Chapter 21: Intense

3.3K 95 36
                                    

Eksaktong five o'clock ay nandito na kaming lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eksaktong five o'clock ay nandito na kaming lahat. Handang handa na sila. May kanya-kanyang dalang weapons, ang iba naman ay wala.

Napansin ko na ang mga suot nila ay halos pare-parehas na jogging pants at t-shirt. Napailing na ako.

"Komportable ba kayo sa soot niyo?" I asked them.

May ilang tumango at may ilan namang umiling, as expected.

"You should wear what makes you comfortable. Kung ano ang nakasanayan niyo."

Nagtaas ng kamay si Coleen, "Paano kung dress ang nakasanayan ko? Hindi ba mas mahirap gumalaw pag ganon?"

"I'm always wearing dress. Remember this one, it doesn't matter what you are wearing, dahil kung marunong ka talaga you can make a move even you are just wearing shorts, pants, dress, o kahit nakapambahay ka pa."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Cass. I glared at her.

"Now go back to your dorm, change your clothes... the one you used to wear."

Nagtingininan sila saka tumayo at nagmadaling tumakbo pabalik ng dorm.

"You never changed," galak na sabi ni Cass.

Mabuti na lang at wala dito si Kaye, dahil panigurado nagtulong pa ang dalawa sa pang buburaot saakin.

"Shut up," I muttered.

Ilang minutes lang bumalik na sila. Coleen is wearing pink dress and rubber shoes. While Yen is wearing skinny jean and hanging shirt with high cut rubber shoes. Si Mizy ay naka high waist short at crop top. Si Mia ay naka plain black dress at beige doll shoes. Si Hex ay naka black pants at white t-shirt. Si Kiel naman ay naka blue jeans at black shirt na may nakasulat na "유안"

"Anong nakasulat sa t-shirt ni Kiel?" bulong ni Cass na katabi ko.

"Yuan," iyon ang surname niya.

"Ikaw na ang maraming alam na lingguwahe," tinusok-tusok niya pa ang braso ko.

Umupo sa tabi ni Yen si Rex na naka grey jogging pants at black sando, he's comfortable style.

Ang huling umupo at tumabi kay Mia at kambal niya na naka black ripped jeans, puting spaghetti strap at pinatungan ng black leather jacket at boots na brown.

She's familiar, hindi ko lang maalala kung saan ko na siya nakita noon?

"Well that's better," tumayo ako.

"Bago ang lahat kailangan niyo muna mag warm-up. Para siguradong makakagalaw pa kayo ng maayos bukas..."

I turned to Cass, "Lead the warm-ups."

She nodded.

Nag-umpisa na si Cass at mabilis namang nakasunod sa kanya ang lahat. Pansin ko na agad kung sino sa kanila ang madaling mapagod kahit warm-up pa lang. Si Mia ay halata na ang panlalambot, habang si Coleen ay hindi malaman kung ano na ang gagawin. Si Yen ay halatang pagod na agad but she is trying her best para makasunod. Si Via naman ay parang sanay na sanay sa ginagawa.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon