Chapter 68: Things Changed

2.4K 75 0
                                    

Sa pagbalik namin sa Academy ay sumalubong ang maraming studyante ng AMC. Nakakalat sila sa labas pa lang... para salubungin ang mga Princeps. May mga banner na dala na akala mo ay grupo ng fans club sa mundo ng mga tao. Nagsisigaw sa mga pangalan ng apat na lalaking kasama ko.

Kung alam ko lang na ganito ang sasalubong saamin sa pagbabalik ay sana pinauna ko na ng dating ang mga Princeps para kapag nakapasok na sila saka na lang kami dumating.

"You four got wild fans," I muttered.

Parang mga nakawala sa zoo ang mga babaeng nagwawala para lang makalapit sa apat na lalaking kasama ko.

"Curtis!" sigaw ng mga babaeng lagi kong nakikitang nakabuntot sa kambal.

Tumakbo ang mga 'yon papunta sa kambal na nasa harapan ko. Hindi sila nakalapit dahil sa mga humaharang na Praeceptor para makapasok kami agad sa loob ng AMC at makapunta na sa office ni Ashley.

When we succeeded to enter the office, a wide smiled from Ashley welcome us, at ang masungit na mukha ni Princeps Mitchie ang pangalawang bumungad sa pagpasok namin sa loob. Kelan ba 'to aalis? Sa pagkakatanda ko si Ashley na ang Headmistress ng AMC.

"Guys pwede kayong umupo," sinabi ni Ashley ng napuna niya na lahat kami ay nakatayo lang sa loob ng office.

Umupo naman kami sa sofa. Kaming apat na babae ay nasa kanan na sofa at ang apat na lalaki ay nasa kaliwa namang sofa.

"Nakakamiss 'tong mga bata na 'to. One month ko kayong hindi nakita," nakatayo si Ashley habang nakasandal sa desk niya.

"Tss..." hindi padin nagbabago si Ashton kapag naiinis siya. "Just tell us what you need to say, so that we can already rest."

"Two days before the blue moon... the second Duel Battle for this year will happen and that's tomorrow. So I need to see if you all succeeded in the mission we gave you," si Princeps Mitchie ang nakaupo sa upuan na dapat ay si Ashley.

Iyon lang ba ang sasabihin niya? Akala ko naman kung anong importante.

"Now go and rest, tomorrow will be a big day for all of you."

Pagkasabi ni Ashley non ay lumabas na kami sa office niya. Malamang lahat kami ay gusto ng magpahinga.

"I'm excited to see your little sister," Cass said.

Malapit na kami sa dorm room namin.

"I miss her."

"Alam naman niyang ngayon ang balik natin diba?"

"Yeah," ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Bakit kaya wala siya kanina sa mga sumasalubong na student?"

"Let's find out," I said as I opened our dorm's door.

Hindi si Kaye ang nakita namin sa loob ng dorm namin. "This is still our dorm room right?" tanong ko sa mga babaeng nakatambay sa sala.

"Yes it is," sagot ni Jiyeon.

Nakadapa siya sa sofa, binabasa ang magazine na dinala ni Kaye noon. Nasa lapag si Miles, Eya, at Isabelle. Sa single sofa naka-upo si Lisa.

"At bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong ko.

Isinara ni Cass ang pinto. "Ahm, sino nagpapasok sainyo?"

"Me," sagot ni Kaye na kalalabas lang ng kwarto.

"Welcome back!" malakas na bati ni Yen, kasabay na lumabas ni Kaye galing sa kwarto.

Hawak nila ang ilan pang magazine.

"Okay?" wala sa sariling sagot ko.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon