"No you cant," umiling-iling ako.
"Why?" naguguluhang tanong niya.
"You can't use powers in that battle Ashton, it's all about the fighting skills and ability," I said.
"You think that I can't fight without using my Elemental powers?" nakita ko ang hindi niya mapigilan na pag ngiti.
"You are born in Magica Mundi Ashton, at isa pa isa kang Princeps. Lumaki kayo sa pag-aaral ng powers niyo."
"You never see me fight without my Fire Element Yvon, and trust me White Warrior will be rank two or even one," umikot siya sa kabila saka pumasok sa passenger seat.
Well I saw him... sa Passage forest kung saan mas nakilala ko siya.
"Fine."
Buong byahe pabalik sa bahay namin ay tahimik na naman kami. Pag pasok sa bahay ay hindi ko inaasahan ang nakita... nandoon na agad silang lahat.
"Akala ko ba mamasyal kayo?" nilagay ko sa bulsa ko ang susi ng sasakyan.
"May nagsabi kasi saamin na kakailanganin mo kami para sa mamayang gabi," Airos smiled.
"Anong sinasabi mo?" kahit may kutob na ako sa sinasabi niya.
"We'll be the new members of the White Warrior, Yvon," Axelle said.
Teka paano nila nalaman? Tiningnan ko si Ashton. "Sinabi mo sa kanila?"
Tumango naman siya, pero paano niya nasabi? Eh buong oras kanina kasama ko siya. Wala naman siyang cellphone.
"We have the ability of telepathy Yvon, kaya wag ka na magtaka," Axelle said.
Ow, kaya pala.
Tiningnan ko si Tyler. "Pati ikaw sasama?"
He gave me a smile. "Yes Yvon, I'm now a member of your gang."
"Teka kailangan ba may mask din kami?" tanong ni Airos.
"Oo kailangan," Kaye answered him.
"Ang problema wala dito ang mga extra mask, dahil nasa Institution 'yon," at wala na akong balak bumalik doon hanggang nandoon pa si Melaena.
Ang mask kasi na dapat gamitin ay hindi lang basta. May ibang bullet proof, metal proof... infact mine is made of high quality of pure white gold.
Tumayo si Mizu. "Don't worry guys, I have everything you needed."
Tumingin saakin si Mizu. "Baka nakakalimutan mo Yvon, I also have a gang."
Oo nga pala. He's the Dark of Hunters.
"Pupunta ako sa condo ng bagong leader ng Hunters, siya ang naging kaibigan ko dito noon. Doon din ang place ng mga Hunters, kukuha ako ng mga gamit na kakailangin natin," he announced.
"Thanks," I said.
"May isa pang kailangan," tumayo si Cass para sa kanya mapunta ang atenyon naming lahat.
"You need a code name. Hindi niyo pwede gamitin ang mga pangalan niyo," she said.
Napaisip naman sila ng code name nila.
"Kumain na ba kayo ng lunch?" tinanong ko sila na mga naging tahimik dahil sa pag-iisip ng code name nila.
"Hindi pa," Kaye answered.
"Order na lang akong pizza," I told them.
Wala akong balak magluto.
Kinuha ko ang phone ko para umorder ng pizza. Si Mizu naman ay nagpaalam saamin na aalis na siya para pumunta sa condo ng sinasabi niyang kaibigan niya.Nang dumating ang pizza na inorder ko ay patuloy padin sila na nag-iisip. Talagang seryoso sila dyaan ah.
"Kahit ano na lang, mamaya niyo lang naman gagamitin," sinabi ni Cass habang busy sa panonood ng Tv.
Inabot sa kanya ni Kaye ang isang box ng pizza. Kumuha siya ng isang slice saka inumpisahang lantakan.
Inabot ko sa mga lalaki ang isa pang box dahil si Axelle, Tyle, at Airos ay mukhang walang balak kumain. Si Ashton naman ay nakapikit lang habang nakasandal ang ulo sa sofa.
"Bakit kaya hindi na lang second name niyo ang gamitin niyo?" I suggested, habang kanina pa ako kumakain.
Grabe talaga effort nila sa pagiisip!
"Oo nga 'no, mas okay 'yon," kinuha ni Axelle kay Ashton ang box ng pizza para kumain nadin.
"Ashton ano ang code name mo?" kinuha ni Kaye ang papel para ilista ang mga code name nila.
Kailangan kasi ng code name ID, at ang ID na 'yon ay dapat pang White Warrior. Kaya si Kaye ang gagawa para sa kanila. Saka kailangan niya ding isubmit ang list ng member na lalaban para maiparegister.
"Egan," nanatiling nakapikit padin si Ashton.
"Ikaw Airos?" tanong ni Kaye.
"Ezio," sagot naman ni Airos sa kanya.
"Ikaw Tyler?" tanong niya kay Tyle.
"Kean," ginulo pa ni Tyle ang buhok ni Kaye, nakasanayan niyang gawin 'yan noon pa kay Kaye kapag nandito siya sa bahay namin.
Natigil naman si Kaye dahil hindi niya inaasahan ang gagawin ni Tyle.
Then she cleared her throat. "Ikaw Axelle?"
"Hmmn... Pearce."
"Fierce!"
"Wag kang sumigaw Eve."
"Aww," may boses na naman akong naririnig.
"Yvon okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Tyle.
"Pumunta ka kasi dito para lang matulog. Akala ko naman magsasanay tayo."
"Gusto ko kasing matulog."
"Umagang-umaga matutulog ka na naman?"
"Hindi ako nakatulog saamin."
"Bakit?"
"Hindi ako komportable doon."
"Hindi ka kasi sanay, paano ba naman mas madalas ka pa dito kesa sainyo. Ginawa mo na ngang bahay mo 'to."
"Mas gusto ko dito Eve."
"Ahh!" sumobrang sakit na naman. Parang binibiyak ang ulo ko.
"Yvon?" lumapit na si Tyle saakin para hilutin ang ulo ko.
Dinilat ko ang mata ko, lahat sila nag-aalalang nakatingin saakin. Nagtataka kung bakit sumasakit ang ulo ko. Hahawakan na sana ni Tyle ang ulo ko pero inalis ko agad.
"Don't," tiningnan ko siya. "Mawawala lang ang magical energy sa katawan mo," I reminded him.
"Sumasakit na naman ang ulo mo Yvon?" tanong ni Kaye.
Tumango ako, medyo nabawasan na ang sakit dahil nawala na ang mga boses.
"Madalas bang sumasakit ang ulo mo Yvon?" Airos asked worriedly.
Dahan dahan akong tumango.
"May sakit ka ba?" tanong pa niya.
"Gusto mo ng gamot Yvon?" tumayo si Cass para kumuha.
Umiling ako. "Ipapahinga ko na lang. Tapos maghanda na kayo para sa laban mamaya."
Tumayo ako at naglakad paakyat. Tumigil ako saglit at tumingin kay Axelle.
"Kung gusto mong manalo tayo mamaya sa laban, don't use your second name," I suggested.
"Why?" nagtatakang tanong niya.
"That's the reason of my sudden headaches," I informed him.
Kung palaging sasakit ang ulo ko dahil kapag naririnig ko ang pangalawang pangalan ni Axelle ay may mga boses akong naririnig baka kung ano pa ang mangyari. Lalo na at importante ang laban mamaya.
Bakit ko ba naririnig ang mga boses na 'yon? Sino si Fierce? At sino si Eve... na kaboses ko?
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...