Chapter 29
Forget the Past
Jay's Point Of View
Nasa tambayan kami. Hanggang ngayon hindi parin matino kausap ang dalawa. Masyado silang na-apektuhan sa break up thing. Medyo nag-guilty ako kasi alam ko at some part ay may kasalanan ako pero mostly kong sinisising talaga ay si Amanda.
"Oy! Tama na nga yan!" Saway ni Dexter kay Xander na nakakatatlong lagok na ng alak. Limang minuto palang pero tatlo na kagad na bote ang naubos niya.
"Akin na yan!" Sigaw ni Xander at sinusubukang agawin ang alak sa kamay ni Dexter.
"Tumigil ka Xander! Pag ba ginawa mo yan mababalik sayo si Krys?!" Inis na sigaw ni Mikhail dito dahil concern parin naman siya kahit na napaka gago nito. Wala si Karl, hindi ko alam kung nasaan siya pero nag paalam na hahanapin daw si Doreena.
"Hindi! Kaya nga gusto ko nang tapusin ang buhay ko di'ba?! KASI HINDI NA SIYA BABALIK! Hindi na nga babalik si Krys saakin, hindi mo pa babalik yang bote ko? Palagi niyo nalang akong iniiwan!" Binatukan ko nga. Napaka-corny eh.
Tumayo si Mark kaya napatingin kami sakanya.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong ko. Tumingin naman siya saakin.
"Susunduin ko lang si Rachelle. Sabay kaming mag l-lunch." Tumango naman ako at napatingin kay Dexter. Hindi ko alam kung seryoso ba si Mark kay Rachelle pero sana naman. Kaso nag d-doubt ako na seryoso siya rito dahil mahal na mahal ni Mark si Anne.
"Sana lang hindi ginagamit ni Mark si Rachelle para maka move on sa pinsan ko." Sabi ni Alex. Binaling ko nalang ang atensyon ko kay Xander. Kasalanan ko ba ito?
**
Napag desisyunan kong maging mag isa nalang. Ayoko munang makasama ang mga tropa ko dahil naguguluhan ako kung kasalanan ko ba o hindi ang nangyayari sakanila.
"Oh bakit mag isa ka?" Biglang sumulpot si Claire sa tabi ko. Saan ba galing ang babaeng ito? Parang kabute.
"Hindi ako makahinga pag kasama ko tropa ko." Pag amin ko sakanya. Mukha pa siyang nagulat dahil nag sabi ako sa unang pag kakataon.
"Bakit naman?" Tanong niya pa. Ngumiti ako ng konti pero binawi ko rin iyon kaagad.
"Sabihin mo nga Claire, kasalanan ko ba iyon? Kasalanan ko ba kung bakit nagkakaganito sila Xander at Mark? Sabihin mo nga saakin Claire. Gago ba ako?" Nag babadya ang mga luha saaking mata pero hindi ko sila pinapayagang pumuslit dito. Hindi pwede.
"Yep. You are." Cool na sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero binawi ko rin iyon. Hindi naman masama kung aminin niyang gago ako eh.
"Masyado ka namang direct to the point." Sabi ko sakanya. Tumawa naman siya kaya napatitig ako sakanya. Maganda naman pala si Claire pag inayos ang sarili niya but don't get me wrong, hindi ko siya gusto.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.