Nikka's Pov
Nakikinig ako sa discussion nang may naramdaman akong tumamang papel sa ulo ko. Kahit si Krys ay napatingin sa likod kaya tumingin ako sa mga posibleng tao na gagawa nun pero wala naman akong ideya kung sino. Kaya kinuha ko nalang yung papel at tinanggal ito sa pagkakalukot.
"You're amazing." At dahil isang dakilang echusera ang best friend ko, tinignan niya ang nakalagay at nang asar ng sobra sobra.
"Omg! Malay mo si ano to. Sino bang pwede? Teka lang.." Tumingin siya sa likuran.
"Sino naman?" Tanong ko sakanya. Biglang umingay ang paligid dahil sa hindi ko alam ang dahilan.
"Ayun! Si Grail! Malay mo siya." Napairap nalang ako kay Krys.
"At paano ka naman nakakasigurado na lalaki nga ang nag bato niyan?" Naka poker face na tinignan ako ni Krys at binuklat ulit sa harap ko ang papel.
"Bek. PANGET ANG SULAT OH. PANGET! Bek. Lalaki yan." Siguradong sigurado siya sa sinasabi niya. Biglang napalingon naman si Grail sa pwesto namin at kumunot ang noo. Psh! Kala mo gwapo eh. Humarap nalang ulit ako sa prof at nakinig. Hindi ko na pinansin si Krys kahit na kung ano ano pa ang sinasabi niya.
Biglang nag ring ang bell kaya naman nag diwang ang lahat dahil makakawala na sila sa isang napaka boring na klase. Pag talaga oldie na yung prof mo, nakakatamad na makinig pero syempre dahil scholar kami ni Krys dito, kailangan mag aral ng mabuti.
Inayos ko na ang bag ko at nang matapos ako ay agad agad akong hinila ni Krys palabas pero hindi pa kami nakakalabas totally ay pumasok na ang grupo nila Amanda sa classroom.
"So ano Nikka? Krys? Nagulat kayo ulit? Bakit? Narealize niyo na ba na maganda na ako?" Sabi niya at malanding inayos ang damit niya sa harapan namin.
"Hindi parin, akala ko kasi ang hipon, sa dagat lang. Hindi ko naman alam na meron din pala sa lupa. Idagdag mo pa na nag ready ka na talaga ano? Bakit Amanda? Alam na alam mo na ba na gagawin kang tempura kaya pinanindigan mo na?" Mapang asar na sabi ni Krys.
"Hoy manggang naglalakad. Shut up mo yang bunganga mo kung ayaw mong makatikim ng konting make up para naman gumanda ka kahit kaunti." Sabi ni Teesha. Isa sa mga alipores ni Amanda.
"Hoy din babaeng lollipop. No thanks nalang no! Mas bagay sayong tumikim ng make up para naman makatikim din ng kagandahan yang ugali mo. Try mo lang baka magustuhan mo din in the end." Sabi ulit ni Krys. Nag away lang sila ni Teesha pero nawala na doon ang focus ko nang unti unting lumapit saakin si Amanda.
"Ikaw Nikka, bwisit ka sa buhay ko eh no? Gusto nalang kitang ihulog dyan sa bintana para matahimik ka na habang buhay pero syempre hindi ko gagawin yun dahil gusto kong mahirapan ka every second hanggang sa dumating na yung araw na ikaw na mismo ang luluhod saakin at magmamakaawa na umalis nalang sa school na to." Sabi niya. Habang tinitignan ko siya mas lalo ko lang nare-realize na napaka panget pala talaga ni Amanda.
"Amanda, hindi ka ba napapagod gawing miserable ang buhay ko? I mean, may buhay ka naman diba? Pwede bang wag mo nang pakielamanan yung saakin at hindi ko na din papakielamanan yung sayo?" Iritang tanong ko sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/72020860-288-k688397.jpg)
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.