Chapter 69: Mare and Melaena

1K 35 0
                                    

Lumabas ang malaking screen kung saan nakasulat lahat ng pangalan at rank ng mga Senior year college. Kasunod ay ang pagliwanag ng pangalan ng dalawang studyante.

Im Jiyeon and Miles Grey.

Pumunta silang dalawa sa gitna. Nagbow sa isa't isa saka inumpisahan. May mga lumabas na halaman sa pwesto ni Miles. She's the Nature manipulator which is sub of Earth element.

Gumapang papunta sa pwesto ni Jiyeon ang mga halaman na may nakakatusok na tinik. Madaling naiwasan iyon ni Jiyeon dahil sa paglutang niya sa ere. May lumabas na malaking puno kung saan maabot si Jiyeon. Gumalaw ang trunk nito pero pinalutang lang ni Jiyeon ang puno at pinalipad sa pwesto ni Miles.

Tumakbo palayo si Miles at ang lahat ng nilalakaran niya ay may tumutubong mga wild plant. Kaya napuno ng wild plant ang buong Battle field. Nagliparan ang mga dahon... dahon na nakakahiwa. Hinabol si Jiyeon sa ere. Habang ang mga wild plant sa baba ay naghihintay lang sa pagbagsak ni Jiyeon.

Nakatayo pa malapit sa ginawang barrier si Aris at Reo. Napapapalakpak kapag nagwawagi ang sinusuportan nila at napapasimangot naman kapag nadedehado.

Lumipad ng mabilis palayo si Jiyeon. Iniwasan ang mga dahon na lumilipad sa ere. May ilan ang dumaplis sa balat niya pero baliwala lang sa kanya yon. Lumipad siya pababa, papunta sa pwesto ni Miles kaya ang mga humahabol sa kanyang dahon ay sumunod din sa kanya. Ilang pulgada na lang ay malapit na siya sa mga wild plant at sa pwesto mismo ni Miles saka siya lumipad patagilid para maiwasan ang mga dahon at tumama kay Miles. Sabay balik lipad niya pataas.

Maraming naging cuts si Miles dahil sa mga dahon na sa kanya mismo nanggaling, nagawa din naman niyang kontrolin ulit ang mga dahon para mailayo sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo. Nahugot ang mga wild plant at kinontrol niya para mapunta sa kung nasaan si Jiyeon.

Napangiti lang si Jiyeon sa nangyayari. Hinawi niya ang hangin gamit ang kanyang kamay saka nagsilutangan ang mga halaman at dahon papunta sa isang pwesto lang. Ang kanan niyang kamay ang nagkokontrol sa mga halaman at dahon para tumigil lang sa isang tabi. Ang kaliwa naman niyang kamay ang ginamit niya para manipulahin pataas si Miles.

Unti-unting bumaba si Jiyeon at nakataas sa ere ang magkabilang kamay. Pinaikot-ikot niya ang kaliwang kamay at doon nagpaikot-ikot din si Miles. Mabagal ng una pero ng magtagal ay bumilis ng sobra sobra. Sa punto na hindi na makita ng maayos si Miles.

Mas napalapit sa Reo sa barrier dahil sa nangyayari sa girlfriend niya. Nakangisi naman si Aris na halatang proud sa ginagawa ng mahal niya.

Pinagdikit ni Jiyeon ang kanyang palad na nakataas kanina kasabay non ang biglang pagsalubong ng katawan ni Miles sa mga wild plant at sa mga dahon. Matinding sigaw ang narinig sa boses ni Miles. Bumagsak ito sa lapag ng open ground, duguan ang buong katawan saka siya unti-unting naglaho.

Kahit sila ang magkalaban nanatiling matatag ang pagiging magkaibigan  nila.

Nagbago ang rank ni Miles, dating four ay napunta sa five. Habang si Jiyeon ay nanatiling nasa rank two.

Sumunod na umilaw ay ang pangalan na Reo William at Aris Sandoval. Nagkasalubong pa si Jiyeon at ang dalawa. Ginulo ni Reo ang buhok ni Jiyeon kaya sinamaan siya ng tingin nito. Tinanguan lang ni Jiyeon si Aris at ngumiti naman sa kanya si Aris.

Pagkalabas ni Jiyeon ay pumunta siya sa mga healing nurse na nasa kabilang gilid para ipagamot ang mga maliit na cuts sa balat niya.

Sila Reo at Aris ay nagbow din bago mag-umpisa. Umatras si Reo at pinaikot ang dalawang kamay sa harapan. Sa pag tapat niya ng kanyang palad ay may lumabas na different colors na umiikot pabilog.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon