XXII

484 15 11
                                        

Nikka's Pov


"And the winner is.. FEARLESS STARS!!!!!" Once again, nagyakapan nanaman kami ng grupo. Today is our competition sa International competition ng acapella. We made it this far. Natutuwa ang dean saamin dahil nagawa namin ito. We made it to the international and now we gave an honor to the school.


"WE MADE IT!!!" Sigaw namin. Naiyak ang ilan sa tagumpay na nakamit namin. Nandito kami ngayon sa Staples center Los Angeles. Hindi ko akalain na makakarating kami dito. We never imagine that we'll get this far.


Nag simula sa first time hanggang sa makarating dito. And I'm so thankful to Anne and Karl na talagang nag exchange ideas at dahil pareho silang magaling, pinag co-combine nila ang naiisip nila and it will end up sa isang magandang performance.


"This cause a celebration!" Sabi ng dean namin. Kasami namin siya at ilan sa mga profs. Syempre dahil afford nila Alex ang pamasahe dito ay nilibre na nila ito.


"Congratulations. You all deserve it." Sabi ni Anna Kendrick na nakalaban namin. Ang buong pitch perfect team ay nakalaban namin sila ang nag 2nd place. Nung una nga ay hopeless case na kami dahil syempre, pitch perfect? Jusko! Hindi basta bastang natatalo yan.


"Thank you so much." Nakipag chit-chat na sila hanggang sa biglang nag offer ng groupfie si Rebel Wilson. Gosh! Dati napapanood ko lang sila sa DVDs tapos ngayon kaharap ko na sila.


The crowd were shouting our group name may ilan pa ang nagpapapicture talaga. Nag paalam na sila Brittany Snow na mauuna na daw sila. Wala na kaming sinabi dahil maraming fans ang nag aabang para sa pictures at autographs galing saamin. May iilang reporters din na todo ang tanong. Nakakahilo.


**


Nandito na kami sa bahay nila Alex dito sa LA. Dito na kami nag stay mula nung nakarating kami dito before ng competition. Pagod na pagod akong napaupo sa sofa.


"It's a very tiring day." Sabi ni Anne. Tumingin ako sakanya.


"Jusko naman Anne! Dumudugo na ang ilong ko sa kakaingles don sa staples center kanina. Please wag mo nang dalhin yung ingles dito sa bahay." Natawa naman siya sa sinabi ko at nag peace sign pa. Umiling iling nalang ako.


"Pupunta pa tayo sa victory party ni Dean." Paalala naman ni Dexter kaya mas lalong bumagsak ang balikat ko. I'm so tired, parang hindi ko na kakayanin pang lumakad.


"Ang echos naman kasi ni Dean. Akala mo talaga eh." Iritang sabi ni Doreena. Ilang buwan na ang lumipas, biruin mo. Nakarating na kami sa ganito. Sa bawat panalo namin ay hindi ko talaga inaasahan. Parang wala sa dictionary ko ang maging confident.


"Chill baby." Malambing na sabi ni Joshua. Umirap naman si Doreena dito. Hindi ko na alam kung ano nang status nilang dalawa. Wala namang label ang relasyon nila pero nararamdaman ko naman na gusto din ni Doreena si Joshua although same lang naman ang pinapakita ni Karl at Josh. Ay ewan, basta kung ano ang maging desisyon niya ay susuportahan ko siya.


Wala na kaming nagawa kundi mag ayos ng mga sarili namin para sa victory party ni Dean. Masyado siyang masaya dahil nakuha namin ang title ng Acapella champion. Hindi siya nag kamali sa pag pili saamin.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon