Prologue

3.7K 65 2
                                    

"babe naman eh. Wag ka ngang magulo dyan." Diring diri akong tumingin sa best friend kong si Krys na ngayon ay nakikipag lampungan sa boyfriend niyang si Xander.


"Ano ba yan! Dito pa talaga niyo naisipang mag lampungan ano? Sa harapan ko pa talaga?" Naiinis na sabi ko sakanila. Tumawa naman si Krys.


"Hay nako Bek. Bakit kasi hindi ka pa humahanap ng lovelife mo para naman hindi ka ma-out of place samin ni Xan." Umirap nalang ako sakanya.


Ako si Nikka Nuevo. 19 years old and NBSB pero syempre nung nag pasabog ng kalandian ang Diyos, hindi naman ako natutulog. Siguro napadaan lang ako kaya natalsikan ako ng kaunti. But I'm telling you, sobrang kaunti lang ang tumalsik saakin. Kaya hanggang ngayon wala pa akong boyfriend. I also have this phobia na sinasabi nila na sa tingin ko naman ay hindi legit. Philophobia kung tawagin.


Philophobia is a fear of being in love or falling in love. Sabi nila I'm suffering this kind of phobia daw kaya hindi parin ako nagkakaron ng boyfriend hanggang ngayon. Pero siguro nga. Ewan ko, hindi ko rin alam sa sarili ko.


"Kyaaahh~~~ OMG OMG NANDYAN NA SILAAA~~~" Napatakip ako ng tenga dahil narinig ko nanaman ang nakakarinding sigawan ng mga fangirls ng fearless Princes. Sila ang mga feeling pogi na sikat na silat sa campus dahil sa talents nilang sumayaw, mag gitara, mag drums, kumanta at kung ano ano pa.


"Hay nako nandyan nanaman sila." Walang ganang sabi ni Krys.


Si Krys Mariano naman ang best friend ko. Ayaw niya din sa fearless Princes dahil pakitang tao sila. Paano nga ba namin nalaman?


Way back high school days, tahimik na tahimik kaming kumakain ni Krys sa canteen nang biglang may grupo ng lalaki ang nag tapon ng food namin. Bwisit na bwisit kami ni Krys nung araw na yun at nang mag college kami ay dumoble ang inis namin nang malaman naming dito sila mag aaral.


Gusto na sana naming umalis kaso sayang ang nakuha naming scholarship ni Krys dito sa Shinlee University na pag mamay ari ng pamilyang Shin at pamilyang Lee. Isa ito sa pinaka malaking school sa buong mundo kaya naman tinake na namin ang chance para makapasok dito.


Kaso kasabay naman ng pagka swerte namin sa eskwelahan ay ang pagkamalas namin sa mga estudyanteng nakakasalamuha namin sa araw araw. Parang pag tumitingin sila saamin ay diring diri na hindi mo maintindihan.


"Ehem. Matunaw naman ako sa mga tingin mo Nikka." Bumalik ako sa sarili ko nang magsalita ng kahanginan si Jay.


"Hay nako Jay, umasa ka nalang na tititigan kita. At sana nga, matunaw ka na nang mawala na ang bwiset sa mundo kaso syempre imposible naman yun kasi hindi naman natutunaw ang hangin." Mataray na sagot ko sakanya at nagpatuloy nalang sa pag kain ng lunch ko.


Alam ko namang ginugulo lang kami nitong si Jay para mas lalo kaming hindi patahimikin ng mga fangirls niya. Ganun naman kadalasang nangyayari diba? At syempre nagtatagumpay siya sa evil plans niya kaya eto kami ngayon ni Krys.


"Kung hangin ako, ibig sabihin ba non. Hindi ka mabubuhay nang wala ako?" Lumapit pa siya lalo saakin. Kaya naman tumingin ako sakanyang nakataas ang kilay at diring diri sa pag mumukha niyang halatang niretoke ng ilang beses at sa ilong niyang pinagitnaan ng dalawang bakal para tumangos.


"Hoy Jay. Para sabihin ko sayo. Polluted air ka kamo! Kaya mas pipiliin kong mamatay nalang kaysa langhapin kang unggoy ka na walang ginawa kundi gawing miserable tong buhay ko. Pwede ba? Lumayas layas ka sa harapan ko kung ayaw mong ituktok ko yung 3 inches heels ni Amanda dyan sa ulo mong walang wala si Jimmy Neutron sa sobrang laki!" Napatingin naman saamin si Amanda at masamang tinarayan ako. Ay sorry na, wala akong maisip na pangalan eh.


"Woooohh! Vote Nikka for president oh! Sinong pabor?" Pag bibiro ng tropa niyang si Karl kaya agad agad itong tinignan ni Jay. Bumalik ang tingin ni Jay saakin pero sobrang sama na ng tingin niya, yung tipong parang kakain na siya ng buhay.


"Hoy Jay! Ikaw nakakahalata na ako sayo ha. Bakit hindi nalang kaya si Amanda ang pansinin mo para naman magkaron ng silbi yung pag lalagay niya ng isang kilong make up araw araw, ano? Siguro may gusto ka kay Nikka." Sabi naman ni Krys kaya nalipat sakanya ang atensyon ni Jay. Muli nanamang tumingin si Amanda sa direksyon namin. Natawa tuloy ako ng mahina.


"Over my dead body." Yun lang ang nasabi ni Jay at Umalis na. May pahabol pa si Krys bago siya tuluyang makalabas ng cafeteria.


"BAKLA KA! LUL!" Natawa naman ako sa sinabi ni Krys. Teka, nasan na si Xander?


"Boyfriend mo?" Tanong ko sakanya.


"Nagpaalam, naihi siya sa eksena niyo kanina eh." Nagtawanan naman kaming dalawa at nag patuloy sa pag kain nang biglang may tumabi saakin. Napatingin naman ako sakanya at laking gulat ko nang si Amanda ito.


"Oh bakit? Nagulat ka no? Ang ganda ko ba?" Confident na tanong niya saakin.


"Hindi, nagulat ako. Akala ko manananggal." Tinarayan ko siya at inubos na yung carbonara na kanina ko pa hindi maubos ubos dahil ang daming umeeksena.


"Alam mo ikaw Nikka, bwiset ka eh. Tigil tigilan mo yan kung ayaw mong lumayas sa school na to." Uminom muna ako ng orange juice bago ako tumingin ulit sakanya. Tapos na ding kumain si Krys.


"Bakit Amanda? Anong gagawin mo? Kakausapin mo ang Principal? Go! Gawin mo. Okaya naman, para hindi ka masyadong mapahiya, isama mo na yung alipores mo at sabay sabay niyong landiin ang Principal para magawa niyo ang gusto niyo. Tulad nang ginawa niyo sa prof natin sa science. Nilandi niyo para pumasa kayo. Gulat ka? Oo alam ko lahat ng ginawa niyong yun Amanda. Kaya ikaw ang tumigil kung ayaw mong ipakain ko sayo ang mabahong sapatos ni Jay." Yun lang at tumayo na ako at umalis. Hinila ko na din si Krys. Hindi na bumalik si Xander pero wala akong pakielam. Kailangan ko nang lumayas dito sa cafeteria.


**


"Woooh Bek! Intense." Sabi ni Krys nang makarating kami sa classroom namin. Lahat ng subject ay magkaklase kami ni Krys dahil pinili talaga namin ang schedule na yun.


"Oo nga Bek eh. Syempre hindi naman ako makakapayag na ganun ganunin lang tayo no!" Sabi ko kay Krys. Pero hindi pa naman dito nag tatapos ang kahirapan namin sa buhay. Kung tutuusin, nagsisimula palang ang adventure namin ni Krys.


~~


A/n: Dedicated to MissTVXQ <3 Love na love kita ate :* <3

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon