Chapter 30
Living Volcano
Doreena's Point Of View
Nandito lang muna ako sa classroom at walang balak na lumabas. Hinihintay ko nalang na tumunog ang pinakahinihintay ng lahat. Ang bell. Kaso mukhang wala talaga siyang balak tumunog eh. Wala kasi kaming prof ngayon at last subject na. Ayoko pang umuwi kasi wala akong kasabay kaya heto ako. Naghihintay.
"Doreena." Tawag ng isang malamig na boses sa tabi ko. Nilingon ko naman ito at nakita ko si Joshua. Umirap nalang ako at bumalik sa bintana ang tingin ko.
"Anong ginagawa mo dito Joshua?" Tanong ko sakanya pero hindi ako nakatingin. This past few days parang ayoko nang umaaligid siya saakin. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis talaga ako.
"Wala lang, checking on you. Uwian na kasi." Humarap ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.
"Hindi ko pa naririnig ang bell." Kumunot naman ang noo niya saakin.
"Kanina pa tumunog ang Bell. You're spacing out." Nanlaki naman ang mata ko. Gino-good time ba niya ako?
"DOREENA!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa napakalakas na boses ng tumawag saakin. Nilingon ko ito at nakita ko si Karl.
"BAKIT KA BA SUMISIGAW DYAN?!" Lumapit siya saakin at kinuha ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako patayo at palabas.
"Teka. Nasasaktan si Doreena." Sabi ni Joshua. Tumigil si Karl at hinarap si Joshua. Nagkaroon ako ng chance para kunin ang bag ko.
"Wag kang makielam dito Joshua!" Sabi ni Karl at hinila na ulit ako palabas. Tumingin pa ako kay Joshua at binigyan ito ng poker face. Nag pahila nalang ako kay Karl dahil useless na din naman kung makikipag away pa ako.
"Sandali nga lang muna Karl. Masakit na ang paa ko." Tumigil kami sa labas ng music room. Naalala ko nanaman tuloy. Inayos ko ang sapatos ko na may 2 and 1/2 inch. Imagine? Hinila niya ako habang suot suot ko ito. Walang hiya.
"Sorry." Sabi niya. Bumalik sa poker face ang ekspresyon ko. Bumuntong hininga nalang ako at hinarap siya.
"Bakit mo ginawa iyon? Nag uusap pa kami ni Joshua." Direkta kong tanong sakanya. Umiwas naman siya ng tingin saakin.
"Sorry, nainis talaga ako nang makita kong magkasama kayo. Something built up in me and I feel na kailangan talaga kitang i-alis sa lugar na iyon." Sabi niya. Bumuntong hininga ulit ako.
"Bakit? Nag seselos ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang tumingin saakin at parang nag mamatigas pa.
"Yes. I am." Ako naman ang natahimik sa sinabi niya. Bakit kasi kailangan ko pang itanong yun?
"Umuwi na nga tayo. Wala na ba sila Nikka?" Tanong ko sakanya. Lumapit siya saakin kaya napapaatras ako. Na-corner niya ako dahil tumama ang likod ko sa pintuan ng music room.
![](https://img.wattpad.com/cover/72020860-288-k688397.jpg)
BINABASA MO ANG
Philophobia [COMPLETED]
Teen FictionPhilophobia- Fear of being in love or falling in love.