka na kaya? Obvious namang successful ka."
'Yung boses na mahigit limang taon kong hinanap. Mahigit limang taon kong hinintay. Napapabilis parin nito ang puso ko.
"Siguro matagal mo nang nalaman yung pagiging engaged ko no? Akala ko nga, yun yung magiging solusyon, pero lalo lang nito pinatunayan na walang papalit sa'yo... Dito sa puso ko."
Napatakip ako ng bibig. Naiiyak nanaman ako. Nakakainis! Bakit lagi niya akong pinapaiyak!
"Nagpapasalamat talaga ako kay Kyle. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton sa France... Pero gayon pa man, nagpapasalamat talaga ako sakanya."
"D-dammien?" Lakas loob kong tanong.
"Aba. Kilala mo parin pala talaga ang boses ko. Hi JM! Ako nga. Ang hirap palang tumawag sa station niyo ano? Isang linggo rin akong tumatawag pero hindi talaga ako nakukuha. Sabi ko nga sa sarili ko, ngayong gabi... Pag hindi ako ang nakuha, titigil na ako."
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...