Xander's Point Of View
The moment na umalis kami sa grupo nila Jay, nagsimula na din magulo ang buhay nila Nikka. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasalanan namin lahat ng yon. Si Mark ang unang umalis sa grupo dahil minahal niya si Anne nang walang kadoubt doubt. Nung una aaminin kong nainis ako kay Mark pero nung nakilala ko si Krys, naintindihan ko siya. Umalis din ako sa grupo nun kasi galit si Krys sakanila at ayokong maging dahilan iyon ng pag aaway namin.
Pero hindi ko naman alam na dahil pala sa naging desisyon namin ay magiging ganun kasama sila Jay sa tropa nila Krys. Syempre masakit para sa side ko..-- Namin. Unang una, naging kaibigan ko din sila Jay pero mahal ko si Krys kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Kanina ka pa nandito pero yung utak mo wala dito. Nasaan ba? Iniwan mo ba sa gym?" Bumalik ako sa wisyo ko nang marinig ko ang boses ni Krys. Ngumiti ako sakanya.
"Sorry, pagod lang ako." I lied. Alam kong ayaw niyang nagsisinungaling ako pero paano ko sasabihin sakanya ang isang bagay na alam kong ikakagalit niya at baka ihantong pa namin sa pag aaway?
"I understand." Nanonood kami ng movie ngayon. Tapos na kasi namin ayusin lahat ng requirements namin at ipapasa nalang namin ito bukas para tapos na ang clearance namin at pwede na kaming magpa-petiks petiks. Ayoko kasi nung nag hahabol sa oras masyadong Stress.
"Kamusta pala ang practice niyo para sa finals guys? Dapat ipanalo niyo yun ha?" Sabi ni Mama Gea. Nag agree naman yung girls.
"Oo naman Mama Gea. Para sainyo." Natatawang sagot ni Mark. Sure win naman yun eh. Hindi sa mayabang pero sigurado akong hindi papayag sila Jay na hindi namin mai-uwi ang trophy.
"Manonood ako ha? Kaya galingan niyo." Napaka supportive talaga ni Mama Gea saaming lahat. Kahit na hindi namin ito tunay na ina, parang hindi mo mararamdaman na nanay nanayan lang namin siya. Madalas kasi pag may problema sa school. Kunyari napapa-away kami ni Mark dahil sa mga ginagawa nila Jay. Pinapatawag ang parents namin pero si Mama Gea ang pumupunta dahil ayaw niya daw mapagalitan kami nila mommy kahit na deserve naman namin na mapagalitan.
Isang sikat na author si Mama Gea nung mga nasa 20's pa siya. Marami na din siyang mga storyang nalikha na talagang inabangan ng marami. Idol na idol ko siya at nung nalaman kong nanay pala siya ni Nikka, sobrang saya ko kasi finally makikita ko na siya in person.
"Punta ka sa practice namin Babs." Sabi ni Mark kay Anne. Babs means Baboy.
"Aba. Himala yata yan Mark ha? Dati rati parang ayaw mong pinapapunta si Anne sa mga practice mo. Anong nangyari? Nag bago na ba ang ihip ng hangin?" Pang aasar ni Nikka. Natawa naman ako dun. Inamin naman ni Mark yun dahil pag nandun daw si Anne ay kinakabahan siya kaya nawawala ang focus niya sa game.
"Hindi naman pwedeng si Anne lang nandun sa practice. Dapat kami din." Sabi ni Jaly. Um-agree naman si Krys, Nikka, Ricca at Doreena. Syempre pumayag na kami at nag patuloy nalang sa pag nood ng movie.
**
Days past. Maaga akong pumasok dahil sabi ni coach, kailangan naming isagad ang mga katawan namin dahil last day na ng practice at bukas na ang laban. Ganito talaga si Coach pag kinabukasan na ang laban, talagang kailangan ng matindihang practice.
![](https://img.wattpad.com/cover/72020860-288-k688397.jpg)
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Fiksi RemajaPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.