Amanda
Anne's Point of View
Nakauwi ako ng buhay sa bahay. Agad kong tinawagan ang isa sakanila. Si Doreena nalang para mas makwento niya saakin dahil alam ko namang wala siyang ginagawa.
"Oh hello?" Sagot niya sa tawag ko.
"Anong nangyari? Nakauwi na siya? Kailan pa? Dors hindi ako nakapag salita dahil kasama ko si Alex at Mark pero nabasa ni Mark yung message saakin ni Nikka. Dors hindi ko alam gagawin ko. Paano kung malaman ni Dexter na nandito na yung kaibigan natin? Paano kung magkita sila ulit? Paano kung...--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumingit siya.
"Kumalma ka Anne. Nakausap namin si Nay Gea after nung paguusap namin nila Nikka. Sabi niya, sabi daw ng doktor mas mabuting makita niya si Dexter. Kung magagalit siya rito ay hayaan siya. Mas mabuting ilalabas niya ang emosyon niya dahil yun daw ang mas makakatulong sakanya." Bumuntong hininga ako at parang relief saakin ang sinabi niya. Ngumiti ako na parang baliw sa kakaisip.
"So kailan daw magkikita kita?" Tanong ko sakanya.
"Hindi pa nga alam eh. Busy kasi tayo di'ba? Baka siya nalang daw ang bumisita saatin isa isa." Sabi niya.
"Sige. Matutulog na ako Dors. Thank you for the peace of mind though." Natawa naman siya saakin.
"Sandali lang, so anong nangyari sa malaimpyerno mong pag uwi?" Tanong niya saakin. Ngumiwi ako sa tanong niya. Kailangan talagang i-open up ang tungkol doon?
"Hay nako, hindi ko alam. Basta ang sabi niya saakin ay liligawan niya ako ulit. Ewan ko ba. Kahit na anong lamig ang ipakita ko sakanya hindi siya sumusuko kaya hinayaan ko na lang." Tumawa nanaman si Doreena dahil sa sinabi ko.
"Nag text nga si Karl sakin paguwi ko eh. He's making sure I'm home pero dahil maldita ang ate girl mo, hindi ko sinagot." Napailing iling nalang ako at ngumiti.
"Alam mo ikaw? Mas matindi ka pa sakin eh. Buti pa ako kinakausap ko pa. Ikaw wala eh. Pinapakita mo sakanya na wala na talagang pag asa. Alam mo naman si Karl diba? Hindi yun susuko kahit pa minsan pinapakita niya na sumusuko siya." Ngumisi ako sakanya kahit na alam kong hindi niya ako nakikita.
"Anne, mahirap na kasi ngayon eh. Alam mo naman na pag pinagpilitan pa natin yung ganitong bagay, mas lalo lang tayong masasaktan kaya mas mabuting wag nalang." Sabi niya pa. Matapos ang usapan namin ay nagpaalam na kami kaagad para makatulog na. Wala akong pasok bukas pero pagod na pagod ako
Maaga akong nagising dahil nga sa maaga akong natulog. Ginawa ko na ang daily routine ko. Pag baba ko ay nabigla ako sa nakita ko. Kumpleto ang boys sa sala namin. Tinignan ako ni Xela kaya naman sunod sunod na silang tumingin saakin.
"Good morning." Bati ni Xela. Tumango naman ako at dumiretso sa dining area. May pagkain doon. Kumuha na ako ng plato at agad kumain. Natigilan ako nang nalasahan ko ang pagkain na nakahain sa lamesa.
"Kung mag tatanong ka kung siya ang nag luto niyan, oo siya nga." Sabi ni Xela. Tumango nalang ako at nagkunwaring walang pakielam pero ang totoo ay namiss ko ang luto niya. Tinapos ko na ang pagkain ko kahit na gusto ko pang kumain.
"Nagri-ring ang cellphone mo kanina kaya pinuntahan kita." Sabi niya at binigay ang phone ko. Tumango naman ako. Tinignan ko ang caller at nakita kong si Nikka iyon. Hindi ko pa nas-save ang number niya kaya siguro hindi alam ni Xela na siya ang tumawag. Tinawagan ko siya at agad niya naman itong sinagot.
"Hello? Anne. Nasa may kanto na ako ng subdivision niyo! See you!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong napatayo dahil dito. Hindi pwede!
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Ficção AdolescentePhilophobia- Fear of being in love or falling in love.
![Philophobia [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/72020860-64-k688397.jpg)