"What do you need Airos?"
"Paano mo nalaman na ako yung pumasok?" nagtatakang tanong ni Airos.
"I'm a Bellator remember?" malayo pa lang siya naramdaman ko na ang papalapit na energy na nang gagaling sa kanya.
Part of being a Bellator.
"I almost forgot that you are, dahil sa hindi mo magawang matawag ang Guardian mo," he pouted, and seated.
Kahapon ay buong araw kaming pinagfocus para matawag at mapalabas ang Guardian namin. Ang unang nakagawa ay si Mia. Ngayon ay alam na naming lahat na siya ang nawawalang Princeps. Siya ang kapatid ni King Maxon.
Nagawa niyang palabasin ang isang shark. Pinalilibutan ng bula ang buong katawan non para makatagal sa paglutang sa taas ng lupa. Gaya ng mga Guardian ng mga Princeps na hindi pangkaraniwang hayop.
Si Via ay medyo nahihirapan pang kontrolin ang Guardian niya na Dark snake. Si Mizu ang tumutulong muna sa kanya mag control sa Guardian niya dahil ang dapat na nagtuturo sa kanya ay hindi makita. Simula ng umaga kahapon... iyon na ang huling beses ko na nakita si Ashton.
Si Cass naman ay saglit lang niyang napapalabas ang Guardian na fox pero agad din itong naglalaho. Hindi pa daw kaya ng energy niyang patagalin ang fox. Pero sabi ni Lolo Alejandro konting practice lang ay magagawa niya din yon.
Habang ako kahit anong gawin kong pagfocus, pag-initiate ng spell ay walang nangyayari. Para lang akong nagsasalita sa hangin. Dapat daw ay may maramdaman akong energy na lumalabas sa katawan ko pero kahit na ano ay wala.
Kapag nagtratransform si Cass into Bellator, lumalabas ang pakpak at armor clothes niya, pati na ang katana na binigay sa kanya galing sa other side. Pero kapag pinalalabas ko ang Bellator wings ko ay iyon lang ang lumalabas. Hindi napapalitan ang damit ko, walang lumilitaw na kahit anong armas sa kamay ko.
I thought after being a Bellator everything will be fine but still no. Mas gumulo lang ang lahat. Mas dumami ang katanungan sa isip ko.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya.
"Mag ready na daw. Maya maya aalis na tayo."
Ngayong araw ang alis namin dito sa Elemental mountain. Mas madali ang pagbalik sa Academy Magica Coloris dahil sa portal na gagawin ni Lolo Alejandro. Siya lang kasi ang may kakayahan na gumawa non para makabalik kami ng hindi na kakailanganing dumaan pa sa Passage forest.
"Where is he?" hindi ko na binanggit ang pangalan niya.
Alam kong alam na agad niya kung sino ang tinutukoy ko.
He gave me a teasing smile,"Miss mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa siya saka sinabing, "Lagi siyang wala kasi kumukuha siya ng Element energy, nilalagay niya sa wand niya."
"Bakit niya kailangan gawin 'yon?"
"Hindi mo pa pala alam. Kapag dumating ang blood moon kahinaan ng lahat ng mga White blood wizard 'yon at dahil White blood wizard kami manghihina din kami sa blood moon. Hindi namin kakayanin gamitin ang buong Element powers namin. Kaya kahit half blood siya ay nag-iipon parin siya ng energy sa wand niya."
Ngayon ko lang napagtanto na half blood siya.
Kung manghihina sila sa blood moon at doon susugod ang mga Tenebris malaki nga ang tyansa na manalo ang mga taga Tenebris.
"Manghihina din ba kami?"
"Nope, ang mga Bellator ay walang dugo ng kahit anong klaseng wizard. Isa sa dahilan kung bakit ni wipe off ng mga Tenebris noon ang lahat ng Bellator ay dahil sa kakayahan nila. Isang malaking threat sa kanila ang mga kauri mo."
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...