Yvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan.
Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mabigat na responsibilidad, bilang Yvon Hisako San Agustin at Gem-Prinzessin de Mafia, dahil iyon na ang kinagisnan niya. Ngunit papaano niya m...
Isang matinding kirot na naman ang naramdaman ko ng may marinig na panibagong boses ng lalaki.
"Pakiusap Eve 'wag mo ng ituloy."
"Kailangan Fierce, alam mong ito na lang ang pag-asa para mailigtas ang buong Magica Mundi."
"Paano kung mapahamak ka? Hindi basta basta ang spell na gagawin mo."
"Anong gusto mong gawin ko? Manatili dito at hayaan kong mangyari ang nakasaad sa sa propesiya?"
"Ako na lang ang titigil para hindi mo na isugal ang buhay mo."
"Wala kang magagawa Fierce at isa pa wala na ang kapangyarihan mo simula ng ipinasa niyo sa Magicis Lapis, ang apat na pinaka malakas na elemento!"
"Babawiin ko, kung iyon lang ang makakapagpatigil sa pinaplano mo."
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Kahit ibalik niyo pa ang apat na kapangyarihan, kahit magsama-sama pa kayong pitongmakapangyarihang Gods... kulang pa. Hinding hindi niyo matatalo si Katarina. Hindi hindi niyo matatapatan ang gagawin niya, gaya ng nakasaad sa propesiya."
"Pero---"
"Umalis ka na Fierce, dadating na si Hiromi. Uumpisahan na namin ang plano."
"Yvon?" nagising ako ng narinig ang boses ni Cass.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bumangon ako. "Bakit nandito ako?" nakahiga ako sa sofa.
Ang huli kong naaalala... shit. Ang sakit parin ng ulo ko.
"Pagdating namin dito kaninang madaling araw nakahiga ka sa sahig. Ginising ka namin pero hindi ka naman magising. Kaya binuhat ka namin para sana ipasok ka sa kwarto mo pero naulit na naman yung nangyari kapag hinahawakan ka namin," napayuko si Cass.
I'm cursed. Damn it.
"Kaya hanggang sofa ka lang namin nadala," dugtong ni Kaye.
"Thanks," I said. Bumangon ako saka sumandal ng maayos sa sofa.
Napahilot ako sa sintido ko. Palagi na lang sumasakit ang ulo ko.
"Ano ba talagang nangyari, Yvon?" umupo si Cass sa katapat kong sofa.
"Pumunta ako sa Elemental mountain pagkatapos mangyari nung kaninang madaling araw. Sinabi saakin ni Lolo Alejandro na dahil sa makapangyarihang elemento na nasa loob ng katawan ko kaya nahihigop ko ang magical energy sa katawan niyo. Sa mga White blood wizard kapag naubos ang Elemental energy nila mamatay sila, pero dahil hindi naman sila pwedeng mamatay makakatulog lang sila at hindi magigising hanggang sa hindi pa nagkakaroon muli ng Elemental energy ang kanilang katawan. "