Nikka's Pov
Hindi ako humihinga habang nakatingin doon sa kamay na yun. Naramdaman ko namang hinawakan ni Grail ang kamay ko at pinisil ito na para bang sinasabi niyang nandun lang siya anytime na may mangyari man saakin. Pakiramdam ko hihimatayin na ako dito sa kinauupuan ko.
"Can we join you?" Tanong niya. Hindi parin nag babago ang nakakalaglag panty niyang boses. Grabe, almost everything is good sa lalaking ito. Kung hindi niya lang talaga ako niloko noon edi sana masaya kami pareho diba?
"Uhh..-- I think hindi magiging fine kung sasabay kayo saamin." Sabi ni Krys. Prangka talaga itong babaeng ito.
"Why not?" Tanong naman niya. Hindi ko naririnig ang boses nila Jay. Nakayuko lang kasi ako at hindi sila magawang tignan. Kahit sino sakanila.
"Actually dahil wala paring nakakamove on sa nangyari sa past." Sabi naman ni Jaly. Wala talagang preno ang bibig niya pero tama naman siya actually. Wala pa naman talagang nakakamove on ni-isa saamin tungkol sa nangyari sa past.
So ano nga ba ang nangyari sa past? Gustong gusto niyo na sigurong malaman. Kaya ito na ang right time para sabihin ko kung ano nga ba ang nangyari noon na hanggang ngayon ay dala dala naming lahat.
~Flashback~
Nag lalakad ako sa corridor nang biglang may humarang na lalaki saakin.
"Hi Nikka. Ako si Dexter. Pwede bang sumabay ng lunch sayo?" That time busy ang mga tropa ko sa patong patong na projects na in-assign saamin. Sa totoo lang ay hindi naman siya patong patong dahil magkakahiwalay naman ng araw nung ibinigay ito saamin ang kaso lang, hindi nila ito ginawa kaagad kaya ang nangyari, ayan. Busy sila.
"Dexter? Diba tropa ka nila Jay? Bakit hindi ka sakanila sumabay?" Tahimik pa ang tropa nila Jay nun, wala pang ginagawang kung ano ano at parang normal na heartthrobs lang sa school. Sinisigawan at kung ano ano pa pero hindi ito yumayabang.
"Eh, busy kasi sila eh. Tapos nakita kita. Ikaw yung tropa nila Jaly diba?" Tanong niya. Tumango naman ako.
"Sige wala ka namang gagawing harmful saakin eh at chaka hindi naman masamang pumayag diba?" Natatawang sabi ko na ikina-tango niya lang.
Sa araw araw na ginawa ng Diyos, araw araw niya din akong sinasabayan kumain ng Lunch. Miski ang tropa niya ay sinasabayan ang tropa ko. Si Mark ay pino-pormahan na si Anne. Ganun din si Xander kay Krys. Sweet si Calen kay Jaly at syempre kanya kanya na ang tropa. Si Jay naman at si Ricca talaga ang close. Si Mikhail ay si Kate lang ang kinakausap. Si Doreena naman nakikipag chikahan lang kay Karl. At as usual. Tahimik lang si Joshua at Alex pati na rin si Grail. Pero dahil dinadaldal ni Ashley ang pinsan ay nagsasalita rin ito.
Hanggang sa dumating ang araw na hatid sundo niya na ako. Kahit hindi ako pumayag ay ipagpipilitan niya talaga. Naging close pa sila ni mama nun kasi nga lagi siyang nasa bahay. Kaya hindi ko rin maiwasan na mahulog sakanya.
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Fiksi RemajaPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.