Habang naglalakad papunta sa Dormitorium House ay pinagmasdan ko ang buong paligid ng academy. Inaayos ng mga Praeceptor ang mga nasira. Nagkalat ang ilang sugatan. Ang mga puno ay bumagsak gawa ng lindol kanina. Ang ilang parte ng pader ng AMC ay sira, mga salamin na basag at nagkalat na bubog. Ang mga halaman ay nasira din at ang iba ay nasusunog pa hanggang ngayon.
The whole place is different from the place I saw when I arrived here few months ago. Pagtungtong ng paa ko sa pintuan ng dorm ay hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba. Sira sirang gamit ang nadatnan ko sa loob, sunog na mga pader, butas na mga bintana, sirang hagdanan, mga bubog na nagkalat, dugo na natatanaw dito pa lang sa labas dahil sa dami. Usok na nanggaling sa kapapatay lang na apoy.
Saan ako magpapahinga?
"Students proceed to the South park. The tents are all set so you can all rest and gain the lost energy from this night. The foods, medicine, and other things that you'll be needed are already inside the tent."
Boses ni Ashley ang narinig ko galing sa intercom. Nagsilabasan ang lahat, naglakad papunta sa sinasabing south park. Sumunod ako sa kanila at agad nakita sila Cass pagkadating ko doon. Malaki ang lugar na sinabi, may lawa, may mga puno pero bakas sa mga ito ang nangyaring laban kanina, may bonfire sa gitna ng nakalibot na mga tent.
Pinuntahahan ko sila Cass na nasa tapat ng isang malaking tent. Pumasok kami sa loob at hindi inaasahan ang kasing laki ng isang bahay ang nasa loob. May sampung double deck na kama sa bandang dulo, sa bukana ay ang brown na mahabang sofa kung saan nakapatong ang ilang box. Sa bandang gitna ay ang mahabang lamesa na may naka ayos ng mga plato, utensils, at baso. Sa gilid ay ang malaking dalawang pintuan ng ref at sa katabi nito ay lutuan. Sa dulo ng lutuan ay ang mahabang lababo. Sa kanang bahagi ng mga kama ay may limang pintuan at sa loob nito ay ang bathroom.
Lumapit si Kaye sa ref para buksan. Pagbukas niya ay lumantad ang punong-puno ng pagkain na laman ng ref.
"Pang isang taon ang laman nito ah!" kumuha si Kaye ng tatlong pagkain na nasa topperware.
Nilagay niya sa loob ng microwave. Kumuha siya ng naka box na juice at sinalinan ang tatlong baso.
"Gutom na ko!" sinabi niya bago tinungga ang isang buong baso ng juice bago nagsalin pa ulit.
"I feel you little girl," lumapit si Cass na may hawak na twalya at damit.
Nilagay ni Kaye ang baso ng juice sa lamesa. Tumunog ang microwave kaya nilapitan ito ni Cass para kunin na ang nasa loob. Nilapag niya sa lamesa ang tatlong set ng pagkain.
Umupo ako at binuksan ang pinaka malapit saaking topperware. Inabutan kami ni Kaye ng tig-isang kutsara. Bago pa namin maumpisahan ang pagkain ay bumukas ang tent. Pumasok ang limang babae. Napatingin sila saamin ng makita kami. Ang isa sa kanila ay yung babae kanina na binaggit na saakin ni Airos ang pangalan. Her hair is short brown, kitang kita ang black eyeliner na nakapaligid sa mata niya which makes her eyes looks perfect.
Padabog siyang umupo sa kasunod ng upuan na katabi ko. Yung isang kasama niya na blonde ang buhok dumiretsyo sa bathroom, habang ang isa na curly brown ang buhok ay dumiretsyo naman sa kusina. Tumabi sa kanya yung tan na girl, at sa tapat ko naman yung isa pang tan na babae with brunette hair... she smiled to me.
"Badtrip na mga taga Tenebris 'yan! Sinira nila ang pagtulog ko," sinabi ng babaeng Gravity manipulator.
Tumingin siya saakin, "I'm Im Jiyeon by the way. Wala ng ibang tent na vacant kaya dito na lang kami pumunta."
Hinagis sa kanya nung curly hair na babaeng na sa kusina yung isang mansanan. Sinalo niya saka hinati sa gitna gamit lang ang kamay at kinagatan na.
"Kayo yung mga new student diba?" tanong nung brunette na nasa harapan ko.
"Yup," sumagot si Kaye, sinimulan na niyang kumain.
"I'm Miles Grey, Nature manipulator..."
"I'm Kaye San Agustin, grade 11."
"I'm Cassandra San Agustin. First year college, section two."
"Yvo---" magpapakilala sana ako para hindi naman nakakabastos sa kanila pero...
"You're Yvon San Agustin right?" Jiyeon raised ger eyebrow.
"Yeah."
"You're pretty famous in the whole AMC. Everyone knows you," sinabi nung nasa kusinang babae na ngayon ay umupo sa tabi ni Miles.
"I'm Eya Denver... well just a normal wizard, then the girl in the bathroom is Isabelle," ngumiti siya saka inabot ang pagkain sa katabi ni Jiyeon.
"I'm Lisa Ferrer, I have a X-ray vision. You're famous... because of what happened in battle field," dirediretsyong sinabi ng katabi ni Jiyeon.
Nakita ko kung paano tingnan ng masama ni Jiyeon si Lisa.
"Don't mind her, by the way hindi niyo pa din nakikita ang powers niyo?" Jiyeon tried to change the topic.
Sa unang tingin mukhang maldita si Jiyeon, well hindi siya sweet mag salita. She's acting like a bitch pero kontrolado ang bawat sinasabi niya.
"We don't have."
She smirked, "Really? That's interesting."
Lumabas na sa cr ang isa pa nilang kaibigan, katatapos lang maligo. Umupo siya sa pinaka unahan, saka nakihati sa kinakainan ni Lisa.
"Fourth year kayong lahat?" tanong ni Kaye.
Tumango ang apat sa kanila.
"We are at sobrang stress! Lalo na't dumagdag ang mga Tenebris na 'yon!" si Jiyeon ang sumagot.
"Buti nga umatras sila," said Cass while eating.
"Hindi pa main ng mga Tenebris 'yon," Isabelle said.
Hindi pa main? What is she trying to say?
"Ang pinadala ng Tenebris ay ang mga fifth class lang. Kung sa school natin nahahati sa apat which are the elemental holder, manipulator, princeps, and ordinary wizard sa kanila ay by class. Ang pinaka malakas sa kanila ay ang first class iyon yung mga element ng Dark magic. Yung kanina pinaka mahina pa nila yon. The beast, the dark vampire, the witch," Eya explained.
Tenebris is strong enough after all.
"Kung baga no brains ang mga pinadala nila kanina, just their appetizer for us," tinaas ni Jiyeon ang paa niya sa lamesa.
Hindi ko na nagalaw ang pagkain ko. Not because of her legs on the table but because I'm trying think every word they are telling us.
"And I'm pretty sure this war was just the beggining," tiningnan ako ni Jiyeon, "The real war will be on blood moon."
"What's with the blood moon?" nagawa ko ng magtanong.
Hindi ko mapigilan ma curious.
"Every year may iba't ibang moon sa loob ng taon na 'yon. White moon for winter, green moon for spring, yellow moon for summer, blue moon for autumn at doon ang kalakasan ng mga may dugong White Wizards, pero pag dating ng blood moon doon naman ang kahinaan ng mga White Wizards at kalakasan iyon ng mga Tenebris blood."
"Pero... yellow moon pa lang. Bakit sila sumugod?" si Kaye ang nagtanong.
"Because they are planning for the real hell war. So they're just checking our capability."
![](https://img.wattpad.com/cover/69381262-288-k931451.jpg)
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasyYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...