Traumatic Experience
Gea's Point of view
Tinignan ko ang anak ko na hindi makausap. Iyak lang ng iyak segu-segundo. Naaawa ako sakanya. Hindi ko ipag kakaila na may mga pagkakataon na gusto kong iharap siya sa mga kaibigan niya pero natatakot din ako na baka pag ginawa ko iyon ay mas lumala lang ang kondisyon niya.
Ipinatingin ko siya dito sa Canada. Nagkaroon siya ng trauma sa nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang pauwiin sa Pilipinas para makita niya naman kahit papaano ang mga kaibigan niya pero ang sabi ng doktor ay mas mabuting walang mag papaalala sakanya sa mga nangyari sa nakaraan.
"Nikka..." Nilapitan ko ang anak ko pero parang hangin lang akong dumaan sa harap niya. Naiiyak ako tuwing nakikita ko siyang ganito. Parang hindi ko kakayanin kung mag tatagal pa na ganito.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya best. Hindi ko na alam kung paano pa siya makakarecover. Kasalanan ko talaga ang lahat ng ito eh. Kung hindi ako nasobrahan sa luwag ko baka hindi nangyari ito sakanya." Sabi ko sa kaibigan kong nakatira dito sa Canada. Siya ang naging kasa-kasama ko sa pag alaga kay Nikka. Hinawakan niya ang likod ko.
"Wala ka rin namang magagawa eh. Unica Hija mo yan. Hindi mo naman pwedeng pag higpitan yan dahil mahal na mahal mo. Impossibleng gagawin mo iyon." Sabi niya naman saakin. Totoo. Kung gaano ako kalakas sa buhay ko ay ganun ako kahina pag dating sa anak ko. Hindi ko kasi talaga kayang nakikita siyang nahihirapan at nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit may mga walang hiyang tao na patuloy na nananakit sa mga yaman ng ibang tao.
"Hindi ko na siya luluwagan sa pagkakataon na maka recover siya, best. Kahit anong mangyari." Tumango naman ang kaibigan ko at unti unting hiniga si Nikka. Umiyak nanaman siya sa kalagitnaan ng pag higa sakanya. Gusto ko na ding maiyak pero nag patuloy ako. Nang makalabas kami sa kwarto niya ay tsaka bumuhos ang luha ko.
"Tama na yan. Sa panahon na ito mas kailangan niya ng lakas ng loob kaysa sa mga luhang iyan." Sabi ng kaibigan ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti sakanya. Niyakap ko ito at niyakap niya din naman ako pabalik.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Salamat Best." Nang bumitaw ako sa yakap ay ngumiti siya saakin at nag paalam na kailangan niya nang mauna. Pumayag na naman ako. Wala rin naman akong magagawa dahil may trabaho siya pero babalik raw siya bukas.
Buong araw, hinintay kong magising si Nikka. Nagising siya pero hindi siya bumabangon. Ayaw niyang kumain kaya pinatawag ko ulit yung doktor niya para ma-check up si Nikka.
"She needs to see something. At least take her to somewhere she'll feel better." Sabi ng doktor. Tumango naman ako at nag pasalamat bago siya umalis. Kinabukasan, pag dating ng kaibigan ko ay sabay naming nilabas si Nikka para makita naman niya ang mundo, hindi yung apat na corner ng kwarto niya lang.
Ganun parin, walang pag babago. Walang nangyari. Ganun parin siya. Hindi makausap pero kumakain na at least ng mga binibigay namin sakanya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
--
P H
Anne's Point Of View
Nasa bahay kami lahat dahil nag hihintay kami ng tawag mula kay tita pero kahapon pa siya hindi tumatawag saamin.
"Kain muna kayo." Sabi ni Xela. Tinignan ko siya at napatingin din naman siya saakin. Ngumiti siya pero hindi ko iyon sinuklian.
"Alam mo? Hindi mo naman kailangan malayo sa pinsan mo dahil sa mga nangyayari eh. Advice ko sayo, mag usap kayo. Wala naman sigurong mawawala kung makikipag usap ka sa pinsan mo, hindi ba?" Ngumiti si Ricca saakin. Tumango naman ako tapos ibinalik ang tingin kay Xela na inaayos ang niluto niyang spaghetti para saamin.
Wala si mama, pumunta somewhere in earth. Kaming dalawa lang ni Xela ang nandito sa bahay at talagang nakakalungkot dahil bukod sa may gap saaming dalawa, parang walang buhay kaming pareho.
"Oo nga, Anne. Hindi mo kailangan mag tayo ng gap between sainyo. Iba naman yung sainyo sa issue natin." Sabi naman ni Krys. Ngumiti din ako sakanya. Sa totoo lang, hindi ko din alam kung bakit umiiwas ako kay Xela gayong tama naman sila. Iba ang saamin ni Xela, iba ang issue. Mag pinsan kami at natural lang saamin na maging okay kahit na ang lahat sa paligid namin ay hindi.
Blood is thicken than water nga daw, hindi ba? Pero ako kasi talaga ang may problema. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung saang panig ako dahil nga may pinsan ako. Pero tulad nga ng sabi nila, iba. Magkaibang magkaiba. Pero hindi ko rin maiwasan na isipin na pwedeng gawin nilang tulay yung para malampasana ng issue na hinaharap namin. Ewan ko ba. Ano bang problema ko? Hindi ko din talaga alam.
"Nag ca-catch up pa nga lang kayo ni Xela eh. Bakit hindi mo nalang isipin na mag pinsan kayo at sobrang close niyo dati kaya there's no way na dapat sayangin yun? Yung gap sainyo noon, unti unti nanamang tumataas. Nagiging pader na. Wag mo sanang hayaan na maharangan kayo nung pader na yun bago mo marealize na hindi pareho ang sitwasyon." Sabi naman ni Ashley. Tumunog ang phone ni Krys kaya natahimik kaming lahat. Baka kasi ayun na ang tawag na kanina pa namin hinihintay.
"Wala, si mama lang." Sabi niya naman at sinagot ang tawag. Lahat kami napabuntong hininga dahil sa sinabi ni Krys. Napairap nalang ako dahil nasasaktan at nalulungkot ako. Ewan ko ba. Hobby ko na yata ang pag irap para matakpan ang tunay kong nararamdaman. Usually kasi, ngumingiti ako pero ngayon yata parang nag bago na ang lahat. Hindi ko kayang ngumiti kung ganito ang sitwasyon.
Tumayo ako tapos pumunta sa kusina. Naabutan ko si Xela na nag liligpit ng mga ginamit niya doon.
"Ako na dyan." Sabi ko at kinuha sakanya ang mga hugasin. Hinayaan niya lang akong gawin iyon dahil nasa usapan naman namin yun. Hindi pwedeng isa lang ang kikilos saamin dito sa bahay.
"Hindi ko maintindihan kung bakit pati tayo, dapat damay. I mean, pinsan kita at pinsan mo ako. Bakit pati tayo kailangan magkalayo nanaman ang loob? Hindi ka ba nahihirapan na nasa iisang bubong tayo tapos patuloy mo kong iniiwasan dahil sa walang ka-kwenta kwentang issue na yan?" Tanong niya. Natigilan naman ako pero nag patuloy din agad sa pag hugas.
"Ganun yata talaga, Xe. Pag mahal mo ang isang tao, lahat ng nasa paligid mo, damay." Simpleng sabi ko.
"Mas mahal mo ang kaibigan mo kaysa sa sarili mong pinsan? Ganun na ba kalayo ang loob mo sakin para piliin ang kaibigan mo over me? Weird and I don't get it. Ipaintindi mo sakin kasi ako? Kahit anong mangyari, pamilya ang uunahin ko. Bakit hindi mo magawa yun saamin? Saakin?" Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya. Ito na ba yung sinasabi ni Ashley na may wall nang humaharang sa gitna namin?
"Sa puntong to, hindi kayo ang pinaka nahihirapan. Hindi ikaw! Hindi ikaw ang niloko! Hindi ikaw ang nasaktan kaya bakit kita pipiliin?" Humarap ako sakanya nang matapos ko na ang hinuhugasan ko.
"Pero sa ginagawa niyo ba na to, hindi kami nahihirapan? Hindi kami nasasaktan? Naloko? Walang naloko sainyo! Hindi namin pare-pareho alam na buntis si Amanda! Pero ano? Hindi kayo nakinig! Pinairal niyo parin ang galit niyo samin kasi akala niyo, yun yung natatanging paraan para makaalis kayo sa isang bagay na hindi naman kayo na-stuck." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Xe...---" Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Hindi naman kasi kayo dapat apektado pero nag pa-apekto kayo. Parang sa isang kwarto, hindi naman kayo naka-lock pero naghanap kayo ng way para makatakas. Sa madaling salita, STUPIDITY." Nanatiling nakakunot ang noo ko sa sinasabi niya.
"XELA, KAIBIGAN NAMIN YUNG NASAKTAN! NI-HINDI NGA NAMIN ALAM KUNG NASAAN NA SIYA NGAYON. DAHIL IYON SA KAIBIGAN MO! DAHIL IYON SAINYO! Now don't tell me na hindi kami apektado dito dahil apektado kami!" Sigaw ko sakanya.
"Grow up Enna! Hindi ka na bata pa para sa mga ganyang bagay! Mga bata lang ang nag sasabi niyan! Imbis na i-encourage niyo siya na malalampasan niya yan, ayan kayo! Dumadagdag pa sa problema niya! Tingin niyo ba matutuwa siya pag nalaman niya na nag hiwalay kayong lahat dahil sakanya? Knowing Nikka? Baka magalit pa iyon sainyo. Alam mo Enna? Naaalala mo ang lahat ng bagay bukod sa isa..." Tumalikod siya at tinagilid ang ulo niya na parang gusto niya kong tignan pero hindi niya ginagawa. "...You forgot to grow up."
~~

BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.