Nikka's Pov
Ilang linggo na din ang lumipas nanf magsimula ang klase at magbalik ang magpinsang Shin. Medyo nasasanay na ako sa presensya ni Ko..-- Dexter. Wala na ring ginagawang kabaliwan sila Jay saamin. I wonder why pero mas mabuti iyon para hindi na ako umuwi araw araw nang may sakit sa katawan. Naisipan ni Grail na itigil muna namin ang namamagitan saming dalawa. Bakit? Kasi alam niyang hindi parin nakakalimot ang puso't isip ko sa mga nangyari noon. Handa daw siyang i-suko ang friendship namin pero sabi niya ay ayaw niya naman na mawawala iyom dahil lang sa misunderstanding.
"Nikks, okay ka lang ba? Pansin ko these past few days parang palagi kang tulala." Kasama ko ngayon si Kate. It's been weeks and I admit n marami na rin ang nagbago. I don't know why.
Nagtilian ang paligid. Mag tataka pa ba kayo kung bakit? Kasabay nang pagdami ng tao sa entrace ng cafeteria ay ang pagdating ng tropa. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng FP na kung nasan kami ay nandun din sila o baka naman sadyang coincidence lang ang lahat?
"Baby!" Sigaw ni Amanda sa hindi kalayuan. Sa mga nagdaang linggo ay madalas kong nakikita ang pagdikit ni Dexter kay Amanda. Siguro ay nagkabalikan na sila. Naging sila nga ba noon? Ewan. Hindi ko na inungkat ang tungkol doon pero simula nang matahimik ang buhay namin ay hindi na din kami ginulo ni Amanda.
"Talaga bang ganyan sila kasikat para pagkaguluhan?" Tanong ni Claire. Minsan lang siya sumasama saamin pero tinanggap na din namin siya bilang parte ng tropa. Why not? Nangyari na ang nangyari. Dapat nang kalimutan iyon kasi kung hindi, ikaw lang din mag s-suffer sa own nightmare mo.
"Nakakawalang gana kumain. Sa araw araw na ginawa ng Diyos. Hindi ba sila napapagod sa kakasunod? What I mean is, ito na ang nagiging daily routine ng buhay natin. Wala nang bago." Iritang sabi ni Doreena. Alam ko kung bakit siya ganyan ka-apektado. Last week kasi ay nag tapat na sakanya ng feelings si Karl ang kaso lang ay nung isang isang linggo ay nagtapat si Joshua sakanya. Pareho siyang nililigiwan ng mga ito at sobrang frustrated niya dahil doon.
"Ang sabihin mo, hanggang ngayon kasi hindi mo parin alam kung sino kanila Joshua at Karl ang sasagutin mo!" Prangkang sabi ni Anne. Napatingin naman si Claire sakanya tapos kay Doreena.
"Nililigawan ka ni Josh?" Tanong nito. Iritang tumingin sakanya si Doreena pero hindi niya rin ito sinagot kaya naman si Ashley na ang sumagot para sakanya. Wala si Grail. Hindi ko alam kung bakit.
Sa ilang linggong nakalipas, ang daming nag bago. Parang isang taon na ang lumipas dahil hindi mo na mabilang lahat ng pagbabago. Pero mapapansin mo naman iyon sa araw araw. At sa araw araw na mapapansin mo ito ay may panibago nanamang mag babago na mapapansin mo sa ibang araw pa.
Minsan masayang pagbabago pero kadalasan malungkot. Katulad nalang ng madalas na pag aaway ni Krys at Xander tapos ang madalang na pag uusap ni Mark at Anne. Napapansin namin iyon kahit hindi sila nag s-share. Pero alam ko balang araw sasabihin at sasabihin nila yon.
Ang pagiging tahimik ko. Ang palaging liban ni Ricca sa mga lakad namin. Ang pagiging over frustrated ni Doreena na nagiging dahilan para mawala siya lagi sa mood. Ang pagiging busy ni Jaly at ang pagiging unbalance ni Ashley sa dalawang grupo. I know there is something wrong about everything around us.

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Ficção AdolescentePhilophobia- Fear of being in love or falling in love.