This is the day. Normal lang ito para sa iba, but for me I badly need this to be done successfully. I need a days, No! I need a week para makapag focus sa dapat na ginagagawa namin ngayon. Ang tagal na namin na nandito pero para lang kaming pumunta para maging mag-aaral sa skwelahang ito. Nakakaubos ng pasensya.
Naglalakad kami ni Kaye at Cass patungo sa open ground kung saan kami sinabihan ng mga Praeceptor na maghintay.
Marami na ang nandito. May kanya kanya silang pinagkakaabalahan. Ang ilan ay nagpapakita ng mahika na mayroon sila. Napairap ako dahil doon.
Dinaanan namin ang grupo nila Axelle. Direretsyo lang kami ngunit hinarang kami ni Airos kaya wala kaming nagawa kundi tumigil.
"Namiss na kita my love, my wifey, my girlfy," parang batang sinabi ni Airos.
Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.
"The feeling is not mutual Airos."
Sumimangot siya dahil sa sinagot ko, may sasabihin pa nga sana siya mabuti na lang at hinila na siya ni Axelle paupo.
"Good luck Yvon..." si Axelle, tumingin siya sa katabi ko, "Good luck Cassandra."
"T...thanks," nautal si Cass.
Nginitian naman siya ni Axelle. Stop stuttering Cass.
Dumating si Mizu kasama ang isang lalaki. Ngumiti siya agad ng nakita ako.
"Hey... Goodluck!" nag wave siya ng kamay at nag thumbs up.
I nodded, naglakad na kami paalis para pumunta sa mga kagrupo namin.
Ramdam na ramdam ko padin ang mga titig niya. What are you looking at Ashton?
"Huy!" pumitik si Cass sa harapan ng mukha ko.
"Ang lalim ng iniisip mo," she smirked.
"Lagi naman," Kaye said.
"Well now she's worser than before," tumkhim si Cass.
"Stop it," I demanded, nanahimik naman agad sila.
"Good luck sainyong dalawa..." nang nakarating na kami sa kung nasaan mga kagrupo namin ay nagpaalam na si Kaye.
"Yung mga info Kaye," I reminded her before she exit.
Nagsalute siya ng malapad ang ngisi saka tuluyang umalis. Kaming mga first year lang ang may activity na ganito dahil ang ibang year ay may iba-ibang activities 'din.
"Nakakakaba naman," pinaglapat ni Coleen ang mga palad niya.
"Wag ka nga Coleen! May kapangyarihan ka tapos kinakabahan ka pa," si Mizy.
She let out a sighed, "What if yung mga section one ang makaharap ko or worst yung mga Princeps at Element holder pa?"
"Isa ka sa mga mag pro-protect sa kukuha ng flag Coleen, kaya ayusin mo 'yang kaba mo," pagtataray ni Yen.
"Chill," natatawang pag-awat ni Rex.
Umismid si Yen. Hindi ko maintindihan ang pag-uugali ng babaeng 'to. Ganyan na ang pakikitungo niya sa lahat ng babae sa section namin... maliban lang saamin ni Cass.
Inikot ko ang paningin sa paligid. Some of them looks really excited... obviously the section one. While the others looks a bit nervous. They all became silence when one of the Praeceptor is in front and shouted. He's wearing a cloak.
"Wizards!" his voice mirrored his old age.
"Everyone is familiar in this game, so there's no need to tell it again on how to. The only rule you must never forget is don't kill!" talagang saakin pa siya tumingin ng sinabi ang don't kill.
"Don't mind him," bulong ni Yen sa tabi ko.
"Position!" utos niya.
May mga designated place kami kung saan kami mag uumpisa, magkakaiba ang papasukan ng bawat grupo.
Pumwesto kami.
"Whoo!" sigaw ni Yen pampawala ng kaba.
Tahimik ang iba, mukhang naghahanda talaga.
Kumislap ang langit dahil sa matitingkad na ilaw ang pinalipad sa itaas, hudyat ng pag uumpisa.
Nilingon ko ang mga kagrupo ko at isang tango ko lang ay nag-umpisa na kami. Dala ko ang phone ko, it will help me to be my map. Pinicturan ko ang mapa bago kami mag-umpisa kaya madali na akong makakahiwalay sa kanila.
Isang mapa lang kasi ang meron sa isang grupo.
This will be a long walk for me.
Third Person's P.O.V
Pagkahudyat nang pag-uumpisa ay pumasok na ang lahat sa maze. Madaling mahanap ang flag na may maliliit na puntos. Mas mahirap naman sa may malalaking puntos.
Hindi maiiwasan ang magkasakitan para lang maagaw ang hawak na flag. Lalo na ang mga nasa mababang ranggo na wala ng ibang ginawa kundi umagaw na lamang dahil sa katamarang maghanap.
"Akin na 'yan," mayabang ang lalaking nakatayo sa harap ni Axelle, nilahad pa ang kamay sa kanya.
Kumunot ang noo ni Axelle.
"Akin na 'yan boy!" siga ang lalaki.
Matangkad at maskulado ang lalaking iyon.
Napangisi na lamang si Axelle at tamad na tumayo ng maayos galing sa pagkakasandal sa batong malaki.
"Seryoso ka?" di niya mapigilan matawa dahil sa inasta sa kanya ng sigang studyante.
Lalong naiinis ang mukha ng kalaban. Kumuyom ang kamay nito at handa ng manuntok.
"Bakit?!" sigaw nito, "Porke't Princeps ka, malakas na ang loob mo?" gigil ang pagkakasabi. Sabay labas ng mahabang bakal na stick.
Paniguradong mabigat ang bakal na iyon.
"Pwes ito harapin mo!" ngunit tumigil lang sa ere ang bakal.
"I'm proud to be a Princeps dude! And It's fun being the earth elemental holder."
Nahati sa gitna ang bakal saka umikot sa magkabilang braso ng lalaki.
Sa simpleng pagpikit ni Axelle ay humagis na ang kalaban dahil sa bakal na nakapalibot sa katawan at nahulog sa malayong parte ng gubat.
"You guys don't know what are the other abilities we have," he shooked his head.
Dinampot niya ang mga flag na nagkalat sa damuhan galing sa nakuha ng kalaban. Marami-rami ito dahil mukhang marami ang siniga ng lalaking iyon bago mapadpad sa pwesto ni Axelle.
"Jockpot!"
"Mas jackpot ako... thanks Axelle!" si Cassandra.
Agad na lumingon si Axelle kay Cassandra na ngayon ay hawak ang kanyang bag na itim kung saan nakalagay ang mga flag na nakuha niya kanina...
Bakit ko ba iniwan doon?! Putik na yan.
Waging ngiti ang iginawad ni Cassandra.
Hahabulin niya pa sana ito ngunit mabilis na naglaho si Cassandra... tumalon pala na ngayon lang niya napansin ang nakasabit sa baywang nito na naging daan para makapunta ng mabilis sa malayong lugar.
He cursed.
"Fuck!" sinipa niya ang batong nasa harapan dahil sa inis.
"Pasalamat ka at ayokong makadamay ng marami," bulong niya sa sarili na mukhang pinipigilan gawin ang abilidad na mayroon siya ngunit maraming madadamay.
Hindi matanggap na naisahan siya ni Cassandra.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...