"Yvon please," pilit niyang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.
"Go away Tyle," I yelled as I lean against my door.
Tears are flowing down my cheeks.
"Open this door, let me talk to you. Let's talk about it Yvon," kinalampag niya ang pinto.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi.
"Talk to me... please."
Ang salitang 'yon ang dumurog sa puso ko. Ayoko ng nasasaktan siya. Ayokong nasasaktan ang lalaking pinakamahal ko.
"Tapos na tayo Tyle, makinig ka naman saakin," I cried.
"No Yvon! No."
"Go Tyler! Ikaw ang aalis, o ako ang lalayo?"
"Walang lalayo satin Yvon, hindi na mangyayari ulit 'yon. Kaya please huwag kang sumuko," namamaos na ang boses niya, dahilan kung bakit hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko.
"Hindi mo ba naiinitindihan?! Mapapahamak ka lang kapag ipinagpatuloy pa natin ang relasyon natin. Muntik ka ng mamatay dahil saakin!" I sobbed.
"Hindi mo kasalan 'yon Yvon. Pakiusap huwag mo akong sukuan. Ikaw ang buhay ko Yvon, mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal kita," and he sobbed.
"We're done Tyle."
"No listen Yvon, hindi ako titigil. Kakalimutan ko ang sinabi mo ngayon. Iisipin ko na wala lang ang lahat ng 'to," he cried.
"Everything has an end Tyle, and this is our end."
Bumalik ang panahon na tinapos ko ang lahat ng meron saamin ni Tyler. Bago pa siya makapagsalita ay nilampasan ko na siya. Sobrang gulo na ng lahat. Ngayon ay nadagdagan pa ng panibago. Katulad ng sugat na natamo ko noon, pinatungan ko upang matakpan pero nadagdagan ng panibago, hindi pa naghihilom ay nagkaroon pa ng isa. Sugat na akala ko ay ayos na, pero habang mas tumatagal mas lumalala lang.
Si Lucas ay ang taong kinaiinisan ko, pero kahit ganon ay mahalaga siya saakin. Madalas akong nahahalintulad sa kanya, iyon ang dahilan kung bakit nilayo ko ang loob ko sa kanya. Dahil sa bawa't araw na makikita ko siya nakikita ko lang ang sarili ko sa kanya. Nakikita ko ang mga mali saakin, nakikita ko ang mga bagay na kinaiinisan ng iba.
Ngayong wala na siya ay parang may nawalang isang parte saakin. Isang desisyon ngayon ang naiisip ko na dapat kong gawin. Dahil kung hindi ko gagawin tuluyang mananalo ang plano ni Melaena.
"Yvon?" saktong nakita ko ang taong binabalak kong kausapin.
"Ashley," tumigil ako sa sala ng Dormitorium house.
Umupo ako sa sofa para makausap siya ng maayos.
"I have a favor to ask," I started what I needed to say.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...