Mizy P.O.V
That voice! Hindi ako pwedeng magkamali. Paano siya nakapunta sa mundo namin? Sa Magica Mundi.
Dahan dahan akong lumingon sa kanya. Siya nga, ang babaeng kinatatakutan ng lahat, ang babaeng nagtatago sa likod ng white gold mask na sa gitna nito ay may puting gem.
"Ge... gem," nauutal na pagbanggit ko ng pangalan niya.
Ang mga mata niya nanlulunod at nakakapanghina. Para itong salamin kung saan ipanikikita saakin kung paano ako mamatay.
"All I know you are a student of Academy Magica Coloris," she paused. "Then how come you became a student of Magica Tenebris Academy?"
Paano niya nalaman na nasa AMC ako?
I can't say any words, dahil baka sa isang salita malaman niyang isa ako sa dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya.
"Obviously you are a spy, but why?" I saw how she smirked. "Hmmm?"
No, Mizy, just run away from her!
Save your life!
Just what I said, tumakbo ako para makatakas sa kanya. Matalino si Gem, hindi imposibleng malaman niya ang nalalaman ko.
I run and run, sana hindi niya ako maabutan.
"Do you think you can hide from me Mizy?" naramdaman ko ang isang arnis niya sa likod ko.
Kahit gaano pa kabilis... walang makakatakas sa nagiisang Gem.
"What are you hiding huh?"
Yvon P.O.V
She's hiding something from me. At mas lumakas ang kutob ko ng tumakbo siya palayo saakin.
Nang kinakausap ko siya ay may pakiramdam na akong may tinatago siya because of her eyes. Mismong mga mata na niya ang nagpakita na may tinatago siya. Isang bagay lang naiisip ko kung bakit siya natatakot na makaharap ako.
"What do you know about the death of my parents Mizy?"
Agad siyang nag-iwas ng tingin and her hands are shaking. "Wa... wala po."
Liar!
Inikot ko ang arnis ko, isang pagkakamali lang niya sa ulo na niya ito didiretsyo.
"Tell me Mizy, or right now I will break your skull," I warned.
"I can't," she's shaking.
Nanggigigil akong patayin siya. Lalo na dahil alam kong may alam siya sa pagkamatay ng magulang ko.
O baka naman siya mismo ang pumatay?
"Do you know something or you are the one who killed my parents?" I'm not shouting, pinipigilan ko ang sarili ko.
"Hindi ako ang pumatay," she cried, begging for her life.
"Then... who?" madiin ang bawat pagbigkas ko ng salita.
She doesn't say any words, she's scared. Scared of me? Or she's scared of someone. Someone who's in the back of everything.
"You left me with no choice..."
I'm ready to kill her, dahil kapag nakita ko pa siya mas mararamdaman ko lang ang sakit at galit dahil sa pagkawala ng magulang ko.
I want to kill her.
"You can't kill that girl," boses ng isang lalaki at kasabay nito ang pagtutok ng matulis na armas sa batok ko.
"Ki... king," mautal-utal na bigkas ni Mizy. Kung kanina ay nanginginig siya sa takot dahil saakin ngayon naman ay mas dumoble pa.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...