Chapter 75: Black Rose

2.4K 72 2
                                    


3rd Person P.O.V

Bago pa bumagsak ang dalaga ay nasalo na siya ni Ashton. Halos humagis si Jace dahil sa pagkakatulak sa kanya palayo. Hawak niya ang pusong hinugot kasabay ng kamay niya.

Nagulat ang lahat sa nangyari. Ni hindi nila napansin ang paglalaho ni Melaena kasama ang kakambal. Ang tatlong Princeps ay sumugod papunta sa pwesto ni Jace ngunit mabilis na naglaho ang binata.

Nakaluhod si Ashton, nasa mga bisig niya si Yvon na wala ng buhay.

"Yvon!" sigaw ni Cassandra at lumapit agad sa kanyang pinsan. Kasama niya ang kapatid ni Yvon.

Lumuhod ang dalawa sa tapat ni Yvon na hawak ni Ashton.

"No, no," patuloy na humahugol si Kaye, hindi makapaniwala sa nangyari.

"No Yvon. Please baby don't go," yumuko ang binata, idinikit ang noo sa sa noo ng dalaga.

Patak ng luha ang bumagsak sa pisngi ni Yvon galing kay Ashton. Hindi napigilan ni Ashton ang luhang dulot ng sakit at galit.

Sa unang pagkakataon nakita ng lahat kung papaano umiyak ang walang emosyon na Ashton. Ipinikit niya ang mga mata niya. "I love you Yvon."

Sa pag-angat niya ng kanyang ulo ay isang nakakabinging sigaw ang lumabas galing sa bibig niya, puno ng galit. Naging pula ang kanyang mata. Nagtitilian ang iba dahil sa malaking apoy ang kumalat sa buong paligid.

"Stop the Princeps Ignis!"

"Sinusunog niya ang buong forest!"

Gamit ang elemento ni Airos sinubukan niyang pigilan ang apoy, pero baliwala dahil mas lumakas pa lalo ang apoy.

Lahat ng studyante ay nagsiliparan palayo sa Elemental forest. Ang mga hari at reyna ay lalapit sana sa pwesto ni Ashton ngunit isang mataas na apoy ang humarang sa kanila. Natatanging sa pwesto na lang ni Ashton ang walang apoy, ang buong paligid ay nasusunog na.

"No one can stop him," sinabi ni Airos na nakalutang sa ere. "Only one person can, but that person is gone," tumingin siya sa walang buhay na si Yvon.

"We should stop him before he burn to hell the whole AMC," Mizu said na pinalilibutan ang katawan ng yelo.

Wala ng makapagpatigil kay Ashton dahil tuluyan ng sumara ang isipan nito.

"Ilayo muna natin ang dalawa dahil masusunog sila kapag nagtagal pa sila dyan," tinutukoy ni Axelle ay sila Cassandra at Kaye na binabaliwala ang init sa paligid dahil sa pagkawala ni Yvon.

Tumango si Airos at binuhat si Kaye palipad palayo sa Elemental forest. Nang una ay ayaw pa nito pumayag pero wala siyang nagawa ng bitbitin na siya ni Airos. Si Axelle naman ay pinalibutan ng buhangin ang buong katawan at gumawa ng portal para mailayo si Cassandra.

Gustong lapitan ni Mizu si Yvon pero pinigilan siya ng ama ni Ashton. Si King Shun.

"Ako na ang bahala," sinabi niya sa pamangkin.

Nilapitan niya ang anak niya, baliwala lang ang apoy sa kanya.

"Ash," lumuhod siya sa harapan ni Ashton.

"There's still a chance remember?" dahil sa sinabi niyang yon ay nakuha niya agad ang atensyon ng kanyang anak. "You told me that by the use of the Elemental blood, she can be bring back to life."

Humina na ang kaninang malakas na apoy.

"But she doesn't have her heart anymore," nanatiling pula ang mga mata ni Ashton.

Academy Magica ColorisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon