Chapter 32
You and I
Krys' Point Of View
Mag isa ako ngayon sa library. Doon ako sa dulong part nag mukmok at nag basa ng twilight. Sobrang sakit ng ulo ko dahil ngayon ang unang araw ng school matapos ang sembreak. Napaka sakit sa ulo ng mga pinagawa nila kaagad saamin. Parusa.
"Krys! Bakit ka mag isa dito?" Napatingin ako sa nag salita at si Mark iyon. Tumingin ako sa paligid kung may kasama ba siya. Madalas niya na kasing kasama si Rachel at hindi ako okay doon. Ex niya ang kaibigan ko tapos lalandi siya kasama ang iba? No! A big NO!
"Nasaan na iyong buntot mo?" Irita kong tanong sakanya. Alam kong may possibility na masaktan siya sa sinabi ko. Sino bang hindi masasaktan kung ganon ang sabihin sa nililigawan niya hindi ba? Hindi naman ako bitter pero masasabi kong hipon talaga yung babae.
"Wala namang kasalanan si Rachel, Krys. Ako talaga iyon. Ginamit ko siya para maka move on pero hanggang ngayon hindi parin talaga ako maka move on. Ang hirap pala pag tinago mo lang ito sa sarili mo, ano? Ang hirap itago kasi kusang lumalabas ang feelings mo." Tumingin ako sakanya at binatukan ko siya.
"Napaka korny mo! Ang bakla mo tuloy pakinggan." Kinamot niya naman ang bandang binatukan ko. Hindi ko na ulit siya kinausap at nag focus nalang ako sa binabasa ko pero nag salita nanaman siya kaya hindi ko nanaman maibaling ang isip ko sa libro.
"Paano ko ba liligawan ulit si Anne?" Tinignan ko ulit siya at buryong buryo akong nakinig sa mga tanong niya.
"Gagawin ko ulit kaya yung effort ko dati? O baka mas maganda kung iba naman? Ano sa tingin mo Krys?" Bumuntong hininga ako at sinarado ang libro ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako pero hindi ko talaga gusto ang idea na si Mark eh busy na busy sa pag iisip kung paano niya babalikan si Anne samantalang si Xande..-- Nevermind.
"Gawin mo kung anong sinasabi ng puso mo Mark." Yun lang ang sinabi ko. Hindi naman siya nakuntento doon.
"Sinasabi ng puso ko na balikan ko siya pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula Krys. Napakahirap. Ang hirap ibalik lahat ng ibinigay ko sakanya noon. Ang hirap ibalik ng tiwala niya saakin pero alam mo Krys? Para sakanya, kung para sakanya lang. Gagawin ko. Handa akong magsakripisyo para sakanya. Bumalik lang siya saakin." Hindi nakawala sa paningin ko ang mga luhang gustong tumakas sa mata ni Mark. Umiwas ako ng tingin.
"Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tamang gawin Mark. Kung ano sa tingin mo ang magpapaligaya sainyong dalawa. Sige na, aalis na ako." Iniwan ko na si Mark doon. Hinayaan ko siyang mamroblema. Naalala ko nung isang araw lang. Inamin ni Xander na mahal niya parin ako pero bakit hindi na siya nag paramdam after nun?
Naiinis ako sa sarili ko kasi naiinggit ako. Naiinggit ako kay Anne kasi effort na effort sakanya si Mark. Nakakainis kasi hindi yun ginagawa ni Xander saakin. Nakakainis kasi hindi niya kayang panindigan ang sinabi niya!
"Aray! Teka! Saan mo ako dadalhin?! Sino ka?! Tulong!!!!" And after that, wala na akong naalala.
Nagising ako sa isang kwarto. Saan ito? Anong lugar ito? Walang tali ang mga kamay o miski ang mga paa ko kaya malaya akong nakatayo. Tinignan ko ang labas at nakita kong nasa tabi ako ng dagat. Bakit ako nandito? Mabuti nalang at last subject ko na iyon kanina kung hindi ay isusumpa ko ang nag dala saakin rito.
"Ano bang lugar ito?! Punyemas naman oh!" Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang mga flower petals na nakakalat mula sa kinatatayuan ko hanggang sa baba ng hagdan. Sinundan ko ito. Pag tingala ko ay nakita ko ang mga nakalawit na pictures ko. Mga stolen, mga wacky. WALANG MATINO! NASAAN ANG HUSTISYA?!
Bago ako makalabas ng bahay ay may salamin akong nadaanan. Nakita kong nakasuot ako ng dress, naka kulot ang laylayan ng buhok ko at may make up din ako. Pinaghandaan talaga siya. Lumabas ako ng bahay at may mga flower petals nanaman doon. Sinundan ko iyon hanggang sa table na may dalawang silya. May isang life size teddy bear na nakaupo doon sa isang upuan at may isa namang para saakin yata.
Biglang lumiwanag ang langit kaya napatingala ako doon. May fireworks. Nakafocus lang ako doon. Nakakatuwa dahil nag spell iyon ng pangalan ko. Nang matapos ang fireworks ay bumaba ang tingin ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya doon.
"Hello?" Nahihiya niyang tanong. Gusto kong maiyak dahil sa nakikita ko ngayong gabi. It's him wearing a long sleeves that fits my dress tonight. May hawak siyang flowers and behind him are my friends and his.
"What the heck! Took you long to realize that I'm just waiting for you to make a move huh?!" Sinugod ko na siya ng yakap kaya nabitawan niya ang flowers at binuhat ako. I cried in his arms like a baby.
"Hush now, wag ka nang umiyak. Dalawang araw kong pinag handaan ito kaya hindi ako nakakaparamdam sayo. Sorry na. I really trapped you using Mark, that's why." Napatingin naman ako kay Mark and he winked at me.
Kung ganon, ibig sabihin ay hindi totoo ang mga tanong niya saakin? Isang palabas lang iyon? Too bad, I feel sorry for Anne but then, sana ay hindi. Sana alam niya kung paano niya papanindigan si Anne at ang feelings niya rito. Sana hindi niya isawalang bahala lang ang lahat.
"I hate so much I love you." I said without breaking the hug. I heard him giggle and hugged me tighter.
"I love you so much, Krys. I can't imagine my life without you." Bumitaw na ako sa yakap at tinignan siya.
"So?" I asked.
"Girlfriend na ulit kita?" Tumango naman ako. Mag papabebe pa ba ako? Eh ito na eh. Minsan sa buhay kung alam mong nandyan na, grab it na. Imbis na mag pa-bebe pa. Go na! Kung alam mo namang ikakasaya mo iyon bakit mo pa ipag kakait sa sarili mo hindi ba?
"Ang dami niyong chika! Magkakabalikan rin naman pala kayo!" Ramdam ko nang hindi kayang pigilan ni Nikka ang bunganga niya kaya ayan, nag salita na. Napailing nalang ako.
"Oh siya sige na iiwan na namin kayo. Akin na tong bear at ilalagay ko na doon sa bahay." Sabi ni Joshua at kinuha ang bear. Pumasok na sila sa loob ng bahay kaya naiwan kami ni Xander doon.
Life isn't complicated. People are the one who's complicating life. Kung may namimiss ka, bakit hindi mo tawagan? Kung gusto mo makipag kita, bakit hindi ka mag imbita? Kung gusto mong maintindihan ka, bakit hindi ka mag explain? Kung may mga tanong ka, bakit hindi mo tanungin? Kung may mga ayaw ka, bakit hindi mo sabihin? Kung may mga gusto ka, bakit hindi mo ipahayag? Kung may kailangan ka, bakit hindi mo hingin? Kung may mahal ka, bakit hindi mo sabihin sakanila? Wag mo nang patagalin pa.
Wag mo nang mas pa-komplikahin pa ang buhay mo. In the end, ikaw lang din ang masasaktan at mag s-suffer sa ginawa mo. In the end, ikaw lang din ang kawawa.
Hindi mo kasi binigyan ng freedom ang puso mo sa mga bagay na dapat ay simple lang naman talaga.
~~
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.