"Is everything settled?" tanong ni Ashley.
Nasa gitna kami ng Elemental forest. Ang apat na Elemental holder ay nakatayo kaharap ng pahabang lamesa na kulay puti. Sa harapan nila ay ako. Sa pinaka dulo ng lamesa ay ang Lola ni Ashley at Ashton, nakatapat sa kanya ang madaming kandila. Sa kabilang dulo naman ay si Ashley.
Sa likod ni Ashley ay nakaupo ang mga Praeceptor, hari at reyna para manood. Sa kalangitan ay nakasakay ang lahat ng mga students sa broom stick para manood ng hindi nakakagulo. Ang iba naman na may kakayahang lumipad ay hindi na kinailangan gumamit ng broomstick.
"Okay na ang lahat," sagot ni Axelle.
Humikab naman si Airos na halatang inaantok pa. "Hindi pa ba tayo mag uumpisa?"
Pagkasabing pagkasabi ni Airos non ay lumiwanag ang buong paligid dahil sa pagpapalit ng kulay ng buwan... ang blue moon. Tumama ang liwanag ng blue moon sa pwesto namin.
Napaka ganda, ngunit hindi nababagay sa mangyayari ngayon. Tiningnan ko isa-isa ang mga nasa harapan ko. Nakangiti si Airos habang pinagmamasdan ang kagandahan ng buwan. Katabi niya ay si Axelle na seryoso ang mukha pero makikita sa mga mata ang saya. Katabi niya si Ashton na hindi sa buwan nakatitig, kundi saakin. Katulad ng palaging reaksyon niya na wala akong mabasa.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at nilipat sa katabi niya, kay Mare. Ngumiti siya saakin ng malungkot na parang alam na ang mangyayari.
"Mag umpisa na," seryosong sabi ni Ashley na hawak ang isang white dagger.
Pumikit ang Videre, sa pagdilat niya ay naging kulay puti ang buong mata.
"Fenerantur ut Luna dea caeruleis uires," tumapat ang liwanag sa pinaka gitna kung saan ang pwesto ng paglalagyan ng apat na magicis lapis.
Tiningnan ako ni Ashley, ibigsabihin ay ilagay ko na ang mga Magicis Lapis. Lumiwanag ang mga mga bato. Masyadong maliwanag na parang may sariling buhay. Dahan dahan kong hinawakan ang mga 'yon.
Nilapag ko ang kulay blue na bato sa kanang parte ng gitna ng lamesa. Kasunod ay ang brown na bato, nilagay ko iyon sa babang parte. Sa kaliwang parte ko naman inilagay ang berdeng bato at sa pinakatuktok ang pulang bato.
"Quatuor elementis in lapidibus virtutes Blue..."
Mas lumiwanag pa ang apat na bato. Ipinasa ni Ashley ang puting dagger kay Airos, ginamit niya iyon para hiwaan ang kanan niyang palapulsuhan. Pumatak ang dugo sa puting lamesa. Ipinasa niya kay Axelle ang white dagger at ganon din ang kanyang ginawa, kasunod ay si Ashton, at ang huli ay si Mare.
Pumatak ang mga dugo nila sa puting lamesa na nag-umpisa ng kumalat.
"Possessor elementorum connectunt corpore aeris aer lapidi magicis."
Dumiretsyo ang dugo na galing kay Airos sa asul na bato.
"Connectunt possessor elementorum terram corpore terrae magicae lapidem."
Gumapang papunta sa brown na bato ang dugo ni Axelle.
"Mauris elementum aquae anima corpus aqua tenens magicae lapidem."
Unti-unti namang pumunta ang dugo ni Mia sa kulay green na bato, ang batong pinangangalagaan ni Yselle.
"Possessor elementorum connectunt corpore flammae ignis magicae lapidem."
At dahan dahan namang dumiretsyo ang dugo na nanggaling kay Ashton sa huling nalalabing bato.
"Et sanguine, et lunam, et lapis. Mauris virtutes lapidem tenens sanguinis coniungant anima amet titulari in lapide."
Kumalat ang energy pa diamond shape sa pagitan ng mga Magicis Lapis, and a spark of energy floats and went to the body of the four elemental holder.
"Now it's done," bumalik sa dating kulay ang mata ng Videre.
Habang ang apat na Elemental holder sa harapan ko ay nag-iba ang kulay ng mga mata at buhok.
Ang buhok ni Airos na dating blue ay naging puti at ang mata niya ay naging matingkad na kulay asul. Ang buhok naman ni Axelle ay naging kulay green at ang kanyang mata ay naging matingkad na brown. Si Ashton naman ay naging red ang buhok at bright red ang mata. Habang si Via ay naging asul ang umaalon na pababang buhok at ang pares ng mata niya ay naging kulay berde.
Nakapalibot sa kanila ang energy ng elemento nila. Wow.
"Ilagay mo na sa sealed magical box ang mga Magicis Lapis, Yvon..." binuksan ni Ashley ang kulay white na babasaging lalagyanan.
This is my plan and I shoud do it. There's no turning back Yvon.
Dahan dahan kong hinawakan ang mga Magicis Lapis at inilagay sa lalagyanan. Ramdam na ramdam ko ang paghihintay ni Ashton sa gagawin ko. Nang hawak ko na ang huling bato ay hindi ko nilagay sa lalagyan. Tiningnan ko sa mata si Mare... tumango siya saakin.
Lahat ng nasa paligid ay naghihintay sa gagawin ko, nagtataka ang iba dahil nasa kamay ko parin ang huling bato.
I tightly hold the last Magicis Lapis. I closed my eyes. I'm sorry...
And I put the last stone inside the box and sealed it. Nakahinga ng maluwag ang ilan. Bumalik sa dating istura ang mga Elemental holder.
Kasabay ng pagsarado ko ng sealed ay ang pagkaramdam ko sa presensya ng isang taong gumuho ng mundo ko.
"You choose to die?" she angrily whispered.
Mabilis siyang naglaho bago pa ako makalingon. Ang atensyon ng lahat ay napunta sa kanya ng lumapit siya kay Mare... sa kakambal niya.
Pero isang malamig na kamay ang naramdaman ko. He's holding my heart. "I'm sorry Yvon but you choose this."
"Stay away from her," Ashton demanded, not noticing what's really happening to me.
Wala ni isa ang nakakahalata sa kamay ni Jace na nakahawak sa puso ko. He's a healer and the worst is he's ability is intangibility. Kaya nagagawang niyang hawakan ang loob ng parte ng katawan ko.
"And what if I don't?" mapang-asar na tanong ni Jace.
Ang alam lang ng lahat ay nasalikuran ko si Jace pero ang kamay niya ay hindi pansin kung nasaan. Sa pagtawa ng mahina ni Jace ay mad humigpit pa ang pagkakahawak niya. Fuck.
"Ashton," I tried to ask for help pero mas lalo lang hinigpitan ni Jace ang pagkakahawak sa puso ko.
"You'll die or the Queen of the Tenebris will manipulate your mind, para ikaw mismo ang sumira ng mga Magicis Lapis?" mahinang bulong ni Jace saakin.
Handang handa na ang lahat sa pag-ataki sa kanya pero hindi lang nila magawa dahil masyadong malapit saakin si Jace.
"Ashton... " napihiyaw ako ng mas hinigpitan pa niya. "Ugh!"
Nalasahan ko ang dugo na lumalabas sa bibig ko. Konting-konti na lang alam ko ng...
"If the time comes and you'll be there to end my life, I can't stop you. But please on that day before you do, let me hear for the very first and probably the last time... the words that I'm dying to hear from you," isang ala-ala ang pumasok sa isipan ko ng makita ko sa harapan ko si Ashton.
Konting lapit pa niya ay umiling na ako para tumigil siya. I need to end my life, to save them, him. Dahil kapag nakontol ang pag-iisip ko ay iyon na ang katapusan nilang apat. Iyon na ang katapusan ng lalaking nasa harapan ko, ang lalaking...
"You're important to me Ashton, and---" tumulo ang luha ko ng maramdaman ko ang unti-unting pagkakahugot ng kamay ni Jace. "Goodbye."
That's the last thing I said, because when Jace pulled out his hand from my back, he ended my life.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...