"Asan na ba tayo?" tanong ni Axelle.
Kinuha ko ulit ang mapa kay Airos, na gets ko na kung paano ito basahin dahil sa ginawa ni Mia kanina.
"Malapit na tayo lumagpas sa dulo ng gitnang parte. Pagkatapos ay iyon na ang kabilang side ng forest."
"Bilisan na natin para malapasan na natin ang gitnang parte. Saka tayo magpahinga sa bukana ng last part ng Passage forest," Binilisan ni Via ang paglalakad kahit nahihirapan na siya.
One hour walking nakalabas kami sa gitnang parte ng Passage forest. Ang lupa dito ay mabato. Ang mga puno mas mababa pero itim ang mga dahon nito. This part is more creepier.
"Sigurado ba kayong mag stay tayo ng gabi dito?" tanong ni Airos.
"I can't walk anymore, magang maga na ang buong binti ko," mas lumala nga ang pamamaga ng binti ni Via.
"We should rest, 'wag na lang tayo mag hihiwa-hiwalay para mas safe," I told them.
They all agreed saka nilapag sa isang tabi ang mga buhat nila. Mabato ang daan kaya hindi ako komportable sa lagay nila Cass at Mizu.
"I'll set the tent," sinabi ko sa kanila dahil hindi talaga ako mapalagay sa pwesto nila Cass na nakahiga lang sa mabato.
Nagtaka naman sila sa sinabi ko.
"May dala kang tent?" tanong ni Axelle.
I shooked my head, "Si Cass ang nagdala."
Binuksan ko ang backpack ni Cass saka ko kinuha ang naka fold na tent sa loob. Kung sa bag ko ay puro weapons at mga first aid equipment and medicine, syempre may damit din. Kay Cass naman ay ang isang malaking malaki na tent at mga damit niya.
Tinulungan ako ni Airos at Ashton i set-up ang tent. Nakaupo sa isang malaking bato si Via, ginagamot ni Mia ang ilang sugat niya. Hineram din ni Mia ang mga gamot na dala ko. Sinubukan kasi niyang painumin ng gamot ang kakambal para sa pamamaga pero tumanggi si Via, kailangan daw muna niyang kumain.
Si Axelle naman ay binabantayan ang dalawa naming kasama na walang malay, siya din ang nagbabantay ng mga bag namin.
Nang naitayo na namin ang tent binuhat nila ang dalawa para ipasok sa loob. May air bed na dala si Airos, binombahan niya iyon, pang apat na tao ang kasya.
"Buti pala nagdala ako ng pangbomba, madalas kasi element ko ang ginagamit ko para magkahangin ang loob nito," sabi niya habang binobombahan ang kama.
Nang natapos ay nilatag niya sa sulok na part ng tent ang air bed. Walang may dala saamin na unan kaya no choice kung hindi humiga sila ng walang unan. Pero may dala namang dalawang kumot si Mia, para daw sa kanilang kambal 'yon pero pinahiram niya muna sa dalawang walang malay.
Gusto kong palitan ng damit si Cass dahil sa dumi na ng soot niya at punit punit pa ang ibang bahagi. Pero napansin ko naman na halos lahat kami ay ganon ang sitwasyon. Inayos ko na lang sa kanya ang kumot.
Inayos ko din ang kumot ni Mizu. When I touched his skin I felt the sudden burn. Inaapoy siya ng lagnat! Hindi nakakatulong ang panahon dito sa loob ng Passage forest na masyadong malamig.
Akay ni Mia si Via, inalalayan niyang umupo si Via sa kama katabi ni Cass. She stretched her legs to the bed. Nakihati siya sa kumot ni Cass.
"I want to rest pero kailangan ko munang kumain para makainom ng gamot," kinuha niya ang kanyang bag saka nilabas ang sandwich na kinakain din namin kanina. Kumuha siya ng isa saka kinagatan.
"You can share the left food to others, they need to eat also," inabot niya ang tatlong tupperware kay Mia.
Mia nodded saka lumabas ng tent kung saan nagbabantay ang tatlong lalaki.
Inabot saakin ni Via ang foil na may laman na limang sandwich, binawasan niya ng isa. Siguro ay para sa kambal niya.
"We need to survive this," ngumiti siya ng malungkot saka nag-umpisang kumain.
Bumalik si Mia, "Sinabi ko sa tatlo na huwag ubusin, para may makain pa tayo bukas."
Natawa naman si Via dahil sa sinabi ng kakambal niya, "She's really practical."
Sumimangot naman si Mia, "Kailangan natin isipin ang sa susunod hindi lang ang ngayon," kinuha niya ang isang sandwich sa kamay ni Via saka kumain.
"Kumakain na sila?" tanong ni Via sa kambal niya.
"Yung dalawa agad na nilantakan yung dala ko, pero si Princeps Ignis nanatiling naka-upo lang sa tapat ng tent.
Bakit hindi siya kumakain?
"Nilalagnat ba si Princeps Mizu?" malapit si Mia kay Mizu kaya naramdaman niya ang init nito.
I nodded, "Hindi siya makakainom ng gamot dahil wala siyang malay at hindi ko din siya pwedeng injectan ng gamot dahil hindi pa siya kumakain. Saka iniisip ko din yung mga internal parts na natamaan ng sanga kanina, dumagdag pa ang lamig ng panahon."
"Why don't you lay beside him, he need some heat..." baliwalang suggestion ni Via habang inuubos ang pagkain niya, "Mia tabihan mo ako mamaya saka yakapin, pakiramdam ko lalagnatin ako dahil sa namamaga kong binti," saka siya uminom mg tubig.
I feel that hindi naman siya seryoso sa sinasabi niya na yakapin siya ni Mia, dahil halatang sinasabi niya lang iyon para yakapin ko si Mizu.
"Ow, Mizu need hug?" tanong ni Airos na kapapasok lang sa loob.
"He need a warm body," pagsusungit bigla ni Via sa kanya.
"My body is warm, didn't you know that? Saka cold lagi si Yvon kaya hindi warm ang temperature ng katawan niyan," parang bata na sinabi ni Airos.
I'm laughing deep inside because of his craziness. Lumapit siya sa kama saka gumapang sa pagitan ni Cass at Mizu. Sinoot niya ang katawan niya sa kumot ni Mizu saka tumagilid paharap kay Mizu. Nilagay niya ang braso niya sa ibabaw ng dibdib ni Mizu saka sinukbit ang binti sa binti nito.
"Oh... I'm so warm," sinuksok niya ang mukha niya sa leeg ni Mizu, "And I think I'm hot, do you want to feel Via?" he muttered.
Napairap si Via, tumawa naman ng mahina si Mia.
"He's injured and weak Yvon, he needs to be cured," Airos murmured pero malinaw na malinaw sa pandinig ko.
He's not talking about Mizu... he's talking about him.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...