Chapter 19: Too late

1.4K 54 1
                                    

Pumunta na kami sa classroom namin. Pagpasok ay halos kumpleto na sila. Napatingin pa nga sila saamin ni Cass, pero agad naman nilang iniwas ang kanilang tingin. Hindi na nakapagtataka na sa tagal na namin na nandito ay wala pa kaming nagiging kaybigan, dahil kami mismo ang gumagawa non. Umupo na kami sa pwesto namin at hinintay dumating ang iba pa, pati nadin ang Praeceptor.

Umalis ang katabi.

"Hi!" masiglang biglang bati saakin.

Wait! Bakit naging babae ang katabi ko? Tiningnan ko ito... Yen.

"Mabuti na lang at nakatyempo ako para makausap ka," her face is bright.

I stared at her for a few moments. "What do you need?"

"I want you to be my bestfriend," she said.

Nagpapatawa ba siya? Kaybigan nga ayoko bestfriend pa kaya. Mas malala pa 'to kay Axelle.

"Find someone..." nilingon ko ang pwesto niya, "At bumalik ka na sa pwesto mo. Kailangan ko ng katahimikan."

"Alam mo ba kung bakit kita pinipilit maging bestfriend?"

Ugh! Katahimikan please!

I looked at her kahit sobra na akong naiirita sa kadaldalan niya, "Because maybe you don't have, kaya ako ang pinagdidiskitahan mo," madaldal ka kasi.

I was shocked when she put her hand above my hand on the desk, "Nope, I like you to be my only girl friend. Nakikita ko kasing iba ka sa mga babaeng nandito. Karamihan kasi mga plastic lang sila at mga manggagamit."

Someone please make her go away.

Tinanggal ko ang kamay niya, kasabay non ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Praeceptor Isaac, ang praeceptor ng Militaris Artes.

"Okay wizards, kaya kayo may pasok ngayon ay dahil sa magaganap na laban ng mga bawat section."

"Anong meron doon Praeceptor Isaac?" tanong ng isa.

"Ito ang activity kung saan maglalaban laban kayo para makuha ang mga flag na nasa maze. Bawat section ay magkakalaban. Ang game na ito ay team work, basta kailangan niyo maipakita ang pagkakaisa."

"Kung manalo man kami, anong makukuha namin?" tanong pa ng isa.

"One week vacation."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nag react na ang halos lahat at ako isa lang ang tumatakbo sa isipan ko... I need that vacation.

Kailangan ko ng katahimikan kahit sa loob ng isang linggo lang. Iyong walang school works na sagabal, dahil imbis na misyon namin ang inaasikaso namin natatambakan kami ng mga assignments, activities at ang training pa naming apat. Wala naman nangyayari sa training na pinagaaksayahan namin ng oras.

"Saan naman iyon Praeceptor Isaac?" a question from the girl at the back.

"Aqua Kingdom."

"Shit! Beach..."

"Sa gitna ng karagatan iyon diba?"

"Oo, saka makikita natin si King Maxon..."

"Manahimik! May asawa na si King Maxon..."

"Okay quite everyone! Pinapasok ko lang kayo para sabihin iyan. Simulan niyo na ang paghahanda kung gusto niyong manalo dahil sa makalawa na iyan."

Pagkasabi non ay umalis na siya.

Nagdaldalan lamang ang iba kaya tumayo na ako at tiningnan si Cass, sign na lumabas na kami.

She nodded at kinuha na ang gamit saka tumayo. Lumabas na ako at hinintay na lang siyang makalabas nadin.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon