Chapter 49: Killed the fire
JM's P.O.V
"Ms. Medina, ikaw na ang bahala rito ha? Alam mo naman kung nasaan ang susi ng Library natin." Sabi saakin ni Mrs. Dela Cruz na siyang librarian dito.
"Okay po, ma'am. Ingat po." Sabi ko at nagpatuloy sa pag-scan ng thesis sa laptop.
"Hindi na ba pwedeng ipagpabukas yan? Dinidibdib mo masyado ah." Biro saakin ni Ma'am.
"May pupuntahan pa po kasi ako bukas kaya kailangan ko pong gawin yung mga part na dapat bukas." Sagot ko habang nakatuon ang tingin sa laptop.
"Osiya sige. Mag-ingat ka ha. Wag ka masyadong magpapagabi." Sabi niya sabay tap sa balikat ko at lumabas na ng lib.
Ilang oras na nga ba akong narito sa library? Ang sakit na ng balakang at daliri ko kakapindot. Tinignan ko ang relo ko at nanlaki ang mata ko dahil mag-aalas otso na pala ng gabi! 3pm palang kasi andito na ako para gumawa ng lintek na thesis na 'to.
You know what? Isang taon na ang nagdaan... 3rd year college na ako. From accountancy, I shifted to Masscomm dahil yun talaga ang mas gusto ko in the first place. Yung accountancy kasi, biglaang desisyon ko lang yun dahil sa sitwasyon ko noon.
At mahigit isang taon na ring hindi nagpapakita saamin si Jane matapos nang confrontation niya saamin. Walang nakaka-alam kung nasaan siya. Maski si Kyle wala nang communication sakanya. Lumayo talaga siya saamin. Pero sa tingin ko ay nag-iisip lang siya at kailangan niya ng space.
Haaaay, give it a break. Sumandal muna ako sa upuan ko at uminom ng kape na binigay saakin ni Mrs. Dela Cruz kanina.
Bakit nga ba close kami nung librarian? Kasi nga araw-araw na akong nandito. 2nd sem palang noong 2nd year ako, tambay na ako rito. Minsan nagrereview pero kadalasan tumatambay lang para mag-wifi.
Pero ngayong taon, iba na kasi eh. Mas maraming time na akong nakatuon sa mga libro kesa sa pagi-internet. Kaya nga minsan ako pa ang pinagsasara ni Ma'am ng library dahil overtime na ako. Kagaya na nga lang ng nangyari saakin ngayon.
"De bale, isang page nalang... Fighting JM!" Pagcheer ko sa sarili ko at nagsimula na ulit magtype.
Wala pang kalahating oras ay natapos ko rin ang pages na dapat ay bukas ko gagawin! Pinaghati-hati ko kasi ito sa bawat araw para maging organize at hindi bara-bara.
Isasara ko na rin naman itong library eh, sulitin ko na. XD Nag-log in muna ako saaking Facebook para magcheck check lang.
At ang ganda ng bumungad sa News Feed ko.
Dammien Bautista is now engaged with Kim Romero.
x x x x
Kyle's P.O.V
"Ano? Nagreply na ba?" Tanong saakin ni Jen-- Ate Jenina pala.
Pumunta kasi ako rito sa bahay nila dahil nangako ako kay Ate Jenina na dito ako magdidinner. Kaso magte-ten na wala pa rin si JM.
"Nag overtime nanaman siguro yun sa library! Feel na feel na niya ang pagiging nerd ha! Di pa siya nakuntento, nagpaka-librarian pa siya!" Sabi pa niya habang naglalakad back and forth.
"Nalowbat yun kaya hindi nagrereply." Sabi ko kahit ilang beses ko nang tinatawagan at nagriring. Di man ako nagsasalita pero mas nag-aalala ako sakanya.
Huminto si Ate Jenina sa paglalakad at tumingin saakin. Nakangisi pa siya na halata mong may binabalak.
"Anong ngiti yan?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
His Girl Is On Fire (Completed-Editing)
HumorIto ay tungkol sa isang babae na nabulag sa galit at maghihiganti siya sa barkada ng pinakamamahal niyang nobyo. Dahil sa nagawa nila sakanya. Kinalat nila ang mga hubad na larawan ng dalaga at ipinahiya siya sa araw pa mismo ng graduation nito. At...