Nagpalakpakan ang lahat, pero si Kaye at Cass ay nanatiling nakatingin saakin. Hindi din nila alam ang gagawin kagaya ko.
And the worst is our table is near at the stage. When his eyes turns to me, gaya ko ay nagulat din siya. He's not expecting to see me here. Natulala pa siya saakin saka nalaglag ang mic na hawak.
"Yvon..." iyon ang lumabas sa bibig niya.
Kaya lahat ng atensyon ay napunta saakin. Naguguluhan malamang ang lahat pero alam kong may ideya na ang ilang kung bakit.
Hinila ko ang kamay ko palayo kay Ashton, tumayo ako saka nagmadaling umalis.
Hindi ko kaya, hindi ko pa siya kayang harapin.
"Yvon," narinig ko pa ang pagtawag ni Ashton sa pangalan ko bago ako makalabas sa main hall.
Tumakbo ako kahit mahirap dahil sa soot ko. Hindi dahil nasasaktan ako kaya ako umalis, tumakbo ako dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin.
Tumunog ang malaking orasan ng AMC, ibigsabihin ay alas dose na.
At isang energy ang hindi ko malaman kung saan nanggaling na kumalat sa buong katawan ko.
"Ahh!" napasigaw ako sa sobrang sakit.
Kusang lumabas ang pakpak ko, itim na elemento ang kumalat sa buong katawan ko. Anong nangyayari saakin?
"Ahh!" I groaned with pain.
"Yvon," boses ni Ashton ang narinig ko, malapit na siya saakin.
"Yvon," kasunod ay boses ng lalaking iniiwasan ko.
A warm hand tried to touch my shoulder, and I screamed again because of the pain surrounded my body.
"Please baby tell me what hurts?" pinilit akong iniharap ni Ashton.
Sa pagharap niya saakin at paghawak niya sa braso ko ay may kung ano sa loob ko ang humigop sa elemento niya. Lumabas sa balat niya ang pulang energy papunta saakin.
"Ugh!" he groaned.
Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan pero patuloy na lumalabas ang elemental energy sa katawan niya.
Napabitaw siya saakin, hawak niya ang dibdib niya na para bang nahihirapan na siyang huminga.
Shit.
"Yvon," ngayon ay si Tyler ang humawak saakin.
Pero sa paglipat ng atensyon ko ay napabitaw agad siya saakin dahil sa paglabas din ng itim na enerhiya galing sa katawan niya. Katulad ni Ashton ay napahawak din siya sa dibdib niya na para bang hinihigop ko ang mga hinnga nila.
"O my gosh Yvon!" sumigaw si Cass, balak niyang lumapit saakin pero nasa malayo palang siya ay napahiyaw na siya at napaluhod.
What is happening?
"Bellona," isang boses na naman ng lalaki ang narinig ko.
Dumagdag lang sa sakit ang boses na nariring ko sa isipan ko.
"Go away Bellona, go!" it's a baritone voice.
Hindi ko alam kung anong gagawin, kaya gaya ng sinasabi ng boses sa utak ko ay lumipad ako. Palayo sa kanilang lahat.
Sa paglipad ay dinala ako sa Passage forest. Umaasa ako na siya ang makakatulong saakin. Kung dati ay kailangan pa namin maglakad sa loob ng kagubatan, ngayon ay dahil sa pagiging Bellator ko ay nakakalipad ako sa itaas upang makalagpas sa Passage forest at makarating sa Elemental mountain.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...