Ashton Ville is in the media content.
-----
Sa paglalakad lakad ko ay nadaanan ko ang gate na puro bulaklak. Pati ang loob ay ganon 'din. I need to relax before doing my mission today. Dahan dahan kong binuksan ang gate. Wala namang masama pumunta dito 'di ba?
Pagpasok sa loob hindi ko inaasahan ang makikita ko. Akala ko puro bulaklak lang ang nasa loob nito. Pero ang lugar sa loob ay nagmistulang paraiso. Sa dinadaanan ko ay mga halaman at bulaklak na pinalilibutan ng iba't ibang kulay ng paru-paro. Sumunod ay ang mga puno na may bunga ng iba't ibang klaseng prutas. Sobrang tahimik ng lugar tanging mga huni ng ibon lamang at pagaspas ng dahon dahil sa hangin ang maririnig.
Wow!
Natigil ako sa paglalakad. Shit, ang ganda! Sobra.
Nakatayo ako sa lugar kung saan may napakalaking puno. Nagiisang puno na pinalilibutan ng mga bulaklak. Sa harapan ng puno ay ang umaagos na batis. Sa dulo ng batis ay ang umaagos na pababang tubig... isang talon.
Umupo ako at sumandal sa puno. Ipinikit ko ang mata ko. Nilanghap ang sariwang hangin. Pinakinggan ang mga huni ng ibon. Isang lugar na parang panaginip lamang.
It is a beautiful silence.
Sobrang nakakarelaxed, kaya sana kahit sa ilang minuto lang walang umistorbo. Ngayon lang makakapagpahinga ang utak ko. Kaya sana...
"Skipping class," I felt a presence next to me.
At kelan nga ba mawawalan ng istorbo? Naramdaman ko ang pag-upo ng nagsalita sa tabi ng puno, kasalungat sa pwesto ko.
"I'm not, pinalayas lang ako," hindi ko alam kung bakit ako sumagot.
Madalas hindi ako nag-aaksaya ng oras para lang sumagot sa walang kwentang tanong. Pero sa tono niya... hindi naman siya nagtatanong, sinasabi niya lang.
Walang nagsalita tanging... "Tss," lang ang narinig ko.
Yeah he's Ashton Ville. Boses niya pa lang tandang tanda ko na. Kaya hindi na ako dumilat para tingnan kung sino ang umiistorbo saakin dahil alam ko na kung sino ang istorbo na nagsalita.
"What did you do?" walang gana niyang tanong.
Wala siyang ganang magtanong pero nagtanong padin siya. Ano bang trip nito sa buhay ngayon?
"She's pissed because of hearing my point of view about Lhevienaia," I said after deciding if I'm going to answer or not.
Ilang minuto pa bago niya naisipang magsalita.
"Lhevienaia... the Goddess of light and beauty."
I didn't speak, he didn't say any words too. Ganon lang kami ng ilang minuto ulit. Tinitingnan ko lang ang langit nila. Ang ganda! Ibang iba sa mundo ng mga tao. Sobrang sky blue nito at my rainbow pa na tanaw na tanaw at kitang-kita ang iba't ibang mga uri ng ibon na nagsisiliparan sa kalangitan.
Noon, I never thought that this world is existing. Iritang irita nga ako kapag nanonood si Kaye ng mga fantacy. Feeling ko ang corny at masyadong hindi makatotohan. I told her stop believing that some people are having powers. We are a Mafia so everything must be real. We can't dream for some fantasy world dahil umikot ang buhay namin sa gulo, dugo at pakikipaglaban. Hindi ko alam na dadating ang araw na 'to. Na ako mismo ang makakakita at higit sa lahat titira pa sa lugar na imposibleng maging totoo sa isip ng tao.
"So what is your point of view?" out of the blue he asked.
Hmmm... Wala naman masama magsabi 'di ba?
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...