Kinagabihan bumaba na ako. Mabuti na lang at nakabawi ako ng tulog. Pagkababa ko ay inabutan ko ang maiingay sa baba.
"Ayan na si Yvon!" kagaya ng laging inaasahan, si Airos na naman ang pinaka maingay.
Lahat sila ay nakaayos na, maliban na lang kay Mizu.
"Bakit hindi ka pa nakaayos?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"May problema kasi Yvon. Nakalimutan ko na bawal akong lumaban dahil alam ng lahat na ako si Dark at alam mo naman yung rules diba?"
He's right. Hindi siya pwedeng mapunta sa ibang grupo hanggang hindi pa nawawala sa Mafia world ang buong gang na pinanggalingan mo and because Hunters is still existing, he can't be seen in other gang group.
"Pero pupunta padin ako doon para manood," he said.
Tumango na lang ako. Namimili na sila ngayon ng mask na kanilang gagamitin. Ang gagamitin naming tatlo ay ang mask na kilala na talaga ng lahat. Kung saakin ay may pagka white and gold ang kulay, kay Cass ay black, white, and gold, at kay Kaye naman ay white and different color of crystal in it. Pare-parehas na may pagka pakpak sa magkabilang gilid at ang upper center ay doon nakalagay ang pagkakakilanlan sa code name namin kung saan kay Cass ay white mini blade, kay Kaye ay white crystal, and saakin ay glass color of gem. Kung sa mga normal na tao ay kapag nabenta nila ang maskara ng isa lang saamin panigurado ay parang inulan na sila ng pera.
Sa mga lalaki ay ang white gold mask na mata lang ang natatakpan. May mga black ink na shade sa pinaka gilid.
"Mas okay ang white para White Warrior talaga," Airos commented.
Inabot naman sa kanila ni Kaye ang mga ID nila na kulay puti gawa sa glass.
"Ang astig!" react na naman ni Airos.
Natawa naman sa kanya si Axelle at Mizu dahil sa kainosentehan niya.
"Bago ang lahat pumili muna kayo ng weapon na gusto niyong gamitin," sinabi ni Mizu at bunuksan ang maletang itim na punong-puno ng iba't ibang klaseng weapon. Talaga ngang kaibigan niya padin ang pinagpasahan niya ng posisyon sa pagiging leader ng Hunters.
Kinuha agad ni Airos ang bow and arrow. Nakatanggap naman siya ng masamang tingin galing kay Kaye.
"Bakit nag ganyan kadin? Gaya gaya ka talaga!"
"Bakit ba? Eto talaga ang gusto ko eh!" sagot naman sa kanya ni Airos.
"He! Ang sabihin mo wala kang originality."
"Okay tama na 'yan," pag-awat sa kanila ni Axelle. "Kaye dyan talaga magaling si Airos. Lalo na lumalaban siya sa Archery tournament ng AMC."
Natahimik naman si Kaye sa sinabi ni Axelle.
"Ako na ang pipili," kinuha ni Axelle ang arnis stick.
Magaling din pala siya doon.
Sunod na kumuha si Ashton. Kinuha niya ang dalawang dagger. Nakita ko na siyang gumamit niyan nung kinalaban niya ang mga dark snake nung nasa passage forest kami. Mukhang ayan nga ang natutunan niyang maging specialty.
"Meron na akong weapon," may lumabas na shamshir sa kamay ni Tyle.
Oo nga pala isa din siyang Bellator.
"Tara na," I said.
"Asan ang sayo Yvon?" pahabol ni Mizu.
Hinawakan ko ang kwintas ko. Napa oww siya ng marealize kung ano ang nasa kwintas ko. Isang bagay ang ikinaganda ng kwintas na 'to, hindi siya nasisira, hindi din siya natatanggal ng iba. Para siya nakalock na ng sobra at ako lang ang makakapagtanggal.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...