Epilogue

4.2K 114 19
                                    

"Sobrang delikado nang paraan na naiisip mo Bellona," napatayo nadin si Hiromi.

"Iyon na ang desisyon ko, ayoko ng manahimik at magtago na naman dito ng ilang daang taon. Habang ang iba nagpapakahirap para iligtas ang atinf mundo," sumeryoso ang boses ni Bellona.

"Kaya ikaw Hiromi ang kailangan mong gawin ay tumira sa Aqua Kingdom. Si Lolo Alejandro na ang bahala para ikaw ang mapiling maging tagapangalaga ng Aqua Magicis Lapis kapag namatay si Maximus," doon nag umpisa ang plano ni Bellona.

Sa una pa lang ay ayaw na ni Fierce sa plano ni Bellona pero wala siyang nagawa dahil hindi niya na mababago ang isipan ni Bellona.

"Ipangako mo saakin Fierce, na sa mga panahon na wala pa akong natatandaan hinding-hindi ka magpapakita saakin," pinipilit lang maging matibay ni Bellona sa harap ni Fierce.

Hinarap siya ni Fierce na ngayon ay namumula na ang mga mata. Pinipigilan na lamang ang mga luha.

"Alam mo ba kung gaano kahirap 'yang hinihiling mo Eve?" madiin ang pagkakasabi ni Fierce.

Napayuko si Bellona. Hindi lang para kay Fierce mahirap ang gagawin niyang desisyon.

"Ilang taon akong maghihintay Eve?! Ilang taon bago mo maalala ang lahat? Alam mong ni hindi ko kayang matiis na hindi ka makasama ng isang araw lang, tapos ang hinihiling mo saakin ay sobrang tagal na panahon. Hindi ko kaya Eve!" hindi niya napigilan suntukin ang pader.

"Fierce," nanghihina na ang boses ni Bellona. "Konting panahon lang Fierce, pakiusap."

Tinitigan siya ni Fierce. "Gusto mong pakawalan kita ng ilang taon. Gusto mong itulak kita sa bagay na ikapapahamak mo. Paano kung hindi magtagumpay ang plano mo? Paano kung hindi mo kayanin mag-isa ang kontrolin ang kapangyarihan mo? Paano kung mamatay ka ng tuluyan Eve? Paano kung mawala ka ng hindi ko man lang nalalaman. Hindi ko kaya Eve! Hindi ko kayang hayaan ka gawin ang bagay na pagsisihan ko sa huli," naglakad palapit sa kanya si Fierce.

"Hindi ko kayang mawala saakin ang babaeng minahal ko ng ilang daang taon. Hindi ko kakayanin Eve," tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ni Fierce.

Si Bellona ang lumapit ng tuluyan kay Fierce. "Nagtitiwala ka ba saakin?" pinilit ni Bellona ngumiti.

"Wala akong ibang pinagtiwalaan simula pa noon kundi ikaw lang, pero sa tadhana ako hindi nagtitiwala ngayon."

Hinawakan ni Bellona ang pisngi ni Fierce. "Kung ganon, magtiwala ka saakin na hanggang sa dulo ng lahat, magtiwala ka na babalik ako. Magtiwala ka na kahit ang tadhana pa ang makaharap ko ay ako padin ang mananalo. Magtiwala ka," saka niya nilapat ang labi niya kay Fierce. "Mamahalin kita kahit ano pang mangyari."

Sa pagdilat ko ng mga mata ko. Kakaibang enerhiya ang bumabalot saakin.

I remember everything. I remember who really I am.

I am Bellona. The Goddess of Void.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon