"Bellona bakit ka malungkot?" tanong ni Ranaiah sa batang babaeng nakaputing bestida at sumasabay sa hangin ang mahabang itim na buhok.
Nanatili itong tahimik sa isang tabi.
"Nalulungkot ka na ba dito?" tanong ni Ranaiah.
"Hindi ba talaga ako pwede lumabas?" pagbabakasakali niyang tanong kay Ranaiah.
Napaiwas ng tingin sa kanya si Ranaiah.
"Alam mo naman kung bakit hindi ba?" sagot niya dito.
"Hanggang kelan?" ngayon ay malungkot ng tanong ng batang babae.
"Kapag handa ka na," tanging nasagot sa kanya.
"Kapag hindi na ako delikado sa lahat?" mapait na tono ang pagkakatanong ng bata. Alam niya na ang sagot dito. Husto na sa gulang ang kanyang pagiisip, ibang-iba sa mga kaedad niya.
Nagulat si Ranaiah. "Bellona..." hindi niya alam ang tamang salitang sasabihin. Katulad ng dati ay maingat ang bawat salitang binibitawan at ang kanyang pinipiling isagot kapag kausap niya 'to.
Nilingon siya ulit ng batang nakasilip sa malaking bintana ng kastilyo. "Alam ko na Ranaiah. Isa akong mapanganib na nilalang," binalik muli ang tingin sa labas ng bintana.
"Hindi sa ganon Bellona---"
Pinutol ni Bellona ang sasabihin ni Ranaiah. "Iwan mo na muna ako Ranaiah."
Kahit ayaw ni Ranaiah ay wala siyang nagawa. Iniwan niya ang batang babae sa luma ngunit nanatiling magandang kastilyo. Isang kastilyo na ang batang babae lang ang nakatira... ang kastilyong pag aari ng mga Bellator noon.
The Bellator Castle.
Kinabukasan ay gumising ng maaga ang batang babae. Isang puting bistida ang soot nito, ang paborito niyang kulay. Nakaharap na naman siya sa malaking bintana kung saan natatanaw niya ang iba pang kastilyo na naglalakihan, ngunit lahat ay malalayo kung saan nakatayo ang Bellator Castle. Sa ibaba naman ng kastilyo ay ang nagliliitang mga bahay sa Kentrikos.
9th of September, Year 1229.
Ikapitong kaarawan niya na sa araw na 'to.
Nasanay na siya sa uri ng pamumuhay simula ng magkaisip siya. Isang beses sa isang linggo lamang siya pinupuntahan ni Ranaiah upang dalhan ng pagkain para na sa pitong araw niya.
Kada sasapit ang unang gabing paglabas ng asul na buwan, isang Videre ang pumupunta sa kastilyo niya upang magbigay balita sa magaganap sa hinaharap at para nadin sanayin siya sa kapangyarihan tinataglay niya.
"Bellona," boses ni Ranaiah ang narinig niyang papasok ng silid.
N
![](https://img.wattpad.com/cover/69381262-288-k931451.jpg)
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasíaYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...