Chapter 18: Last Person

3.8K 98 33
                                    

Yvon P.O.V

Ilang minuto na ako nakatingin sa pulang kahon, kahon na karaniwang pinaglalagyan ng regalo. Iniisip kung bubuksan ko ba o hindi. I really don't know what to do with this box. The half of me want to open it. I really badly want to open this present box. But the other half of me is telling that I should not, dahil alam kong kapag binuksan ko ay paniguradong hindi ko na kakayanin.

It's almost six months, at sa panahong iyon ay alam kong hindi pa sapat. Hindi pa sapat upang maging sobrang tatag na ako para hindi madurog sa mangyayari. Naramdaman ko ang paghaplos ng malamig na hangin sa balat ko. Pumasok na ako sa loob ng kwarto, nilagay ang kahon sa malaking drawer. Sapilitan kong kinalimutan ang mga sinabi ni Kaye. Masyado na akong naliligaw.

Naliligaw na ang utak ko sa dapat na ginagawa ko ngayon at kung bakit nga ba ako pumunta dito.

Nakapangbahay lamang ako kaya kumuha na lang ako ng malaking jacket at sinuot. Nilapitan ko ang pinaglalagyan na arnis stick ko at sinukbit sa aking balikat. Hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, dahil habang tumatagal ay mas nagiging mahirap ang paghahanap ko ng kasagutan.

Lumabas ako sa kwarto. Nadatnan ko si Cass na naghahain para sa gabihan namin. Napatingin siya saakin at nagtatakang tiningnan ang ayos ko.

"Kayo nalang muna ang kumain ni Kaye, may pupuntahan lang ako."

Hindi ko na siya hinintay mag salita dahil alam kong hindi naman siya aangal. Lumabas na ako ng dorm room namin. Gaya ng inaasahan ko ay patay na ang mga ilaw. Eight pm na pala.

Dahil ilang beses ko na ito ginagawa ay nakabisado ko na ang daan. Paakyat na ako sa tuktok na palapag ng natigilan ako dahil sa anino na nakita ko. Agad akong nagtago sa isang pader at siniguradong hindi matatanaw ang anino ko.

Nang lumampas iyon ay bumalik na ulit ako sa paglalakad. Si Praeceptor Edrei, siya ang laging naglalakad-lakad dito sa gabi upang magbantay. Napapaisip na nga lang ako kung hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya.

Nang nakapasok ako ay gaya ng laging sumasalubong saakin ay narinig ko na naman. Wala bang balak palitan to ni Axelle? Nakakasawa na sa pandinig.

Hindi ko na lamang pinansin at nag-umpisa na maghanap ng librong babasahin.

"Hey."

Hindi ko din pinansin ang nagsalita sa kabilang parte ng bookshelf na tinitingnan ko. Bakit ba ako naaubutan ng isang 'to?

"Anong libro ba hinahanap mo?" pangungulit niya at sinasabayan pa ako sa paglalakad dahil sa paghahanap ko ng libro.

"None of your business Axelle," I muttered.

"I told you... you can call me Axe. Magkaybigan na kaya tayo," he continued, ignoring my remark.

"Hindi kaba mananahimik?" I asked, my temper flaring.

"Tawagin mo muna akong Axe."

Ano bang problema ng lalaking 'to? Kahit ano namang itawag sa kanya pangalan parin naman niya iyon.

"Axelle and Axe are just the same. Anong kabaliwan iyan?"

Humugot ako ng isang libro at binuklat. Liwanag lamang galing sa flashlight ko ang nag silbing liwanag upang mabasa ko ang nakasulat.

"Ang Axelle ay para sa mga hindi ko ka close habang ang Axe ay para lamang sa mga kaybigan ko," he explained.

"Then I'm going to call you Axelle," waving him off.

"Just call me Axe at hindi na kita dadaldalin."

Ugh! Walang kwenta ang librong nakuha ko. Isinarado ko ng malakas ang libro at tiningnan siya ng masama. Itinapat ko sa kanya ang flashlight. Napapikit naman siya dahil sa liwanag.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon