Ilang minuto na kaming naglalakad, and we're lucky dahil wala kaming na-eencounter na uubos ng natitira naming lakas. Ramdam ko na ang gutom, pagod, at pagkirot ng mga sugat ko. Ang hiwa sa leeg at balikat ko ay kasama sa ginamot ni Ashton. Lahat kami halos ay sugatan, nanghihina pero tinatatagan lang namin ang sarili.
Kung may namatay saamin, kung may mamatay man saamin pero sana ay wala. Kung meron man anong gagawin ni Princeps Mitchie? Anong gagawin ng nanay ni Mizu? Hindi ko maiwasan sisihin ang babaeng iyon sa lahat ng nangyayari saamin sa loob ng Passage Forest. I can't help myself to hate her so much. Paano kung natuluyan si Mizu, ano ang gagawin niya? Hindi niya ba naiisip na siya ang nagtutulak sa ikapapahamak ng anak niya.
Habang tumatagal ay mas bumabagal ang paglalakad namin. Mag-iisang oras na. Kailangan na namin bilisan dahil konting minuto na lang ay magliliwanag na.
Napansin ko ang pagtindi ng kirot ng binti ko. Sinilip ko iyon, nakita ko ang pagkalat ng kulay pula sa buong puting tela. Hindi ko pinahalata sa kanila dahil ayokong mas tumagal pa kami. Si Mizu ay nakakapit na ngayon kay Airos, mukhang hindi na kinakaya ang sakit lalo na at inaapoy na siya ng lagnat. Si Via ay inalalayan na ni Mia dahil pansin na konti na lang ay tutumba na ito. We're trying to save our life, trying to survive.
"Malapit na tayo!" nanghihina pero hindi maitago ang tuwa sa boses ni Mia. Siya ang may hawak sa map.
Muntik na akong mapasigaw ng may kung ano ang nabanat sa hita ko. The stitches opened. Ramdam na ramdam ko iyon. Ang nilalakaran ko ay nagiging dalawa sa paningin ko. Parang isang libong karayom ang nagpapaulit-ulit na tumusok sa ulo ko.
"Seriously... can you walk?"
Pinilit kong tumango at itinago ang totoo kay Ashton. Alam kong hindi siya naniniwala pero hinahayaan niya lang ang gusto ko.
"We're here, guys we're here!" masayang saad ni Mia saka pinilit na bilisan ang lakad kaya pati si Via ay nadala niya.
Kahit hindi ko makita ng maayos nilalakaran ay nakikita ko ang malakuryenteng salamin. Binaliwala ni Mia iyon at sinalubong ang salamin. Tumagos sila! Nakalabas na sila.
Sumunod si Axelle na bitbit si Cass. Gaya nila Mia ay tumagos din sila. Ngayon ay si Airos at Mizu na ang nasa harapan ng salamin.
"Finally," Airos said and slowly walk through the lighting mirror.
Nawala sila sa paningin namin. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Ashton na naka-alalay saakin.
"We survived the passage forest," he said and guide me to the the front of lighting mirror.
Pagkatapak ng mga paa namin ay isang energy ang bumalot sa katawan ko pagkatapos ay nawala. Doon ko nakita kung nasaan na kami.
Madilim parin pero kitang kita ko kung gaano kalawak ang lugar. Maliit ang mga damo at hindi patag ang nilalakaran namin. Hindi ito pantay pantay, pataas at pababa. This must be the Elemental mountain.
Nakakapanliit ang lawak ng lugar, kitang-kita ang mga ulap na aakalain mong maabot lang ng kamay. Sa malayong parte na nasa gilid namin ay ang hangganan ng mountain. Kung lalapit ako doon makikita ko kung ano ang nasa baba. Sa pinaka gitna ay bahay na gawa sa kahoy, isang cabin.
Doon ko natanaw ang isang matandang lalaki. Mahaba ang itim na balbas niya na umabot hanggang dibdib. Ang buhok niya ay hanggang balakang pero ang ibabaw ay nakatali papusod. Lumang-luma ang kasuotan niya. Sa kilay na napaka-kapal at halos mag salubong na, sa ilong na matangos at mata niyang kulay berde, at sa kutis niyang moreno, hindi maitatago ang kagwapuhan niya noong binata pa siya. Pero ang mas pinagtuunan ko ng pansin ay ang hawak niyang mahabang kahoy na mas mataas pa sakanya at nakatukod iyon sa lupa. Hindi ito isang tungkod, nagamit ko na ito noon... isa sa mga weapon na ginagamit sa larangan ng martial arts.
Tuwid na tuwid siyang tumayo, malayo sa inaasahan ko. Akala ko ay sa edad niya ay hukot na siya, may hawak na tungkod upang makatayo at makapaglakad ng maayos. Pero kabaligtaran sa inaasahan ko.
Muntik na akong mabitawan ni Ashton ng lumiwanag ang Ignis tattoo niya. Katulad ng pag-ilaw ng mga braso ng dalawa pang princeps. Uminit ang palapulsuhan ko ngunit baliwala ang sakit nito dahil sa nararamdaman ko ngayon.
"Nagtagumpay kayo mga maglalakbay ng Academy Magica Coloris, ikinagagalak ko ang ipinakita niyong tibay ng isipan at lakas ng loob," ang boses niyang kahit nasa malayo ay umabot parin sa pwesto namin.
"We need your help," si Axelle ang bumasag sa pagkakatunganga namin at paghanga sa buong lugar.
"Alam ko ang kailangan niyo bago pa man kayo makarating dito. Ang misyon niyo kung bakit kayo naglakbay at ang pangangailangan sa White Dagger para sa sumpang nasa mga loob ng katawan ninyo."
Inangat ng old wizard/videre ang kamay niya. Then a White Dagger appeared above his palm, floating. Umikot-ikot ito.
"Ibaba mo ang dalaga," he's looking to Cass.
Nilapag ni Axelle sa lapag si Cass.
"Kinakailangan mong gamutin ang dalaga upang magkaroon ng malay."
Axelle did what he said. A brown energy from his hand passed through Cass' body. Naghilom ang mga sugat. Bumalik na nga ang mga kapangyarihan nila.
Cass slowly open her eyes. I felt Ashton move away. Unti-unting nagbago ang kulay ng mata niya. The Dark Spirit inside their body...
Pinilit kong tumayo ng hindi natutumba. I looked at them one by one. Their eyes turns in to all black. Si Mizu ay nasa bandang malayo sa pwesto ko, kita ko sa mata niya ang kagustuhang lumapit saakin. Bumangon si Cass, ng nakatayo ng maayos ay saakin siya tumingin. Napaatras ako dahil sa kanya... dahil sa kanilang lahat. Unti unti silang naglakad palapit saakin at ang iba ay sa pwesto ni Mizu.
Nanghihina ako kaya hindi ko parin magawang magsalita ng malakas. In just a seconds Cass's body surrounded by white light. A black smoke went out from Ashton's body, the next is Airos, and the rest. I felt the heavy energy inside my body, trying to escape. Unti-unting may lumabas sa katawan ko.
The black smoke floats and connected with each other, at naging isang makapal na itim na usok. Lumipad patungo sa pwesto ni Cass at ng tumagos sa loob niya ay mas nagliwanag pa siya lalo.
She screamed out of her lungs. Nakakabingi. Napaluhod siya and one spider went out from her body. Bakit may gagamba sa loob ng katawan niya? Not just one, nasundan pa ng marami. A million of spiders... I can't count those spiders of course. Nagsilabasan sa bibig niya. Paano nagkasya sa katawan niya ang lahat ng 'yan?
Gumagapang ang lahat palayo pero biglang nag-apoy yung mga yon. Nasunog at naging abo, pagkatapos ay lumipad palayo.
"Naglaho na ang Dark Spirit, wala na ang sumpa," the old wizard said.
Bumagsak pahiga si Cass galing sa pagkakaluhod. Nilapitan siya ni Axelle para buhatin ang walang malay na katawan niya.
It's done. Tapos na ang paghihirap namin sa paglalakbay sa Passage Forest. We can finally rest and gain energy.
Lumiwanag sa buong paligid, kasabay non ang tuluyang pagka-ubos ng natitirang lakas ko.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...