XV

443 17 7
                                    

Nikka's Pov


"Nikka.." Lahat kami nanigas sa kinatatayuan namin. Hindi ako makakilos. Hindi ako maka lingon sakanya. Boses niya yun. Alam ko kung gaano kalalim ang boses niya. Alam ko kung paano niya sabihin ang pangalan ko. Siya lang ang nakakagawa nun. Siya lang ang nakakapag pabilis ng ganito kabilis sa puso ko. Siya lang.


Unti unting lumingon ang mga kaibigan ko. Pati na rin sila Jay.


"Bro!" React ni Joshua. Buwan lang ang agwat ng dalawang ito. Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang lumingon.


"Josh. Jay. Namiss ko kayo!" Pinipigilan ko ang luha ko. Pero narealize ko na lang na kumu-kurba ang mga labi ko at gumagawa ito ng pekeng ngiti. Unti unting nagkaron ng sariling mundo ang mga paa ko at umikot ito kaya ngayon ay kaharap ko na siya. 


"E...ex." My voice cracked. Hindi ko alam pero walang luhang tumutulo sa mga mata ko. Ang alam ko lang ay hanggang ngayon masakit parin talaga. Masakit parin. Walang kupas.


"Kamusta ka?" Walang emosyon niyang tanong. Habol hininga na ako. Bakit ganito ako? Hindi ko kasi napaghandaan eh. I mean oo napaghandaan ko pero hindi ko naman alam na ngayon na pala yun.


"Okay lang ako.." Sabi ko sakanya. Bigla namang nag tilian ang paligid kaya agad siyang umalis. Napahawak ako sa puso ko at medyo napabend. Mabuti nalang at nasalo ako ni Krys. Doon lumabas lahat ng luha ko. Niyakap ako ni Grail at pinapakalma ako.


"Mauuna na kami." Sabi ni Jay at umalis nalang bigla. Sila ang may kasalanan kung bakit ako ganito. Sila talaga. Nakakainis ka Jay! Wala ka nang nagawang matino sa buhay mo.


**


Nandito kami ngayon sa likod ng gym kung saan kami madalas tumambay dahil hindi masyadong dinadaanan ng tao. Umiiyak lang ako sakanya. Oo, sakanya lang. Kasi si Grail lang ang nandito.


"Pasensya ka na Grail ha? Pero sa tingin ko kasi hindi parin naaalis yung sakit eh." Tumango naman si Grail.


"Hindi ba sinabi ko na naman yun sayo? Na mag hihintay ako hanggang mawala na yung sakit sa puso mo. Kung natatakot ka paring magmahal ng iba, naiintindihan ko yun. Pero sana Nikka, kalimutan mo na siya kasi hindi siya mabuti para sayo. Tignan mo nga sarili mo. Umiiyak ka nanaman." Sabi niya kaya mas napahagulgol ako.


Si Grail yung tipo ng taong palagi ko nalang pinag tatabuyan pero hindi ako magawang iwanan. Sana lang, sana siya na yung una kong minahal. Para hindi ako nasasaktan ng ganito.


"Bakit ganun Grail? Ang tagal na eh. Ang tagal tagal na nun bakit hindi ko parin makalimutan? Bakit ang sakit parin?" Nasa activity room ang party nila kaya tahimik dito sa likod ng gym.


"Kasi hanggang ngayon hindi mo pa siya nakakausap. Kaya hindi mo pa siya napapatawad. Kasi umalis siya ng walang explanation sayo. Nikka alam mo? Harapin mo siya. Kasi hindi matatahimik yang puso at utak mo kung hindi mo maririnig ang explanation niya kung bakit niya ginawa yun. Nararamdaman ko na bukod sa trip nila Jay ay may matindi pa siyang dahilan dun. Kailangan mo lang malaman yun para makumpleto ka na. Nikka tignan mo sarili mo sa salamin. Kahit anong ngiti mo? Kahit anong tawa mo? Kahit anong saya ang gawin mo hindi ka mabubuo kung palagi mo nalang babaunin yung sakit na naramdaman mo noon. Hindi mo makakalimutan yan kung binigyan ka ng bakas para maalala ka. Ang notebook pag sobrang diin ang sulat mo, babakat yun hanggang sa susunod na pahina at sa mga susunod pang pahina. Matagal pa bago mawala ang bakas pero kung patuloy mong didiinan ang pag susulat mo, hindi matatanggal ang bakas na yun kasi palaging bago ang mabubuong bakas sa susunod na pahinga. Mag ingat ka, kasi baka pag dating mo sa dulong pahinga, eh gulo gulong bakas na ang makita mo at hindi mo na maintindihan ang mga nakalagay dito." Nakatingin lang ako sakanya habang sinasabi niya yun. Tahimik lang ako habang nakikinig ako sa words of wisdom niya. Ayan talaga ang nakakapag pagaan sa loob ko eh. Yung words of wisdom niya.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon