"What?! Yvon naman umpisa pa lang ng klase may nakaaway ka na agad," nag hi-hysterical na sigaw ni Kaye dito sa loob ng dorm room namin.
"Will you please shut up Kaye," mahinahong sabi ko kay Kaye.
Mula kaninang natapos ang weirdong klase at ng naikwento sa kanya ni Cass ang nangyari sa classroom ganyan na siya kaingay.
Umupo naman siya sa sofa na kaharap ko.
"Yvon, kasi naman pwede bang pahinga ka muna sa pakikipag away."
I looked at her.
"Hindi ako ang nakipag away, you know me Kaye I never make the first move."
"But you're always the one who makes the move to end it. Either die or live like a dead," she said.
I just shrugged at her. "Ginusto nila iyon and I don't have any choice."
"You always have a choice," sagot niya.
"Pero may kadikit na consequence ang bawat choices na 'yon."
That made her stopped.
Tumayo ako at nag lakad palabas sa dorm room namin.
"Yvon! saan ka nanaman pupunta?"
"Mag iikot-ikot," hinawakan ko ang doorknob.
She stood up at halatang pipigilan niya ako
"You can't Yvon, nasa rules 'yan sa handbook. All students of AMC should be inside their dorm room at eight o'clock pm," she explained.
At wala sa plano ang sumunod sa kahit anong rules sa mundong to.
"Don't worry Kaye, no one can see me," I just said saka tuluyan ng lumabas.
Wala ng bukas na ilaw sa loob ng Magica Coloris Dormitorium. Mas okay 'to para walang makakita saakin, dahil sa dilim sa labas ng dormitoryo wala ka talagang makikita.
I'm lucky dahil sanay ako sa presensya sa dilim.
Nag lakad ako papunta sa malaking pintuan ng dormitory house, but unfortunately naka lock na ito. Madali ko lang sana mabubuksan kung simpleng kandado lang ang nakakabit, pero mukhang may halong mahika ang pagkakalock sa pintuan.
So I guessed mag iikot-ikot nalang ako sa loob ng dormitorium. Sa paglalakad ay napadpad ako sa pinaka tuktok kung saan isang malawak na silid ang natagpuan ko.Hhinawakan ko ang mga gamit... library? Puro book shelves ang nahawakan ko at mga nagsisilakihan at makakapal na mga aklat. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may tao... but something is strange ngunit di ko na lang pinansin.
Nang nasigurado kong wala nga ay binuksan ko na ang flashlight at ginamit itong liwanag sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
ФэнтезиYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...