Chapter 53: Powerless

2.6K 89 0
                                    

"So I want to apologize to Yvon, sa pag-ataki ko sa kanya," Via started.

"It's fine."

"Sorry din my loves, dahil saakin malalala ang nangyari sayo. Binaril kita..." sabay pout pa ni Airos.

Pinitik ko ang nguso niya, "Don't pout hindi bagay sayo."

Ngumisi lang siya saakin.

"Well my cousin, ako talaga ang may kasalan. Saakin nag-umpisa ang sumpa. Sorry sorry Yvon!" niyapos ako patagilid ni Cass.

"Seriously, no one needs to apologize. Hindi niyo kasalan ang nangyari, hindi niyo alam ang ginagawa niyo."

"We knew Yvon, alam namin ang ginagawa namin. Tandang-tanda namin ang buong nangyari," mahina ang boses ni Mia, nakayuko siya.

"Para kaming nasa loob lang ng katawan namin, habang ang Dark Spirit ang nagcocontrol. Kahit anong pigil ang gawin namin para lang kaming sumisigaw pero walang nakakarinig. Mas maganda sana kung hindi ko na lang alam," umiling-iling si Axelle na halatang hindi talaga ginusto ang nangyari.

"Cheer up kids, nagtagumpay tayo sa unang part ng training," I told them. "Paano nga pala napunta sa katawan mo ang Dark Spirit Cass?"

"Nung nagkahiwa-hiwalay tayo ng tumakbo dahil sa Monster tree, ako lang ang mag-isa. Napuruhan ako ng Monster tree sakto naman ay nakita ko ang isang maliit na kuweba. Pagpasok ko doon hindi na ako nasundan ng mga puno. Hindi ko na maidilat ang mata ko, pero naramdaman ko ang kung anong hayop ang pumasok sa sugat ko sa bandang batok. Sabi ni Lolo Alejandro ang hayop na iyon ay pinagbabahayan ng Dark Spirit kaya ng pumasok iyon sa katawan ko dumami sila saka naging ako ang panandaliang bahay ng Dark Spirit."

"Ako lang ba ang nawalan ng malay?"

Umiling halos lahat sila sa tanong ko.

"Lahat tayo nawalan ng malay, epekto daw 'yon ng pagcontrol sa katawan natin nung Dark Spirit. Natagalan lang ang ilan sa paggising dahil sa sobarang pagkaubos ng energy. Si Princeps Ignis ang unang nagising saating lahat. Isang araw lang siyang nakahiga, sumunod na nagising si Mia, Princeps Terra, at Princeps Aeris. Sila kasi yung hindi masyado napuruhan. Tapos kami nila Cassandra at Princeps Mizu kahapon lang nagising," paliwanag ni Via.

"Si Mizu lang hindi napasahan ng Dark Spirit dahil wala siyang malay nung gabi na 'yon. Pero dahil siya ang pinaka napuruhan bukod sayo ay kahapon lang siya nagising," Cass said.

"Ngayon kailangan mong pahilumin ang mga sugat mo," hinawakan ni Mizu ang dalawa kong kamay. Pinaharap niya ako sa kanya.

"Alam mo na kung paano hindi ba?" he asked.

I don't know how would I react to him. Dahil sa pag-amin niya parang biglang may naging gap sa pagitan namin. He's Mizu, Yvon... the Dark you knew.

Pinilit kong tumango. I need to concentrate. Tumahimik ang paligid, I felt their eyes are all watching us. Madali lang naman ang kailangan kong gawin para mapahilom ko ang sariling kong katawan.

Deep breathe, concentrate with the beat of my heart. Focus to the beat, the sound, each pump. But... all I'm hearing right now are the breathe of the peope surrounding me. All I felt is Mizu's hand holding mine. Hindi ako makapag concentrate, imbis na ang hininga ko ay ibang hininga ang naririnig ko, imbis na ang bawat pagtibok ng puso ko ang iniintindi ko kamay ni Mizu ang nanggugulo sa utak ko.

Hindi ako mapakali, parang may mali.

Dinilat ko ang mata ko, mukha ni Mizu ang una kong nakita.

"I... I can't."

Kumunot ang noo niya, nagtataka, "Subukan mo ulit."

Gusto ko sabihin na hindi ko talaga magawa. May mali, hindi ko alam kung ano. Nung nasa mundo ako ng mga tao madalas saaming pinagagawa ito. Concentration is one of the things we need to learn, para tumalas ang senses namin sa paligid. Pero bakit ngayon hindi ko magawa?

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon