XLII

261 6 7
                                        

Forget Me Not.


After 4 years...

Gea's Point of view

Nakangiti ako habang nag luluto ng makakain ni Nikka. She recovered her trauma. Buti nga eh. Pero may mga hindi siya naalala katulad nang kung bakit daw kami nasa Canada. Hindi ko alam kung naaalala niya pa yung mga kaibigan niya pero hindi na rin ako nag tanong. Remembering her friends means remembering everything that happened way back then.

"Wow Ma! Mukhang masarap yan ah." Sabi niya sakin habang nag luluto ako. Ngumiti naman ako sakanya at hinanda na ang mechado. Namiss niya daw kasi ang Filipino foods kaya nag request ng ganyan.

"Syempre, ako ang nag luto eh." Sabi ko sakanya. Tumawa naman siya. Kumain na kami nang sabay nang bigla siyang mag tanong saakin.

"Ma, pwede ba akong umuwi ng Pilipinas?" Tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ko alam kung pwede na dahil hindi ko pa nakakausap ang doktor niya tungkol dito.

"Titignan natin." Yun nalang ang sinagot ko para hindi naman siya malungkot. Kailangan ko pang makausap ang doktor para maitanong kung pwede na ba siyang umuwi. Kung makakaya niya na ba kung sakaling may maalala siya.

"Nakakamiss kasi sila Jaly eh." Tumango naman ako. At least ngayon alam ko na hindi kasama ang mga kaibigan niya sa mga nakalimutan niya.

"Sige, pupunta tayo sa tita mo mamaya." Tumango naman siya at nagmadaling kumain para makapagbihis. Niligpit at hinugasan ko na ang kinainan namin. Bihis na ako kanina pa at maayos na iyon.

Pumunta kami sa kaibigan kong nakasama ko sa pag alaga sakanya. Pinsan niya kasi ang doktor ni Nikka at nasa iisang bahay lang sila. Hindi rin maalala ni Nikka na nagkatrauma siya. Wala siyang maalala na kahit ano tungkol sa nangyari.

"Tita!!!" Sigaw niya nang makapasok kami sa bahay nila. Agad namang bumungad ang doktor niya at kaibigan ko. Kinausap naman ito ni Nikka kaya nagkaron ako ng pagkakataon na makausap ang doktor niya.

"Doc, pwede na po ba siyang umuwi ng Pilipinas? Gusto niya na pong umuwi eh." Tanong ko sa doctor niya. She guided me to sit. Nandito kasi kami sa dining area.

"Gea, magandang pangitain nga na gusto niyang umuwi sa Pilipinas dahil isa lang ang ibig sabihin non. Handa na siya sa kahit anong nag hihintay sakanya. May Traumatic amnesia siya, Gea. Kahit iharap mo siya sa mga taong naging dahilan ng sakit niya noon, kung hindi niya naman ito maaalala, you don't need to worry." Sabi ni Doc pero hindi parin ako convince. Ewan ko ba. 

"Pero Doc paano kung all of a sudden makaalala siya?" Tanong ko sakanya.

"Kung all of a sudden, maalala niya ang lahat. Mas mabuti. Hayaan mo siyang magalit. Hayaan  mo siyang ilabas ang nararamdaman niya dahil hindi mo naman mako-kontrol iyon at kung ko-kontrolin mo ang nararamdaman niya, mas lalo lang magiging mahirap at masakit ang pagdadaanan niya. Hayaan mo siya Gea. Mas mabuting hindi niya kinukulong ang nararamdaman niya sa sarili niya." Doon naman ako natauhan. Mas mabuti nga sigurong ganun na din. Mas mabuti sigurong maalala niya ang lahat pag nasa Pilipinas siya.

"Salamat Doc." Tumayo na ako at sumunod sakanya sa pag labas. Nakita ko si Nikka na masayang masayang kausap ang tita niya.

"Excited na kong umuwi, tita. Namimiss ko na kasi mga kaibigan ko doon eh." Nakangiting kwento niya. Bumuntong hininga naman ako dahil doon. Tinapik ni doc ang balikat ko at nginitian ako. Ngayon, alam ko na ang dapat kong gawin. Alam kong iyon ang tama. Hindi ko pwedeng ilayo siya sa mga taong nag papasaya sakanya kahit pa sila yung mga taong nanakit rin sakanya.


P H

"HELLO PHILIPPINES!!!!!!!!!!!!!" Umikot ikot pa siya na para siyang isang bida ng teleserye na matagal na nawala sa Pilipinas at ngayon lang nakabalik.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon