Nikka's Pov
Finals na ngayon. Maaga kaming pumunta ng gym dahil doon gaganapin ang laro. Palagi naman sa gym namin eh. Doon kami naupo sa may harapan para matanaw kami kaagad nila Xander. Ang tagal pa naming nag hintay bago mag simula ang game.
"Huy alam mo ba? Babalik na daw siya next school year." Nanigas nanaman ako sa kinauupuan ko. Ayan nanaman ang issue sa pag babalik niya. Hindi ko alam kung sino yung babalik na sinasabi nila pero malakas ang kutob ko.
Pakiramdam ko, mangyayari na ang kinatatakutan ko. Babalik na siya.
"Talaga ba? Eh diba sabi niya babalik siya pag okay na siya? Ibig sabihin talagang nakalimutan niya na si ateng girl?" Napasinghap ako doon. Sinalaksakan ko nalang ng earphones ang tenga ko para wala akong marinig.
"Hi!" Napalingon ako sa tumabi saakin. Napanganga ako nang makita ko siya.
"Grail?" Nakangiti siya habang inaalok ako ng popcorn. At dahil favorite ko ang flavor ay kumuha ako.
"OMG!!! GRAIL~~~" Tinakpan naman ni Grail ang tenga niya dahil sa tili nung mga nasa likuran namin. Ngumiti lang ito sakanila at hindi na ulit pinansin.
Isa rin siya sa mga tinitilian dito sa school. Mahaharot kasi mga babae dito. Syempre except saamin.
"B..--Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.
"Uy Grail! Hi!!!" Bati nila Jaly sakanya. Kumaway naman ito pabalik. Bakit parang iba siya? No..-- hindi siya iba. Parang bumabalik na yung dating Grail na nakilala namin. Yung tropa namin.
Nag salita na ang speaker, pumwesto na ang mga players. Nanahimik nalang ako at finocus ang sarili ko sa laro.
"Sasama ka sa victory party nila?" Tanong nitong katabi ko.
"Hindi pa nga natin alam kung sino panalo, victory party kaagad? Sure win na ba talaga sila?" Natawa naman si Grail sa sinabi ko kaya napatingin ako sakanya ulit. Kung panaginip lang to, please wag niyo na akong gisingin. Parang ang sarap sa pakiramdam na bumalik na yung dating Grail.
"Hindi ka ba naniniwalang sila na ang panalo?" Binaling ko nalang ulit ang focus ko sa game at hindi na siya pinansin.
Todo cheer ito sa school namin at para bang hindi niya nalang pinapansin na sila Jay yung nag lalaro.
**
Natapos ang first at second quarter nang lamang ang school pero pag dating ng third quarter ay lumamang ang kalaban pero nahabol nila iyon kaagad pero sa pag andar ng Fourth quarter ay hindi na nakakatira ang school. Ngayon ay two minutes na ng Fourth quarter at lamang ng 30 points ang kalaban.
"Ngayon lang to." Sabi ni Krys.
"Oo nga eh. Ngayon lang nangyari na naging lamang sila sa last two minutes." Pag agree naman ni Doreena.
"Tignan mo yung players ng school natin. Parang pagod na pagod na pero yung kalaban parang easy easy lang sakanila." Sabi naman ni Jaly.
Nag timeout ang school namin dito sila sa tapat namin nag usap usap. Talagang dito kami pumwesto para makakalapit sila saamin.
"Babe. Anong nangyari?" Tanong ni Krys kay Xander.
"Ayokong mambintang babe pero sa tingin ko pinapatalo nila Jay ang laro." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Xander. Halata ang pagod niya dahil hinihingal na ito.
"Ano?" React ko.
"Pinapatalo nila ang laro sa hindi ko malamang dahilan. Sila ang laging kumukuha nung bola pero pinapaagaw nila sa kabila. Kahit mag tulong tulong kami sa pag habol ng score, hindi namin magagawa yun kung patuloy nilang ipapatalo ang laro." Sabi ulit ni Xander. Tumingin ako kay Mikhail na ngayon ay nakatingin din saakin. Hindi ko mabasa ang expression ng mga mata niya. Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/72020860-288-k688397.jpg)
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.