May ilang kalmot si Yvon sa katawan, may sugat siya sa noo. Pero sa itsura nila mas malala ang kalagayan ni Axelle.
"Damn. She's fearless," iiling iling si Mizu.
"Humahanga ka na naman sa pinsan ko," nakuha ko pang mang-asar sa kalagayan ngayon.
"As always," he smiled.
O Lord, he's a lover boy.
Inikot-ikot ni Yvon ang arnis stick na ngayon ay may mantsa na ng dugo galing sa kanya at galing kay Axelle.
Sinuntok ni Axelle ang lupa, gumalaw sa pwesto ni Yvon. Itinukod niya ang arnis stick para hindi siya matangay ng lindol. Mas lumakas pa ang paggalaw ng lupa na kintatayuan ni Yvon.
Biglang nagcrack sa pwesto niya, dahil sa paglindol ng malakas hindi niya nagawang maiwasan ang lupa na nahati. Nilamon ang katawan niya pababa.
"Shit!" I cursed.
Humawak si Yvon sa lupa para hindi siya tuluyang lamunin ng lupa.
You can do it Yvon!
Nagawa niyang unti-unting iangat sarili.
Pero bago pa niya maingat ang buong katawan niya isang malaking brown na lobo ang sumugod sa pwesto niya.
Nagtransform na talaga sa pagiging lobo si Axelle. Mas malaki sa ordinaryong lobo.
Kinagat niya ang kamay ni Yvon. Ginawa ni Yvon ang lahat para maiangat ng tuluyan ang katawan niya kahit kagat kagat ni Axelle ang palapulsuhan niya. Nang sa wakas ay nagawa niya sinubukan naman niyang tumayo.
Pero masyadong malakas ang lobo. Naipahiga siya nito, saka pinagkakagat ang katawan niya.
"Yvon!" kinabahan na ako sa nangyayari.
Tadtad na ng kagat si Yvon. Ang mas ikinatakot ko ng nakitang hindi na gumagalaw si Yvon.
Duguan na ang buong katawan niya. Ang leeg niya ay malalim ang pagkakakagat. Hindi parin tinatantanan ni Axelle ang pagkawawa sa katawan niya.
"God! Inuubos niya na ang laman ni Yvon!" I shouted.
Hindi na talaga gumagalaw si Yvon.
"Do someth---" bago ko pa matapos halos matumba ako ng tumakbo si Ashton.
Nasangga niya kami dahil sa sobrang bilis ng pagpunta niya sa loob ng barrier.
Isang tulak lang sa lobong si Axelle ay humagis na ang katawang lobo sa barrier. Sa sobrang lakas dumugo ang parte ng katawan niya na tumama sa barrier. Binuhat ni Ashton si Yvon palabas ng barrier.
Shit Yvon!
"Don't worry Cassandra, paglabas ni Yvon babalik na siya sa dati, katulad kanina kay Mizu. May spell na nilagay si Lolo Alejandro," Airos tried to comfort me.
Pero bakit iba ang pakiramdam ko?! Lalo na ng nailabas na ni Ashton ang duguang katawan ni Yvon.
Nilapag niya si Yvon, lumapit kaming lahat.
"Bakit hindi pa siya nagigising? Bakit hindi pa nawawala ang mga sugat niya?!" natatarantang tanong ko.
"Yvon shit I'm so sorry," nakalapit na si Axelle.
Wala ng dugo at sugat sa buong katawan niya. Maayos na ang binti niya. Bakit siya maayos na?!
"Maghintay lang siguro tayo... babalik din si Yvon sa dati," pagpapagaan ni Via.
Hinawakan ko ang leeg ni Yvon para kapain ang pulso niya. No pulse!
"No, no... she's dead!" I cried.
BINABASA MO ANG
Academy Magica Coloris
FantasíaYvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...