Chapter 89: I'm sorry.

1K 30 1
                                    

Malakas na tawa ng babaeng pamilyar saamin ang umalingawngaw sa buong Underground Arena.

"Anong ginawa mo sa mga tao?" Cass angrily asked.

Tumawa na naman si Melaena. Ngayon ay nasa harapan na namin siya.

"A little magic from this, don't worry Blade, buhay pa naman sila," nilabas niya ang wand niya.

"The show was too much borring, kaya gumawa na ako ng paraan para maging exciting naman kahit papaano," Melaena said.

Lalapit na sana ako pero inunahan ako ni Ashton.

"Stop this nonesense," he coldly said.

Napangiti naman si Melaena. "And what are you going to do Ashton? You're going to kill me? You knew that you can't."

"Don't make me," seryosong sinabi ni Ashton.

"Then try it Ashton!" malakas na boses ni Melaena. "You can't."

Tumingin siya saakin saka ngumisi. "He can't kill me, and you know why?"

"Stop," madiing pagkakasabi ni Ashton, pinipigilan ang sasabihin ni Melaena.

"How funny," tumawa si Melaena kay Ashton. "You didn't tell them?"

Kumuyom ang kamay ni Ashton.

"Anong sinasabi niya Ash?" tanong ni Airos.

"Well to make it easier to you Ashton, ako na ang magsasabi," tumitig saakin si Melaena. "We are fated Gem, and you know why he can't kill me?"

Nawala bigla ang sakit ng ulo ko. Napalitan ng emosyon na hiniling ko na sana ay hindi ko na lang narinig ang sinabi niya.

Kapag nakatdahana kayo sa isa't isa hindi niyo pwedeng patayin ang nakatadhana sainyo. Kung papatayin ni Ashton si Melaena habang buhay niyang dadalhin ang sumpa. Sumpa na hindi mo na magagawang makatulog dahil para kang mababaliw sa mga makikita mo. Habang buhay kang hahabulin ng itim na kaluluwa, aakalain mong iyon ang pinatay mo... para kang mababaliw dahil sa sumpang nakadikit sayo.

"It doesn't mean that I can't kill you," lumapit ako sa kanya.

Natigilan ako sa pagharang ni Tyler, at mas lumawak ang ngiti ni Melaena.

Hindi humarang si Tyler para pigilan ako, humarang siya para protektahan si Melaena.

"Oh and one more thing Gem. Tyler is my protector," she grinned.

"I'm sorry Yvon," umiling si Tyler.

Tyler is her Bellator? Kapag pinatay ko si Meleana mamatay din si Tyler. Kapag nilabanan ko si Melaena si Tyler ang makakalaban ko.

How can I kill Melana kung si Tyler ang maapektuhan?

"Hindi din ba kayo nagtataka kung ano na ang nangyayari sa mundong iniwan niyo?" she asked.

Nagkatinginan kami dahil sa sinabi niya. Anong sinasabi niya?

"You're bitch!" hindi napiligilan ni Kaye ang galit.

Sinugod niya si Meleana pero si Tyler ang nakalaban niya. Sumugod si Airos para atakihin ng mga air blades si Melaena pero naglabas lang ng dark shield si Melaena para hindi siya tamaan.

Nawala si Melaena sa paningin naming lahat. Ang pitong lalaki na nakaupo sa bench kanina ay nakatayo na ngayon.

A sharp object pointed to my back. Umikot ako paharap para makalayo sa bagay na 'yon, dahil sa ginawa kong yon ay nadaplisan ang balat ko sa likuran pero nagawa ko naman agad na harapin si Melaena.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon