Chapter 31
Different
Nikka's Point Of View
Nakatingin kami ngayon kay Jaly na ngiting ngiti habang may ka-text sa kanyang cellphone. Noong nakaraan lamang ay nag ka-ayos ayos rin kami ng tropa. Si Anne at Mark ay magkaibigan na ngayon gayun din si Krys at Xander. Mabuti na nga lang at naging mag kaibigan parin ang apat matapos ang nangyari.
"Hoy naman babaita, sino ba yan?" Tanong ni Krys at binatukan ang nag d-day dream na si Jaly. At dahil sembreak namin ngayon ay nandito kami sa bahay nila Anne at mag o-overnight kami dito. Ngayon nalang ulit kami nakapag overnight nang magkakasama.
Mukhang wala namang planong sagutin ni Jaly ang tanong ni Krys kaya hindi na ulit niya ito kinulit. Dumaan si Alex sa harap namin nang makauwi siya. Tumingin pa muna siya saamin pero nag diretso din kaagad. Napailing nalang ako.
"Kailan ba ang uwi ng tita mo?" Tanong ko kay Anne. Mukha kasing hindi parin sanay si Alex na halos araw araw kaming nakikita dito. Hindi naman kasi ganito dati dahil hindi naman alam ni Alex na alam namin ang tungkol sa pagiging mag pinsan nila ni Anne.
"Hindi ko nga din alam eh. Surprise daw sabi ni Tita para hindi alam ni Alex. Pinipilit ko ngang kahit sakin sabihin man lang pero ayaw niya talagang sabihin. Make sense, edi wag pilitin." Bumaling nalang ako ulit kay Jaly na ngayon ay may kausap na sa kanyang telepono at nag paalam pa na lalabas muna.
If I know, si Calen lang naman iyon. Hindi niya man sabihin, nararamdaman naman namin na may something na sakanilang dalawa ni Calen.
"Kailan niya kaya sasagutin yon. Ano?" Natatawang tanong ni Ashley. Sabi sainyo eh. Kahit hindi siya mag sabi ay alam namin. We Feel it.
"Nag hahanap pa ng tyempo." Komento ni Kate. Siguro nga nag hahanap pa ng tamang tyempo si Jaly para masagot si Calen dahil nangangapa pa siya sa mga nangyayari at maaring mangyari kung sasagutin niya na ng agaran si Calen.
Wala naman akong magiging issue sakanila, kung seryoso naman ba si Calen kay Jaly. Why not hindi ba? Masaya naman sila pareho kung ganoon at sa tingin ko ay wala kaming karapatang makielam sa happiness na madudulot nito kay Jaly.
"I think kailangan nating i-assure sakanya na walang magiging issue o walang hahadlang sakanila kung sakaling sagutin niya na nga si Calen para naman hindi siya mag dalawang isip." Advice ni Doreena na i-agree-han ko naman. Sa tingin ko kasi ayun lang ang pumipigil kay Jaly eh.
Pumasok na ulit si Jaly ng bahay at ngiting ngiting umupo sa sofa. I missed the feeling of being in loved but I know, masasaktan lang ulit ako kung ibibigay ko ulit ang pag mamahal ko sa parehong tao.
Kinausap namin si Jaly noong kumain kami. Naiyak pa nga ang loka dahil doon. Masyado niya daw na-appreciate ang lahat ng efforts namin para sakanya although hindi ko alam kung saan banda doon ang effort gayong nag sabi lang naman kami ng totoo sakanya.
Kinaumagahan ay bumangon kaagad ako para sana makapag handa ng kakainin kaso nagulat ako nang makita ko si Jay doon sa may papuntang dining area. Anong ginagawa niya dito?

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Fiksi RemajaPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.