Chapter 32: Defense Spell

2.7K 86 10
                                    

Nagising ako sa maingay na tunog galing sa labas, bumangon ako at lumabas sa kwarto para tingnan kung ano iyon. Kasabay ng paglabas ko ay paglabas din ni Cass at Kaye galing sa kwato nila.

"Ano 'yon?" si Cass.

Hindi ako sumagot, tiningnan ko ang buong paligid ng dorm room namin kung may tao pero wala.

Isang malakas na tunog na naman ang narinig namin kaya sabay-sabay kaming tumakbo palabas ng dorm room para malaman kung saan nanggagaling ang ingay.

Paglabas namin ay ang mga babaeng sumisigaw at nagtatakbuhan.

"Anong meron?" Kaye asked, but before we able to answer her question ay agad kaming napaiwas sa parang apoy na tumama sa pader ng dorm room namin.

What the?! At sunod sunod na mga apoy ang rumagasa sa pwesto namin.

"Guys run!" nahila kami ni Yen na tumatkbo sa hallway.

Gaya niya ay tumakbo din kami.

"Yuko!" sigaw ko ng may sunod-sunod pang mga apoy ang parating.

Yumuko sila gaya namin.

"Anong nangyayari?" tarantang tanong ni Kaye habang patuloy kami sa pagtakbo sa buong hallway ng girls dormitory.

Ngayon ko lang napansin na ang haba ng hallway na 'to. Mas tumagal pa ang pagtakbo namin dahil sa dami ng mga babaeng tumatakbo din para makababa.

"The Dark wizards, Witch, Students of Tenebris, Monsters, and Vampires are here! Sinusugod nila tayo!!!" sagot ni Yen.

Tumingin siya sa likod namin at nilabanan ng liwanag galing sa kamay niya ang mga pinangagalingan ng apoy.

"Yen! May matatamaan ka sa likod," Cass said to her, dahil meron ngang mga studyante ang tumatakbo din kasunod namin.

"Shocks! Paano natin sila matatalo?!"

"Just run!" I shouted, hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay.

Sa hagdanan ay halos magkahulog-hulog ang iba dahil sa sobrang daming studyante ang tumatakbo.

Hindi tumitigil ang mga sunod-sunod na apoy kaya marami na ang nasugatan.

"Makakababa ba tayo ng ligtas dito?!" tanong ni Cass dahil baka bago pa kami makababa ay mamatay na kami dahil sa sobrang dami ng studyante na nagsisiksikan.

Hinila ko sila papasok sa isang dorm room ng boys at ni lock ito. Walang tao sa loob at malamang ay nasa labas na ang lahat.

Napaupo si Yen pagkasarado pa lang ng pinto.

"Bakit nila ngayon naisipan sumugod?" hinihingal si Yen, inayos niya ang pajamas na soot.

"Madalas ba na nangyayari 'to?" tanong ko.

"Ngayon lang ulit after a long long time, and ngayon ko lang naranasan 'to!" she screamed.

"You mean ngayon lang sila sumugod?" tanong ni Kaye na naupo sa sofa.

"Oo, simula nung nag-aral ako dito walang ganitong nangyari..." di padin siya mapakali.

Sumilip ako sa bintana at halos manlaki ang mata ko sa nakita. Buong paligid ng school ay pinalibutan ng mga studyanteng naka all black. I think they are the students of Magica Tenebris Academy.

Nagkalat din ang mga monster like beast, people like flash or... they're vampires. Mga witch na sakay ng broomstick na lumilipad at may hawak na wand, sa kanila nangagaling ang mga apoy.

"May dala ba kayong wand?" tanong ni Yen.

We all shooked our head.

"Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na namin magagawa 'yon," sagot ni Cass.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon