II

1.1K 31 11
                                    

Krys' Pov


Habang kumakain kami ay pasimple kong tinitignan ang tropa ko. Bakit ganun? Kung tutuusin ang swerte ko na sakanila kasi wala ka nang hihilingin pa. Pero minsan napapaisip nalang ako, bakit kami pa ni Nikka? Bakit hindi sila Amanda ang naging kaibigan nila gayong sila sila naman  ang pantay pantay ang estado sa buhay. Ngayon napatunayan ko na hindi pala talaga mahalaga kung mayaman ka o mahirap ka, kung maganda ang kalooban mo ay tatanggapin ka nila ng buong puso.


"Oy oldie. Ano na? Makatingin wagas ah." Sabi ni Doreena Dwarfy. Yun talaga ang tawag niya sakin dahil sabi niya ay matanda na daw ako. Palibhasa maliit siya kaya hindi halata sakanya ang age niya.


"Tigilan mo ko dwarfy. Ang panget mo kasi." Natatawang sabi ko sakanya. Umirap naman siya saakin kaya mas lalo akong natawa. Hindi kasi bagay.


"At least hindi ako humuhuli ng palaka sa classroom." Napa-tch nalang ako sakanya. Nagtawanan naman sila marahil ay naalala nila ang nangyaring katangahan kahapon sa classroom.


"Funny talaga yon. Hindi ako makaget over." Sabi ni Jaly at napahampas pa sa mesa sa sobrang saya niya.


"Masyado kasing nagmamadaling makita ang boyfriend parang hindi naman sila nag kita nung umaga." Tawang tawang sabi ni Nikka kaya tuloy nasamid siya. Ayan karma.


"Ayan bek! Kinakarma ka na tuloy." Sabi ko. Biglang lumapit si mama Gea saamin at nakisali sa kwentuhan.


"Ang sasaya ng mga anak ko ha." Sabi niya. Nagpatuloy kaming kumain habang nag k-kwentuhan. Hindi talaga mawala sa topic ang pagkadapa ko kahapon. Hindi sila maka-move on kaya sila nasasaktan eh. Ay joke lang pala.


"Mama Gea. Papaalam ko pala si Nikka sa summer. Since it's two weeks away nalang. Mag p-palawan kasi kami." Sabi ni Anne. Tumingin naman kaming lahat sakanya.


"SI NIKKA LANG?!" sabay sabay na sambit namin. Tumawa naman si Anne.


"Syempre una ko lang pinapaalam kay mama Gea. Kayo naman guys. Lahat tayo syempre." Nag diwang na kaming lahat. Party party.


"Pumayag na ba ako?" Nanahimik kaming bigla dahil sa sinabi ni mama Gea. Nalungkot din kami ng sandali.


"Ma." Malungkot na sabi ni Nikka. Sure kasi siyang papayagan ang lahat.


"Syempre naman oo." Sabi ni mama Gea kaya naman nag diwang na ulit kami. Akala namin hindi papayag si mama Gea.


"Nako Anne! Siguraduhin mong hindi doodle yang Palawan mo ah. Kundi ipapangkulay ko lahat ng make up dyan sa mukha mo." Mataray na sabi ni Doreena.


"Hoy Dwende, hindi ako magaling mag drawing no at Fyi, walang wala naman yung make up ko sa make up ni Amanda no! Hindi mo nga mapapansin yung sakin eh." Sabi ni Anne. Nag tawanan naman kami sa sagutan ng dalawa. Pati si mama Gea ay natatawa. Sila kasi ang tinuturing naming bunso sa tropa bukod sa maliit nilang height ay sila din talaga ang pinaka isip bata.

Philophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon