XXXIV

385 8 1
                                        

Chapter 34


Nikka's Point Of View


Everything went well. Almost. Maayos na si Krys and Xander, Mark and Anne. Masaya naman ako sa pangyayari. Masaya ako na okay na sila at hinayaan nilang bigyan ang isa't isa ng second chances but a part of me is scared. Scared that they will get hurt again. Sa mundo natin, hindi natin alam kung masasaktan ba tayo o magiging masaya, we just all know that we let ourselves decide immediately for our own.


"Tulala ka? Bakit?" Tanong ni Dexter saakin. Nilingon ko siya. His eyebrows met each other na para bang isa nalang iyon ngayon. I smiled at him at binalik nalang ang tingin ko sa view sa labas. Nasa room kami at walang balak lumabas kahit na free time.


"Iniisip ko lang, paano pag nasaktan nanaman ang mga kaibigan ko? Hindi naman sa wala akong tiwala pero kung nagawa nila ng una, magagawa ulit nila iyon." Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Noon naman ay ako yung gustong gusto magkaayos sila tapos ngayon ay ako pa yung may problema.


"You can't have a rainbow without rain, Nikka. Malay mo challenges lang ang lahat ng iyon para sakanila. Hindi ba? Minsan kasi hindi natin napapansin na sa daan na tinatahak natin, mahihirapan tayo pero ayun ang tamang daan." Bumuntong hininga ako dahil may point naman siya. Mula sa kinauupuan ko, nakita ko sila Mark at Anne na magkasama at sweet sa isa't isa.


"Ang cute nila, ano? Ano kayang plano ni Anne para sa nalalapit na kaarawan ni Mark?" Natatawa kong tanong. Hindi naman kalayuan sakanila si Jaly at si Calen. Sinusubuan ni Jaly si Calen ng burger. Nakikita ko na yata ang mga langgam na unti unti silang sinasakop.


"Yes, tignan mo doon sa bandang iyon. Si Doreena at Karl naman. Sino ba namang mag iisip na yang dalawang iyan pa ang magkakatuluyan after ng lahat." Muli nanaman akong natawa sa sinabi niya. Totoo naman. Siguro nga ay talagang the more you hate, the more you love. Kung kasalanan lang talaga ang mag mahal. Handa siguro ang mga ito na maging makasalanan.


Ang daming taong nasasaktan, sumusubok sa tadhana at kung ano ano pa. May mga nag kasala. May mga tao namang pinag sisihan na ang mga kasalanan nila. Si Alex, ang pag tago niya sa katotohanan ay pinag sisihan niya. Si Mark, Xander at Jay. Halos lahat sila. At si Dexter..


"Dexter, gaano mo pinag sisisihan ang ginawa mo saakin noon?" Halos mabasag ang boses ko nang itanong ko iyon sakanya. Sa tuwing naalala ko talaga ang pinag samahan namin noon, naiiyak ako. 


"Pinag sisisihan ko na iyon ng sobra sobra Nikka. Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatunayan ko sayong nag sisisi na ako?" Hinarap ko siya kasabay ang pagpatak ng luha ko. Ngumiti ako sakanya.


"Handa akong bigyan ka ng chance para mapatunayan saakin yon Dexter. Handa ka bang gawin ang lahat para makombinsi ako?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Dahan dahan siyang tumango. Pinaalis ko ang mga luha sa pisngi ko at ngumiti sakanya.


"Kung ganon, simulan mo nang patunayan saakin iyan Dexter." Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko na para bang hindi niya iyon nakuha.


"Sinasagot mo na ako?" Tanong niya. Umiwas ako at tumango sakanya. Ramdam ko ang pag singhap ng napakaraming tao sa hindi kalayuan kaya napatingin ako sa may pintuan. Nakita ko sila Ricca doon na hinihintay na mapansin ko sila. Nang mapansin ko na sila ay pumasok na sila sa classroom.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon