Anne's Pov
Nabigla ang lahat sa pagkawala ni Kate Maala sa school pero mas nabigla kami nang bumalik siya ngayon. Itong bruhang babaeng ito. Wala man lang pasabi.
"Anne." Tumingin ako kay Grail at ngumiti.
"Oh?" Minsan napapaisip din ako kay Grail. Para siyang si Kate. Nawala nalang bigla ang pagkakaiba lang, si Kate hindi na talaga namin nakita. Si Grail, nasa paligid lang.
"Sasama na ako." Napangiti ako sa naging desisyon niya. Kinwento saamin ni Nikka ang mga narinig niya sa likod ng school pero hindi alam ni Grail na alam din namin ang tungkol doon.
"Talaga? Buti naman." Unti unti na ulit kaming nabubuo. Sana man lang wag nang gumawa ng kabaliwan sila Jay para masira kami.
Nag usap usap na lang kami nila Kate. Kinwento niya ang dahilan ng biglaang pag alis niya at kung paano niya ito naayos. Mabuti nalang at naayos niya kundi magiging bihag siya habang buhay dun.
"Nako Krys. Kaya ikaw, bantayan mo yang si Xander. May tendency na mangyari yan sainyo." Natahimik naman kami sa sinabi ni Kate. Kung tutuusin tama siya, may tendency na mangyari iyon kay Xander at Krys pero sana wag naman. Sila yung tipo ng relasyon na hindi mo aakalain na mag syota pala kasi hindi naman halata sakanila. Parang tropa tropa lang.
"Wag naman sana." Sabi ni Nikka. Tumango naman sila. Bigla tuloy akong kinabahan. Paano si Mark? Paano kung ganun din kami? Paano kung.. Aish.
"Wag kang mag isip ng kung ano ano dyan. Mapapaglaban mo naman si Mark." Natatawang sabi ni Doreena. Tinarayan ko lang siya. Alam na alam niya ang tumatakbo sa isip ko.
"Pero seryoso. Kung saka-sakali man. Krys. Nandito naman kami eh. Ipaglalaban nating lahat ang KrysXan love team!" Napatingin kami kay Jaly.
"KrysXan?" Tanong ni Ricca.
"Krys and Xander! Cute diba?" Proud pa na sabi ni Jaly.
"Nako Jaly. Gutom lang yan. Kain na tayo!" Sabi ni Kate. Tumawa naman kaming lahat.
Iba talaga pag kumpleto ang barkada. Iba yung saya.
"Oh Grail. Nandito ka ulit. Mawawala ka nanaman ba bigla? Next time sana wag ka nang magpakita kung mang iiwan ka lang din. Tulad nung ginawa mo nung game." Napalingon ako kay Nikka nang sabihin niya yun tapos kay Grail. Napabuntong hininga naman ako. Ganun din si Grail pero binawi niya din agad iyon.
"Hindi na ako aalis Niks. Dahil kung may limang milyong dahilan para umalis, kakapit ako sa isang dahilan para mag stay." Nabigla naman ako sa sinabi nito. Napangiti ako ng palihim. Talagang bumalik na nga ang dating Grail na nakakasama namin. Bumalik na yung tapang niya.
**
Inabot na kami ng gabi dahil ayaw pa talagang umalis ni Kate pero dahil sumakit ang ulo niya dahil sa jetlag, kinailangan niya na ding umuwi.

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Novela JuvenilPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.