Napailing ako, hindi bagay sa kanya gumamit ng apilyidong 'yon. Hindi kanais-nais na maging isa siyang Solemn."Nasaan ako?" madiing tanong ko.
Tumingin siya sa paligid bago ako sagutin. "Tenebris Kingdom, at ngayon nasa kulungan ka ng kaharian."
Tenebris Kingdom? Shit. Bakit ako nandito? Hindi ko maintindihan bakit niya ako dinala dito.
"Isa kang Tenebris?"
"Yup," she smirked. "Hindi pa ba halata sa kapangyarihan ko? I'm a Darkness manipulator. Doon pa lang sana naisip mo na isa akong Tenebris."
Hindi ko naisip. Akala ko lang ay half blood siya. Kalahating Tenebris at kalahating White blood wizard. Pero hindi ko naisip na talagang taga Tenebris siya at isa pa kapatid niya si King Maxon!
"What do you need Melaena?"
"I don't need anything," lumapit siya sa rehas. "You're the one who need something from us."
"I don't think so," umiling ako sa sinabi niya.
Ano naman ang kakailangin ko sa kanila?
"You do Gem, nasa amin ang kasagutan kung bakit ka nandito," she smirked.
Isang bagay na alam kong iyon ang sinasabi niya. "You killed my parents?"
Natawa siya sa tinanong ko. "I'm not the one who killed your parents... but I knew who is it."
"Then tell me!" hindi ko mapigilan ang galit ko. Hinampas ko ang barrier.
Pero tumawa lang siya. "I'll be back Gem, enjoy yourself here for a mean time."
"Via!" I shouted her name but it's too late, she already teleport.
Sinubukan kong sirain ang barrier pero hindi ko magawa, ang golden scimitar na inaasahan ko na lang ay ayaw pang lumabas.
Damn. Kung kelan kailangan kita!
Ilang oras na ang lumipas pero hindi padin bumabalik si Via o Melaena man 'yon. Napa-upo ako sa sahig at napasandal sa pader.
Kailangan kong makalabas dito. Umilaw ang pendant ko at tumapat sa left wrist ko kung saan nakalagay ang Ignis tattoo.
Now my necklace is helping. Hindi ko mapigilan mapangiti. May maitutulong ka rin pala saakin.
Dahil sa pagliwanag ng kwintas ko at pagtapat sa Ignis tattoo nakuha ko ang gustong sabihin ng pendant ko. Sinabi ni Ashton noon na hanggat nandito pa ang Ignis tattoo ay may connection pa kami sa isa't isa.
Kinuha ko ang anklet knife ko sa booths na soot ko. Saka inumpisahan ang tanging paraan na naiisip ko. Gamit ang anklet knife ay inumpisahan kong sulatan ang ignis tattoo.
Help
Napapikit ako sa hapdi ng balat ko. Sana ay posible ang ginagawa ko.
Dinuktungan ko pa ang sinulat ko.
T.K.
Short for Tenebris Kingdom.
Matalino siya, alam kong maiintindihan niya agad ang nais kong iparating.
"What are you doing?"
Naibaba ko ang kutsilyong hawak ko ng narinig ang boses ng lalaki na nagsalita. Itinago ko agad ang kamay ko bago siya tingnan.
He has a pair of green eyes, dirty blonde hair, and his skin is natural pale.
I didn't answer him, umangat naman ang tingin niya sa mukha ko. "You're the girl in the Prophecy?" he smiled.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...